Chapter Three : Remember
"Actually, I've had an Amnesia."
It's not just a Statement, It is a fact. Yes. Nagka-Amnesia talaga ako. How Cliche right?
"Whaa-t?" gulat na bulalas agad niya.
I sighed and bit my lips.
"They say that it was an accident. Kasama ko raw yung boyfriend ko sa kotse ng bigla na lang kaming nabunggo at boom! Nag-crash. Luckily, nabuhay ako. Pero unfortunately, Bukod na sa nawalan ako ng ala-ala eh namatay naman si Dean. And that was it. Yun lang yung alam ko sa nangyari. Kasi somehow, may pakiramdam ako na ayaw ng ipaalam ng mga kaibigan o pamilya namin yung buong kwento para di na ko masaktan." and then I smiled weakly at him.
"Pero.. hindi ka pa rin okay right?" gulat na tanong pa ni Rui sakin.
At bigla na naman akong natawa. Wow. Ang Ironic talaga ng mga tinatanong nilang lahat sakin. Nakakasira ng bait.
"At first, Medyo confused lang ako but not hurt. Kasi nga wala akong matandaan kahit isa. Alam mo yun, biglang nag-reverse lahat. And then.. it's like Dean was haunting me in every way. There's a reason I don't like rain. There's also a reason why I drink at night at lahat yun dahil sakanya." Napayuko lang ako't napahawak ng mahigpit sa unan na hawak ko.
"Actually. Hindi ko nga alam kung pinaparusahan nya ba ako or something. Basta ganun na lang.." dugtong ko pa.
"Sorry. It's must have been hard for you to talk about this." sabi lang ni Rui na mukhang concerned sya sakin.
"Silly Boy." sabay ginulo ko yung buhok nya. "Ikwento ko man sayo o hindi.. matagal nang naging mahirap 'to para sakin."
Umiling na lang ako't ibinalik ang normal composure ko. Inilapag ko ang unan at tumayo na.
"I need to do my lesson plan. Tawagin mo ko pag tapos ka nang magluto okay?" ani ko.
"Okay Ate Nana.."
Hay nako. I really don't like the idea of telling others my story but then..I ended up telling Rui everything. Ang sakit sa ulo talaga.
Everyone's saying that it's better not to remember Dean and every moment that I spent with him kasi masasaktan lang ako ng sobra ngayong wala na sya. But I think, Mali sila. Kasi kahit masaktan ako ng paulit ulit.. gugustuhin ko pa rin na maalala at makilala sya kahit alam kong imposible. Nararamdaman ko kasi na, Minahal ko talaga sya ng sobra. Kaya para sakanya lang, gusto ko talagang makaalala.
****
"Rui, luto na ba yung–"
"I already told you mom, I'm not going home!" rinig kong sagot nya sa phone kaya medyo napaatras ako't nagtago ng walang dahilan.
"I just can't. Just give me some time okay? Mahirap din sakin lahat ng 'to." then I heard him sigh. "I know mom. I know I shouldn't leave you alone right now. But I just can't. Sorry. Uuwi rin ako pag kaya ko na."
"Huh? Nandito ako sa kaibigan ko nakatira. Don't worry i'll be fine. Let's meet next time na lang. Okay. Bye." at mukhang ini-end nya na yung call.
Seems like hindi lang ako yung may malaking problema dito. I wonder kung ano kayang nangyari sa buhay ng batang ito at nagawa pa nyang umalis ng bahay nila. Must be something serious. Ayoko namang matulad sya sakin at ma-deppress habang buhay. So as long na nakatira sya sa bahay ko, I think I need to help him too.
"Rui? Luto na ba yung hapunan? Kanina pa ko naghihintay eh." sabi ko na kunwari kababa lang galing sa taas.
"Sorry. Tumawag kasi yung mommy ko sakin. Let's eat? " tapos pumunta na syang dining hall para maghanda.
BINABASA MO ANG
White Ink
ChickLit[Mild R-18] One rainy afternoon of the summer month of April, I met a guy who looks like a stray dog and a lost child. He was there, sitting outside my house like a homeless. He's pretty hopeless so I helped him out. But i never thought that, meet...