Chapter Four :

163 10 6
                                    

Chapter Four: Confess


"Sorry Ate Nana, Natulugan ata kita kagabi." nasabi lang ni Rui pagkagising nya na parang wala man lang syang maalala sa mga nangyari kagabi.

"Nalasing ka ba?" tanong ko lang habang nakaharap sa laptop ko.

"Yeah I think so. Weird nga eh. Isang bote lang naman yung ininom ko." sagot naman nya sabay inom ng malamig na tubig.

"Wala ka bang naaalala na.." mahinang sambit ko pero nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba.

"Maalala na what?" at napataas lang siya ng kilay sakin.

Okay Great. Mukhang wala nga syang naalala. Buti naman. Kung hindi, yari tsak na 100% ang Awkwardness naming dalawa ngayon.

"Wala. wala lang." ani ko.

"So tutal Sunday ngayon, May gusto ka bang puntahan Ate Nana?" tanong bigla ni Rui.

Napaisip ako bigla at napatitig sa laptop ko. May gusto nga ba akong puntahan ngayon?

"Gusto kong mag-road trip at pumunta ng beach." sagot ko lang na parang di seryoso.

"Tara Batangas?" aniya sabay ngisi agad sakin.

"I'm sorry, What?" ani ko kasi baka nagkakamali lang ako sa narinig ko eh.

"Tara, Batangas tayo. Sabi mo gusto mong mag-road trip diba? Then let's go." excited na sagot naman niya.

"Really? Seryoso?" tanong ko na syempre di pa rin makapaniwala. Damn! Naeexcite na rin ako.

"Oo nga. Pano? Tara na?" aya niya.

"Sure. Wait. I'll go get change lang." at dali dali agad akong umakyat sa taas para maligo't mag-ayos.

Unti lang ang dinala kong damit. You know, Batangas kasi yun. At pag sinabing Batangas syempre may dagat dun. Kaya ayun, Sinigurado ko na makakapagdala ako ng swimwear ko.

"Alam mo ba kung pano pumuntang Batangas?" tanong agad ni Rui sakin nung nasa kotse na kaming dalawa.

"Trust me. Uso ang GPS." I gave him a reassuring smiled.

"Geez. Sabi na eh.." at napailing na lang siya sakin.

We travelled to South luzon expressway para makarating sa Batangas and syempre, Hindi nga naman buo ang roadtrip kung walang music diba?

"Oh my gosh! I love this song! Sinong kumanta nito?" tanong ko agad kay Rui after kong mapakinggan yung isang magandang song sa radyo.

"Uhm. Some kind of band, I guess? Uhm. Sikat yan eh. Wait isipin ko muna." at napaisip muna sya. "Ah right! RD69 yung kumanta nyan."

"Really? Anong title naman?" tanong ko pa ulit.

"Stare at you?" di siguradong sagot niya.

"Oh my gosh. Fan na nila ako! Ang hot nung boses ng vocalist nila right? Parang nanse-seduce. Eyiiieee "

"Malay ko. Baka kasi lalaki ako diba?" then he grimace.

"Tss. KJ." napa-pout lang ako't nag-sing along na lang habang nagda-drive.

Mga 10AM eh nag-stop over muna kami para kumain. Buti na lang at uso ang Jollibee dito. Tapos may katabi pang Starbucks kaya ayun, Bumili na rin kami ng Frappe para may iniinom kami habang bumabyahe.

"Oo nga pala Ate Nana, Ba't naman naisipan mong mag-roadtrip ngayon?" tanong bigla ni Rui sakin habang sinisipsip yung Frap nya.

"Wala. Gusto ko lang sigurong gumala?" sagot ko naman na parang hindi sigurado.

White InkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon