SIGNS CHASER
TaojaTaojaAng bango-bango ng niluluto ni Shawn. Hindi na makapaghintay ang tiyan ko. Siguradong napakasarap ng mga pagkaing inihahanda niya.
“Patapos na ba ‘yan Shawn?” nananabik na tanong ko habang nakaupo sa mesa ng maliit na dining area sa aking kwarto.
Abala lang sa pagluluto si Shawn at animo ay chef kung gumalaw sa kusina. Hindi niya ako sinagot.
“Masyado ka namang nagmamadali. Hindi ba pwedeng hintayin mo na lang na i-serve sa ’yo? Ikaw na ang ipanagluluto, napaka-demanding mo pa.”
Ano bang problema ng mokong na ito sa akin?
Siya na nga itong nanggising nang sobrang aga, siya pa itong parang prinsepe kung makaasta.
Ayos na ayos ang pagkakahiga ni Weighn sa kama ko at ang lakas pa ng loob na mangialam ng gamit ng may gamit.
“Sinong may sabi na pakialaman mo ‘yang libro ko ha?”
“Para namang ang ganda-ganda ng content ng libro na ‘to, para ipagdamot mo. Hindi nga ako interesado eh, wala lang akong magawa kaya binabasa ko,” sagot ni Weighn habang nakatutok sa libro na hawak ng isang kamay niya, habang ang kabilang kamay naman ay nasa kanyang ulo.
“Yang reading glass ko? Bakit gamit mo rin?”
He looked at me fiercely. “Bagay naman sa akin. Hindi ba?”
Sinadya ko siyang bigyan ng maarteng pa-irap, pero nang muli ko siyang tingnan ay nakatingin pa rin ito nang diretso sa aking mga mata. Nakataas ang kilay, naghihintay ng sagot sa tanong niya.
“No. That reading glass only belongs to me. If you want to have one, buy your own.” Padabog ko siyang nilapitan at sapilitang kinuha ang salamin na suot niya. “Look! Mas bagay sa akin.” Nang-aasar akong ngumiti.
Dahan-dahan ko ring kinuha ang libro na hawak niya. Hindi naman siya nakipag-agawan at tiningnan lang niya kung paano ko kinuha ang libro at parang bata na tumingin lang sa akin. Batang naagawan ng bagay na gustong-gusto niya.
“There’s a great probability that the person who annoys you the most is also the person you want to be with.” Tatango-tangong saad ni Weighn. “Lagi kang naaasar sa akin. Lagi mo akong pinagtutulakan. Wala kang masabi sa akin na maganda except sa…” natigil siya, sinadyang pumikit na para bang mayroon siyang inaalala. Ang naging pag-ngisi niya ang nakapagpawala ng pasensya ko, “para akong anghel sa paningin mo.” Saka lang siya nagmulat ng mata nang muling nagsalita.
“At sino ka naman para gustuhin kong makasama? Nakakainis ka oo, pero hindi ibig sabihin no'n, gusto kita o kung ano man ang iniisip mo.” Agad ko siyang tinalikuran.
Sa puntong iyon ay abala pa rin si Shawn sa ginagawa.
Nag se-serve na siya at inaayos ang table. Parang wala lang sa kanya ang presenya namin ni Weighn kahit na nagtatalo kami.
“Yung libro mo ang nagsabi no’n.”
Patago kong sinulyapan ang libro na hawak ko kahit nakatalikod na ako kay Weighn.
“How will you know when you love someone?” ~ The title of the book.
“Ang ganda ng interest mo pagdating sa libro ah. Ang unique. Samantalang ako, How to become a billionaire ang gustong basahin.”
BINABASA MO ANG
Signs Chaser [Boys Love]
General FictionArc Ligaya is a hopeless romantic gay-man who believes that everything depends upon the signs he asks to the universe. He is confident that there is someone out there na nakatadhana para sa kanya, at ang taong 'yon ay ang matagal na niyang hinihinta...