Chapter Six

383 37 3
                                    

"Didn't I tell you to come alone?" Tanong ni Sapphire pagkatapos ay lumitaw siya sa gilid upang harapin ang kapatid na si Diamond at ang kasama nito. "Does your agency still after me?"

Sasagot sana ang kapatid nang maunahan ng kasama nito na walang iba pala kundi si Ruby.

"It's me, Saph." And took one step closer.

"Ruby?" Takang-taka siya. Naglakad na siya palapit upang makita na nila ang isa't isa. "What are you doing here? Bakit ka narito sa US?"

I need a break." Sabay kibit-balikat. "But that's not important right now, I came here with Diamond because you said you have something about Madame."

Tiningnan muna niya ang kapatid bago nagsalita.

"I saw her in the Philippines."

"Ano? Nakita mo siya sa Pinas? Saan? Doon ba siya nagtatago? May alam ka ba sa ginagawa niya?" Sunod-sunod na tanong ni Vix."

"I saw her in Quezon Province, accidentally. After that, I tried to follow her and I tracked her down. She flew here last week and I followed her but I lost her the other day."

Simula kasi noong umalis si Finn ay nagpatuloy na sina Toteng at Len-Len sa pagpunta sa bahay niya para makikain ng almusal. Kapag nakakatakas ang dalawa ay pinapakain din niya ng tanghalian o hapunan. Madalas isatinig ng dalawa ang tungkol sa burger steak na gustong matikman at panay ang hintay sa pagdalaw ng binata gaya ng ipinangako nito. Kaya naman siya na ang umaya sa magkapatid na magpunta sa kabihasnan upang makakain sa jollibee.

Seeing the kid's happy faces just because they get to eat simple fast food is priceless. She understood the feeling because, like them, she was in the same place before. Ibang tao din ang nagpakain sa kanya ng gusto niyang matikman na pagkain dahil hindi na niya naasahan iyon sa pamilya niya.

Pinabalik na niya ang dalawa sa isla at siya naman ay bumiyahe pa Maynila dahil balak niyang dalawin sana si Emerald ngunit nang magstop-over ang bus na sinasakyan sa may Calauag, Quezon ay namataan niya si Madame Pearl. Hindi pa nga siya sigurado noong una at baka namamalik-mata lamang siya ngunit lumakas ang kutob niya nang may nakita siyang kausap nito na mga small time crime lord ng Pilipinas.

Mukhang may binabalak ang mga ito dahil nasa fishing port niya naabutan. Tila ba may iligal na produktong inaangkat. Kaya naman minanmanan na niya ang matandang babae hanggang sa makarating sila pabalik ng Amerika. Mabuti na lamang at may nabili siya noon na maliit na apartment sa isang tagong lugar sa may Atlanta at doon niya iniwan ang kanyang ibang gamit, lalong lalo na ang kanyang mga sandata at armas.

"So it's a dead end?" Tanong ni Vix.

"I wouldn't sat that." Aniya. "The last time I saw her, she was talking to this big-time Italian Mafia boss. I bet your agency knows him because he's an international crime boss- Salvatore Mancini."

"Who's that?" Tanong ni Ruby.

"A powerful man in Italia." Sagot niya. "I'm not sure if he has a business with Madame or if she's asking help from him, but either of the two, it is not good. I can sense it."

"Where did you last see her with Mancini?" Si Diamond.

"In Boston."

"That's where most of the Mafia Lords are located here in the US. I think she's arranging reinforcements from her allies to continue what she and her brother started." Patuloy ng kapatid.

"Do you still think she can continue with the Syndicate's operation?" Si Ruby kay Diamond.

"I'm not sure. Pero marami pa rin silang mga kaalyado at kakampi sa iba't ibang panig ng mundo at nasisiguro kong susubukan niyang ituloy ang proyektong naudlot tungkol sa drogang Crimson Death."

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon