CHAPTER 30

513 27 1
                                    

JOSH CULLEN's POV

Tinignan ko ang phone ko dahil baka may bagong message si Ivy pero wala. Ano na kayang ginagawa no'n? Nila ng Mommy niya. Kumain na kaya siya? I texted her and reminded her to eat dahil baka magpalipas nanaman 'yon.

Ayoko pang umuwi sa condo. Wala naman na siya roon eh. At sa bahay, medyo tinatamad naman ako ngayon na magdrive. Hindi ko alam kung saan muna ako pupunta ngayon. Nakakabagot.

Napalingon ako nang biglang may tumapik-tapik sa likod ko.

"Sama ka samin ni Pablo. Let's eat. Dinner na rin naman na." sabi ni Stell tsaka umakbay sa akin.

"Saan?" tanong ko.

"Diyan lang sa malapit na resto." aniya.

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Right, dinner na rin nga pala.

I haven't received a new message from Ivy kaya hinayaan ko nalang muna. Tutal Mommy naman niya ang kasama niya at hindi kung sino-sino lang.

Kaming tatlo nina Pablo at Stell ang magkakasamang nag-dinner. Wala sina Justin at Ken dahil si Ken busy pa at si Jah naman, nauna nang umalis ng studio kanina.

"Sama kayo sa bar mamaya? Pau, pwede ka?" I suddenly asked while the three of us are already eating.

"Bakit?" tanong ni Pau nang nakataas ang isang kilay.

"Wait, nag-away kayo ng girlfriend mo noh? Kaya pala parang ang seryoso mo masyado kanina." ani Stell tsaka umiling-iling pa habang nakangisi.

"Sira, hindi." sabi ko. "Nag-aya lang ako eh... Ano, g ba kayo?" tanong ko ulit.

"G ako." Stell said.

"Paalam ako kay Bianca." sambit ni Pau tsaka sumubo ulit ng pagkain niya.

"Awit. May jowa nga naman..."

"Edi mag-jowa ka na rin." hirit ko kay Stell tsaka mahinang tumawa.

"Not interested." he said in a serious tone.

Napailing nalang ako. Not interested, as of now.

Right after we had dinner, dumiretso kami sa bar namin. It's been a while...

Matagal-tagal na rin simula nung huling pumunta ako rito. Aside sa naging busy kami, syempre mas gusto kong ispend yung oras ko kasama si Ivy. I'll never know, baka mamaya bigla nalang siya magpaalam umalis at bumalik na ng Paris, lalo na sa sitwasyon nila ng pamilya niya ngayon.

I sighed heavily with that thought. I know I can't stop her from leaving, and I shouldn't. Ivy have a life there, yung trabaho niya, nandoon. Mabuti na nga 'tong nakauwi ulit siya rito sa Pilipinas eh.

Magkakasama kaming tatlo sa bar. Dumiretso kaagad kami rito pagkatapos namin mag-dinner. Kaming tatlo ulit magkakasama dahil pinayagan naman si Paulo ng girlfriend niya. As long as he would not be wasted too much.

Di ko naman sila inaya para magpakalasing ng sobra. Hindi ganon. I just wanted to breathe, gusto ko lang din maglibang. Minsan lang naman eh.

I tried texting and calling Ivy again but just like earlier, she wasn't answering.

"Kawawa ka naman. Di ka sinasagot."

"Busy." ani ko kay Stell na parang mang-aasar nanaman.

"Busy? Gabi na ano pang pinagkakaabalahan niya?" tanong niya.

"Family niya." I said and took a shot. "That's understandable." I said again.

"Nice... Pau, we have an understanding boyfriend here." Stell told Pau.

Crossed PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon