Chapter One: Rain
“Umuulan..?” bulong ko habang nakatingin sa makulimlim na kalangitan mula sa bintana ko. Medyo nakakapanibago lang dahil nga April ngayon at summer. Hindi dapat ganto ang panahon pero since mukhang ganto na nga eh mukhang wala na kong magagawa.
Sa totoo lang, May kung ano kasi sa ulan na hindi ko maintindihan. Bukod kasi sa mukha na syang Dull at Gloomy eh may kung anong bagay na dumudurog sa puso ko at nagbibigay sakin ng kakaibang kalungkutan na hanggang ngayon eh hindi ko pa rin alam kung pano at saan nagsimula.
“Ang lakas ng ulan. May bagyo kaya?” at napabuntong hininga na lang ako’t ikinabit ang dalawang earphones ko sa tenga’t nakinig na lang ng music para ma-distract.
Mga ilang minuto lang eh, para bang napansin ko na wala si Petunia sa sala ko. Oo nga pala, Si Petunia yung alaga ko. Isa syang 3 months old na Golden Retriever at Oo, medyo malaki na nga agad sya at mabalbon. Sobrang balbon.
“Petunia.. Chu chu tsk tsk” tawag ko sakanya habang nililibot ang bahay ko na pwede nyang puntahan.
“Arf! Arf!” rinig kong tahol nya na mukhang galing sa labas.
“Geez. Bakit nasa labas ka na naman?” naiiritang bulong ko sabay kuha ng payong at sumulong sa malakas na ulan.
“Oh Petunia. You’re such a bad dog. Sinabi ko ng wag kang lalabas diba?” hihilain ko na sana siya papasok nang bigla akong napatigil nang mapansin ko ang isang binata na nakaupo sa tapat ng bahay ko.
Nakayuko ito at parang wala sa sarili. Pero hindi naman sya mukhang pulubi or drug addict dahil una sa lahat, Nasa loob ng subdivison ang bahay ko’t bawal ang mga outsiders dito. Pero itong taong ‘to.. Mukha syang batang naglayas. Sino ba 'to?
“Are you.. alright?” tanong ko dun sa binata sabay payong sakanya.
“...” at nanatili lang syang nakaupo’t walang sagot.
“Ayos ka lang ba? Anong ginagawa mo dito? Naliligaw ka ba?” tanong ko pa ulit pero this time medyo gentle na. Baka kasi matakot siya sakin eh. Pero once again, di na naman sya sumagot. Medyo naasar na ko kaya ibibigay ko na lang yung payong sakanya para di ako makonsensya mamaya.
“ Ah Geez! Oh eto payong, bahala ka na sa buhay mo.” naiiritang sabi ko. Kaya lang nung ibibigay ko na sana yung payong ko sakanya eh bigla na lang syang nagsalita’t tumingin ng seryoso sakin. Weird. Parang sinaksak ng madiin yung puso ko nung makita ko yung mukha niyang parang nasasaktan.
“..Ang sama mo.” sabi nya.
“Wha—t?!” napairit ko agad sabay simangot sakaniya.
Aawayin ko na sana siya kaya lang bigla na lang syang nag-collapse at nawalan ng malay sa harap ko. Kaya ayun, medyo nag-panic ako't inalalayan agad siya papasok sa bahay. Kahit sinabihan nya ko ng ganun eh wala naman akong magagawa kundi ang tulungan sya.
Hayst. Mga kabataan talaga oh. Maglalayas layas tapos di naman pala kakayanin. Pambihira talaga.
After ko syang madala sa bahay eh agad ko siyang hiniga sa sofa ko. At since basa yung mga damit nya eh no choice na ko at pinalitan na rin siya bg damit. Di ko naman sya pwedeng hayaan na lang na magkasakit kaya Oo, binihisan ko sya. Buti na lang at uso ang malaking t-shirt sakin. At para dun sa baba eh Jogging pants na lang.
Hindi ‘to Sexual Harrassment okay? Kasi tinutulungan ko lang sya. At bukod pa dun, kasalanan nya kung bakit sya nandito. Hay ang bait ko talaga.
***
“Oh. Gising ka na. Gusto mo ng kape?” tanong ko ng makita kong gising na yung binata.
“Asan ako?” naguguluhang tanong nya agad habang nililibot niya yung tingin sa paligid.
BINABASA MO ANG
White Ink
ChickLit[Mild R-18] One rainy afternoon of the summer month of April, I met a guy who looks like a stray dog and a lost child. He was there, sitting outside my house like a homeless. He's pretty hopeless so I helped him out. But i never thought that, meet...