CHAPTER 11

553 29 12
                                    

JOSH CULLEN's POV

"Yes, that was before... Sa labas pa tayo ng bahay nagkikita. Tapos ako, takas pa 'ko rito."

Natawa ako ng mahina.

Ivy was reminiscing the past. Nung bata pa kami na inaabangan ko siyang lumabas dito sa bahay nila tapos maglalaro o mag-uusap kami sa labas ng mga bahay namin.

"Pero ngayon, pwedeng-pwede na tayo pumasok sa bahay ng isa't isa." sabi ko naman.

I suddenly stared at her, she's tipsy already. Anong oras na rin kasi. Pagkatapos naming mag-dinner at magkwentuhan about life, dito kami dumiretso sa may pool area nila at nagkwentuhan ulit. Hanggang sa mapunta na nga kanina yung pinag-uusapan namin sa past.

I've waited for this. Hindi lang itong dinner na kasama siya at kaming dalawa lang pero yung magkita at magkasama ulit kami kagaya noon.

Hindi pa rin siya nagbabago. The Ivy that I knew before is still her now. Kung noon kaunting oras lang yung na-spend namin together, I'll make sure na hindi na ngayon. I want to spend time with her.

"Sanay ka uminom, ano?" maya-maya'y ani ko habang nakatitig pa rin sakaniya.

"Don't state the obvious." she said. "Why? Ayaw mo ba sa umiinom na babae?"

"Hindi naman... Natanong ko lang." sabi ko.

Ivy stood up. Lumipat siya ng upuan at naupo sa tabi ko. She took out his phone and we took a selfie together while she's clinging on my arm.

"Can I post our pictures together?" she asked me.

"Ofcourse. Hindi mo na kailangan ipagpaalam 'yan. Ikaw pa ba." sabi ko.

She laughed a little.

I saw her opened her Instagram account. She just chose a few photo of us together and posted it. Tinag niya rin ako. Binasa ko yung caption pero nasa french iyon.

"De nouveau avec lui, après tant d'années..."

Hindi ko alam kung ano 'yon pero mamaya ko nalang titignan. May translation naman.

"Josh, I have something to tell you..."

Tumingin ulit sakin si Ivy tsaka inilapag ang phone niya sa table.

"What is it?" I asked her, waiting for what will she say.

"I..." halos magtitigan nalang kami. Parehas kaming nakatitig sa isa't isa. Hindi ko alam pero hindi ko naman magawang umiwas. "I have a crush on you... Before..."

"So it means matagal na kayong magkakilala at magkaibigan? Mga bata palang kayo bago siya pumunta ng France, ganon ba?"

Tumango ako kay Justin. He's referring to Ivy.

"Ano ba 'yan, akala ko ako na pinakamatagal na kaibigan mo, Josh. May mas matagal pa pala."

Nakakaloko akong tumingin kay Stell tsaka lumapit sakaniya. "Wag kang magselos, mahal." natatawang sambit ko tsaka umakbay sakaniya.

"Yuck, mandiri ka nga, Josh Cullen!"

Parehas kaming tumawa ni Jah nang malakas dahil sa reaksiyon ni Stell. Di na maipinta yung mukha eh.

"Eww ka, Josh." ani naman ni Jah.

"Mga hayop. Ang aarte niyo." sambit ko nalang tsaka umalis sa harap nila.

Nandito kami sa condo ni Stell. Pagkagising na pagkagising ko ay pumunta kaagad ako rito dahil wala lang.

I sat at Stell's couch and get my phone on my pocket. Tinignan ko yung pictures namin kagabi ni Ivy bago ko i-post yung iba roon.

Crossed PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon