Chapter Nineteen

372 42 8
                                    

Ramdam pa din ni Sapphire ang init at higpit ng yakap ni Finn kahit na nasa ilalim na siya ng shower at naliligo. Nakabalik na siya sa loob ng kanyang kwarto pagkatapos nilang magsi-ligo sa pool pagkagaling nila sa pagkain ng pananghalian.

Sinubukan niyang iwasiwas sa kanyang isip at sistema ang yakapang namagitan sa kanila ng binata at umakto siyang parang walang nangyari. Ngunit sa tuwing makikita niya ang pagdikit ni Rachel sa kay Finn ay nakakaramdam siya ng matinding inis kung kaya't nagpaalam na siya na mauuna nang babalik sa kanyang villa. Mas gusto niyang magbabad na lang muna sa bathtub upang hindi niya makita ang dalawa.

Ngunit nang mahigit isang oras na rin siyang nakababad at iyon pa din ang kanyang nasa isip ay umahon na siya at naligo na lang. Alam niyang wala siyang karapatang magalit o magselos dahil sino ba siya sa buhay ng lalaki? Ni hindi nga niya matawag na kaibigan ito dahil hindi nga niya magawang sabihin rito ang tunay niyang pagkatao. At ang huli ay hindi rin naman siya sigurado sa nararamdaman niya o sa nararamdaman din ng binata sakanya. Kaya nga siya ang unang kumalas sa yakapan nila kanina dahil hindi niya kinaya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.

"I think I'm going insane." Wika niya at saka itinapat ang mukha sa malamig na shower.

She couldn't understand herself. First, she tried to ignore the emotions that were building inside her. And then earlier that morning, she decided to give it a try- to jump with her feelings but she stepped back because of Rachel. And now that she's trying to stop herself because she believed that she doesn't deserve to feel anything good, he gave her a reason to continue. She is once again torn between and she needed a lot of convincing to make a step.

Tinapos na niya ang paliligo at saka siya nanalamin habang nakatapis ng tuwalya. Pinagmamasdan niya ang repleksyon niya roon at kitang-kita niya na may pagbabago na sa kanyang itsura. Mayroon na siyang emosyon sa kanyang mga mata na matagal na niyang hindi nakikita.

"Pathetic." Aniya ngunit hindi sarkastiko ang pagkakasabi, bagkus ay may kaunting saya sa tono.

At tuluyan na nga siyang napangiti kung kaya't napailing na siya bago lumabas para makapagbihis na. Pagkalabas niya ay may nakita siyang floral dress sa ibabaw ng kanyang kama. Alam niyang si Letty ang naglagay niyon na malamang ay pinapasuot sa kanya.

Kung paiiralin niya ang pagiging si Sapphire ay hindi niya iyon pagkakaabalahang usisain ngunit siya na ngayon si Luxury at gusto niyang ibalik sa kanyang sarili ang katauhang nawala sakanya noong bata pa siya. Kaya naman kinuha niya ang damit at isinukat at nang makita niya na bagay naman sakanya at hindi litaw ang mga pilat niya sa likod ay hindi na niya iyon hinubad pa.

"Ay ang ganda ni Ate Lux!" Bulalas ni Len-Len pagkakita sa kanya paglabas niya ng kwarto. "Para kang prinsesa po."

"Prinsesa? Hindi naman ganyan suot ng mga prinsesa ah." Kontra naman ni Toteng. "Dapat kumikinang yung damit at hindi ganyan na bulaklakin, katulad nung nasa libro na binabasa sayo noon ni Nanay."

"Eh kung hindi prinsesa, parang ano si Ate?"

"A Goddess." Singit naman ni Paulette na kalalabas lang din mula sa kwarto nito. "Mukha siyang dyosa, hindi ba?" Pagsalin nito sa tagalog habang nangingiti.

"Ay opo!" Masayang pagsang-ayon ni Arlene. "Tama, mukha ngang dyosa si Ate Lux."

"O kaya diwata po." Si Anthony naman. "Parang diwata sa kagubatan po."

"Pwede." Si Letty ulit. "A fairy that can hypnotize men with her charm and lure them to insanity." Sabay halakhak. "Tara, labas na tayo."

Inilingan na lamang ni Lux ang dalagita bago sumunod rito. Nagpa-set up ng table si Finnegan sa kabilang dako ng isla upang maiba naman ang view nila. Inutusan nito ang mga staff na magdecorate at maghanda para sa isang selebrasyon. Gaya nang napag-usapan kanina nang nasa bangka sila ay i-celebrate daw nila ang kaarawan nina Arlene at Luxury.

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon