~ Prologue ~

633 21 0
                                    

Signs Chaser
TaojaTaoja

“Kapag nakita ko ulit 'yung bituin na naglalakad…ituturo ko 'yun sa 'yo, at talagang mapapahiya ka,” mayabang, malakas at may kompyansa kong saad.

Tandang-tanda ko pa kung paano ako nakipagtalo sa kanya noon na mayroong bituing lumilipad sa langit. Naglalakad pa nga ang termino ko noon para do’n.

Kapag may dumaan na bituin na lumilipad sa langit ngayong gabi, ibig sabihin no'n, magkikita ulit tayo.” Mahina ang naging pagbigkas ko sa bawat salita.

I am hopeless and helpless.

I badly want to see him again.

Mula rito sa roof top ng bahay ay tanaw ang mga kumikinang na mga tala. Lahat ay hindi magkamayaw sa pagkislap.

Siguro...hindi na magpapakita muli ang bituin na 'yon. Marahil dahil alam ko namang hindi 'yon totoong wishing star, at hanggang ngayon ay nagpapaniwala lang ako sa aking sarili.

Marahan akong naglakad papunta sa barandilya. Sumandal doon at tinanaw ang langit tulad na palagian kong ginagawa sa tuwing maaalala ko ang isa sa pinaka-espesyal na tao sa buhay ko. 

Habang nakatangila at nililibang ang sarili, nabalot ng halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Awtomatiko akong napatiad na para bang maaabot ko ang nakita sa langit nang gawin ‘yon.

"Is this a sign?!" malakas kong sigaw. Wala akong pakialam kung may magising mang kapit-bahay o mabulabog ang buong village namin. "If it is, I will wait for him! Alam kong magkikita ulit kami!"

Para akong batang sinundan ang mistulang bituin na ilaw sa langit, kahit ang totoo ay isa lamang naman talagang iyong eroplano hanggang sa kainin ito ng mga ulap.

I know somehow, the reason behind the sign I keep on wishing seems impossible, but what if it is actually not?

Wala namang nakakapagod sa paghiling at paghingi ng mga signs. Kung nagawa ko iyon bago siya dumating, maari ko rin iyong magawa hanggang sa muli siyang bumalik.

Signs Chaser [Boys Love] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon