SIGNS CHASER
TaojaTaoja"Sigurado kang okay lang sa 'yo na rito na lang tayong dalawa?" Makailang ulit nang tanong sa akin ni Weighn.
"Oo naman. Mas payapa rito at mas makakapag-isip ako nang maayos."
Gabi na at hindi na ako sumang-ayon pa kay Weighn na sumunod sa mga kaibigan niya matapos ang naging umagahan ko kasama sila. Sinabi ko rin kay Weighn na siya na lang ang sumunod, pero nagdesisyon s'ya na samahan na lang ako kahit hindi naman kailangan. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin niya ako iniiwan.
Humalumbaba ako sa railings ng terrace at pinagmasdan ang kalangitan.
Ang lungkot ng langit. Walang bituin at nagbabadya ring umulan.
Marahang lumapit sa akin si Weighn. "Oh." Inabot niya sa akin ang isang can ng beer.
"Hindi ako umiinom." Malamya kong itinulak pabalik sa kanya ang beer na iniabot niya. "Nalulungkot ka rin ba?" Maya maya ay nagtanong ako upang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.
Hindi ko na kinailangan pang siguraduhin kung tumatawa ba si Weighn dahil sa pagngisi pa lang niya ay alam kong may nasabi na naman akong nakatatawa para sa kanya.p
"Bakit hindi mo na lang sagutin?" Matalim ang naging tingin ko kay Weighn nang balingan ko siya. "Palagi ka na lang tumatawa sa mga sinasabi ko. Pasalamat ka nga nakikipag-usap pa ako sa 'yo kahit na alam kong puro kalokohan lang naman ang kaya mong gawin."
"Wow! Ang judgemental mo naman." Kinagat niya ang ibabang labi bago muling magsalita. "Syempre nalulungkot din ako. Tulad mo, nakakaramdam din ako ng pag-iisa."
"Tingnan mo!" Malawak na ngiti ang naipakita ko sabay turo sa langit. "May ilang stars na oh." Muli, tulad ng inaasahan, tumawa lang s'ya. Iiling-iling pa siya nang ngumingisi. "Alam mo sa inaasta mo, hindi na ako magtataka kung hindi mo na ako lapitan sa susunod." Ibinaling ko na lang ang aking paningin sa mga kumikislap na mga bituin.
"Bakit naman?" Nakatingin siya sa kawalan nang inomin ang serbesa.
Bumuntong hininga ako. "Alam mo, I know I'm kinda weird. Alam ko kung paano ako tingnan ng tao. I know exactly how people perceive me." I intentionally tapped Weighn's shoulder. "Salamat ha? Alam mo kasi, it's the first time na may nakausap akong tao sa paraang katulad nito."
Pinasadahan ni Weighn ang kamay kong nasa balikat niya at tipid na ngumiti. "Baka pagkatapos n'yan, kung ano nang hawakan mo ha."
Dahil sa sinabi niya ay mabilis kong inalis ang kamay ko sa balikat n'ya.
"Ang kapal mo rin talaga kahit kailan. Hindi ka lang pala flirt, may pagka pervert ka rin. Ang dumi ng isip mo."
Medyo nawala ako sa aking isipin nang lumapit siya.
Ang kanyang braso ay unti-unting dumikit sa akin na para bang nasa isang masikip kaming lugar at walang kahit na anong espasyo para makagalaw. Hindi ko na rin nagawa pang lumingon sa kanya dahil sa lapit ng agwat namin. Siguradong kung lilingon ako ay sasalubong lang sa akin ang mukha ng mokong na 'to. Hindi ko iyon gugustuhin.
"Pwedeng hindi tayo ganito kalapit sa isa't isa," hindi pa rin sumusulyap na saad ko.
Naramdaman ko ang paglapit ng kanyang ulo nang unti-unti niya iyong isandal sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Signs Chaser [Boys Love]
General FictionArc Ligaya is a hopeless romantic gay-man who believes that everything depends upon the signs he asks to the universe. He is confident that there is someone out there na nakatadhana para sa kanya, at ang taong 'yon ay ang matagal na niyang hinihinta...