Warning: There is violence and some disturbing scenes that may not be suitable for you. Please read at your own risk.
Saph watched the two in action. Nagsasalitan ng bawat suntok at sipa habang iniiwasan din ang matamaan. Kita niya na parehong walang gustong sumuko o umatras sa laban. Parehong may gustong patunayan, parehong gustong manalo laban sa isa't isa.
Finn evaded an upper punch from Nate but not his hook from the left side that landed on his jaw. He groaned and stepped back to recover his composure. He maneuvered his body and gave his opponent a high kick that hit the upper torso.
Dumaing din nang mahina si Juggernaut sa natamong sipa mula kay Rebel. Mas lalong nanggigil na makaganti at muling inundayan ng sunod sunod na pagsuntok si Brandt. Hinding-hindi siya papayag na muling matalo sa laban. Sisiguraduhin niyang mapapabagsak niya ito ngayon nang tuluyan upang hindi na maging hadlang sa lahat ng mga plano niya at lalong lalo na hindi na nito maaagaw ang babaeng pinakamamahal.
Ngunit wala ring balak magpatalo si Finnegan laban kay Nate at gagawin niya ang lahat upang tuluyan nang masugpo ang sindikato ng pamilya nito. Hindi siya makakapayag na mapasakamay nito si Luxury at gawing instrumento sa mga masasamang plano nito. Mabuti na lang talaga at nalagyan niya ng tracker ang engagement ring na ibinigay niya noon dito kung kaya't natrace nina Hacker ang kinaroroonan ng dalaga.
Hindi na niya hinintay pa ang organisasyon ng SIATT at nauna nang sumugod roon kahit pa pinagbawalan siya ni Chief. Kailangan pa daw pagplanuhan ang gagawing pagsugod dahil hindi biro ang tinamong pinsala ng lahat ng agents na kumalaban kay Sapphire. The agency has agreed to treat her as an enemy because she gave life to Project Titan. And because of that, she has now become the biggest threat to humanity.
Kaya siya sumugod nang mag-isa upang iligtas ang dalaga at upang mabawi mula kay Nate. Gagawin niya ang lahat upang hindi na nito ma-activate ang chip sa utak ng kasintahan at nang hindi na makagawa pa ng panibagong pinsala sa iba at sa sarili nito. As of now, no one knows how to remove the chip from her head except the man he's fighting with. He needs to extract that vital information from him before it's too late.
"Suko ka na ba?" Mayabang niyang tanong kay Nate nang muli niyang bigyan ito ng isang malakas na sipa sa tagiliran at isa pang suntok sa panga.
Dumura muna ng dugo si Nate bago ngumisi na nakakaloko pabalik.
"Wala sa bokabularyo ko ang pagsuko at sa pagkakataong ito, ikaw ang matatalo kaya't tigilan mo ang kayabangan mo!"
Pareho silang tumatawa nang nang-aasar sa isa't isa. Parehong hindi nagpapakita ng kahinaan kahit pareho nang pagod at may iniindang sakit.
"Aren't you the one who is fucking arrogant here?" Balik naman ni Rebel. "Obviously, you're no match for me and yet you keep on pushing, making it hard for yourself. Why don't you simply admit defeat and I'll go easy on you, huh?"
"Tsk, tsk, tsk. Your mouth is full of shit, Brandt!" Iiling-iling na sabi ng binata. "I wonder how you followed her here?" Na ang tinutukoy ay si Saph.
"I put a tracker on her ring." At saglit bumaling kay Lux at saka kumindat rito.
Napatingin naman si Saph sa kanyang kamay upang silipin roon ang engagement ring na suot. Mabuti na lamang at hindi niya pa iyon hinuhubad sa kabila ng mga pinagdadaanan nilang magkasintahan. Umaasa pa din kasi siya na maaayos nila ang problema kahit alam niyang malabong mangyari iyon dahil sa nagawa niyang kasalanan sa nobyo.
"Fuck that ring!" Nakangiting sabi ni Juggernaut habang nakatingin din sa kamay ni Saph ngunit mababakasan ang matinding galit sa tono nito. "Because of you, we're currently behind our schedule. You're ruining our plans!" Na ngayon ay nakabaling na ang paningin sa kay Finn.
BINABASA MO ANG
F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIRE
Ficción GeneralWarning: SPG / R-18 /Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIRE "I have loved you since the first moment I set eyes on you. You were warm, and you were kind. And you looked right at me. You didn't flinch at...