SIGNS CHASER
TaojaTaoja"Sinabi ko sa 'yo noon na nagsimula akong maging interesado sa mga signs nang marinig ko 'yun sa 'yo. Gusto ko pa ngang samahan mo 'kong hintayin ulit 'yung bituin na naglalakad, 'di ba?" Mahigpit ang pagkakahawak ni Weighn sa barandilya. "Pero, akala ko ba...si Dhyter ang gusto mo?"
Napalunok ako sa seryosong tanong na 'yun ni Weighn. Hindi ako nakapagsalita kaagad.
"Akala ko nga rin eh."
"Alam mo, hindi ko naisip na sasabihin mo 'yun." Wala sa sariling napatangila si Weighn, at sa huli ay napangiti na lang sa kawalan. "Gusto mo ba talaga ako?"
Matapos ang tanong niya ay bumaling siyang muli sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Kahit halos buong gabi ko nang sinasabi sa kanyang oo, gusto ko s'ya.
"Oo nga." Nahihiya na akong ulit-ulitin 'yon sa kanya.
"Paano kung hindi kita gusto?"
That question stopped me.
Halos lahat na lang yata ng narinig ko kay Weighn ngayon ay puro tanong. Mga tanong na para sa akin ay napakahirap sagutin.
"It's day 25 of my 30 days here. Ang sabi ko noon, this is my last straw, right? Kapag walang nangyari...uuwi na 'ko. Gano'n pa rin naman ngayon." Mainam ko siyang tinitigan. "Isa pa...ano naman kung hindi mo 'ko gusto? Basta gusto kita, at wala kang magagawa ro'n."
Natawa siya sa sagot ko. "Ang tapang mo rin eh, 'no?"
Ako? Matapang? Paano n'ya nasabi?
"Hindi ako matapang. Sa totoo nga lang, ang hina-hina ko." Makabuluhan kong tiningala ang mga ulap. "Wala ngang nagtitiwala sa 'kin eh. Kahit isa, wala man lang akong kakampi. Kita mo 'yon?" Itinuro ko ang pinakamalabong bituin. "Gano'n ako para sa lahat. Walang kinang, hindi kumikislap, at higit sa lahat, useless. 'Di gaya ng ibang nakapaligid sa akin."
"Paano mo naman nasabing mahina at useless ka?" Ramdam ko ang inis sa pagtatanong ni Weighn.
"I was a cheater, and a certified stealer." Sa umpisa pa lang ng pagsasalita ko ay hindi na agad naiwasang magtubig ng aking mga mata. "I was someone who would do anything just to be acknowledged. Kahit pa mang-angkin ako ng gawa ng iba at ipahamak ang sarili."
"Anong ibig mong sabihin?"
"I was a writer. Kaso...natapos ang pagdating ng mga oportunidad na mayroon ako sa pagsusulat nang malaman nila na hindi ako ang totoong may akda ng mga sinusulat ko." Tahimik lamang na nakinig sa akin si Weighn. "Some writers and even publishers filed cases against me. Nagsisisi ako noon dahil hindi ko naman talaga intensyon na magnakaw ng gawa ng iba. Alam ko naman kasi ang kapasidad at kakayahan ko. Talaga lang napangunahan ako ng pressure. Fortunately, all of them withdrew the cases, but I had to pay them." Malungkot akong ngumiti. "Akala ko noon, kapag natapos na ang problemang 'yun, makakabalik ako. Pero hindi na pala. Halos wala ng tumanggap sa akin. Kahit mga gawa ko na isinusulat ko sa iba't ibang platforms online, hindi na nila pinaniniwalaan."
"Ngayon? Nagsusulat ka pa rin ba?"
Walang gana akong umiling. "Sino pa bang maglalakas loob na magpatuloy pagkatapos mangyari ang lahat ng 'yon sa 'kin?"
![](https://img.wattpad.com/cover/276022551-288-k700780.jpg)
BINABASA MO ANG
Signs Chaser [Boys Love]
Ficção GeralArc Ligaya is a hopeless romantic gay-man who believes that everything depends upon the signs he asks to the universe. He is confident that there is someone out there na nakatadhana para sa kanya, at ang taong 'yon ay ang matagal na niyang hinihinta...