CHAPTER 47

517 31 13
                                    

JOSH CULLEN's POV

Mabibigat ang paghinga ko nang lumabas ako sa opisina ni Ivy.

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko mula sakaniya. Yung dahilan kung ba't agad siyang umalis ng Pilipinas nang hindi nagpaalam sa akin, sobrang bigat.

Bigla akong hindi makapag-isip nang maayos. My mind is full of unspeakable thoughts.

Bumukas na ang elevator at papasok na sana ako pero nakita kong si Beatrice pala ang nasa loob. She have some folders in her hand at nagkasalubong kami, palabas siya ng elevator at ako naman ay papasok.

"K-Kuya Josh..." she uttered when she saw me.

"Paki puntahan nalang siya sa office niya." sabi ko. Alam niya kung sino ang tinutukoy ko kaya naman agad siyang tumango at dali-daling pumunta sa opisina ni Ivy.

Nang magsara ang elevator ay napapikit ako, at kusa na ring bumagsak ang luha ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko na rin alam kung anong sasabihin ko.

Umalis ako ng kompanya nila at agad na bumalik sa hotel. Pagkatapos ay bigla nalang akong natulala.

I was mad for not knowing the truth. Galit ako, pero hindi kay Ivy, kundi sa sarili ko.

I didn't know that she was suffering.

Kung hindi ako nagpadala sa pride ko, kung sana agad ko nalang siyang kinausap mismo nung araw pagkatapos naming mag-away, siguro walang mangyayari. I could be with her, I could've been protected her from the harm.

Hindi ko matanggap na doon sa ilang araw na hindi kami magkausap, nagdudusa na pala siya, mag-isa. Hindi ko man lang siya nadamayan. Wala akong nagawa.

She was pregnant with our child, pero nakunan siya. I didn't knew she was suffering after her miscarriage.

And I also should've apologized to her in the first place. Hindi ko na sana siya nasigawan at napagbuntungan ng galit. I was fucking impulsive earlier which was wrong.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala... Ivy and I were supposed to be parents. We've maked love for so many times at nag-bunga nga, pero nawala rin naman kaagad.

Bakit ba may nangyayaring ganon? Hindi pa ba kami sapat para maging magulang? Ivy and I can definitely provide a child's needs, isn't that enough?

Sa ngayon, ang dami-daming tanong sa isip ko na si Ivy lang din ang makakasagot. Kung paano at kung bakit siya nakunan... Kailangan ko 'yon malaman.

This time I'll make sure to listen to her, na hindi ako magpapadala sa emosyon ko. I badly wanted to talk to her and be with her.

Alam kong hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya dahil sa nangyari dahil siya yung nagdadala no'n sa anak namin. Kung hindi ko siya nagawang damayan noon, atleast kahit ngayon nalang magawa ko pa 'yon. I want to help her lessen the pain from what happened. I want us, especially her, to move on and to recover from it.

IVY's POV

I sobbed and wiped my tears using the tissue.

Alam kong ang dami ko nang naaksaya na tissue dahil kanina pa ako umiiyak.

It was just yesterday when Josh and I talked. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Kung nandito pa ba siya sa Paris o umalis na tutal nalaman naman na niya yung kailangan niyang malaman.

I didn't go to the company today. I wasn't feeling well. Masama ang pakiramdam ko simula kahapon, mabuti na nga lang at medyo okay na ako ngayon. Nakainom na rin naman na ako ng gamot kanina.

Crossed PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon