Chapter Five : Lost
"Uwaa!" napaunat ako't napakamot ng leeg ko. Halos mapapikit rin ako sa tindi ng sikat ng araw na tumatama mula sa bintana ko. Agad na nadali ng pandinig ko ang ingay ng mga kutsara na dahilan siguro para kumalam agad ang sikmura ko.
"Rui, anong agahan? " tanong ko agad sakaniya pagkababa ko.
"Gumawa ako ng favorite mong waffles with strawberry toppings." mabilis na sagot naman nya sabay ngiti sakin.
"Ba't naman? Anong nakain mo't hinanda mo pa yung Favorite ko?" nagtataka pero natutuwang tanong ko naman sabay kagat sa waffles ko.
"Uhm. Kasi part 'to ng panliligaw ko?" he answered bluntly.
"Ano?!" Halos mabiluokan ako sa narinig ko. "Anong panliligaw yung pinagsasabi mo?!" bulalas ko.
"Diba sinabi ko sayo na wala akong balak na gumive up?" mapaglarong tugon niya.
"Pfft.." bigla lang akong natawa. "Baliw na batang 'to. Gutom lang yan. Kumain ka na nga lang at may pasok ka pa." wika ko naman na parang di ko sineseryoso yung sinabi nya.
"Seryoso ako dun ha!" pagtatanggol pa nya.
"Oo na. Alam ko alam ko." ani ko habang tumatango tango na lang sakaniya.
"Oo nga pala Ate Nana, Baka late na nga pala ako makauwi mamaya. May pupuntahan pa kasi ako eh." sabi nya bigla.
"Oh? Pero Half-day naman ang klase ngayon ah? Anyway okay lang." walang pakialam na sagot ko naman.
"Baka lang naman. Pano una na ko, Teacher." sabi nya sabay nakaw ng halik sa pisngi ko.
"Bye bye." pahabol pa niya sabay ngisi.
"Ikaw na bata ka-!" napahawak lang ako sa pisngi ko habang pinipilit na pakalmahin ang nagwawalang puso ko.
Nang medyo kumalma na ako eh napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Hay nako. Ano ba kasing pumasok sa isip ng batang 'to at bigla na lang nagkagusto sakin eh! Hays naman! Hindi ko na lang siguro seseryosohin. Tama tama.
***
"Ah. Maaga kang maga-out, Ma'am Almirah?" tanong ko bigla sa co-teacher ko nung uwian na namin.
"Ah Oo. Death Anniversary kasi ng papa ko ngayon kaya kailangan kong umuwi ng maaga." sagot naman nya sabay kuha ng bag nya.
"Eh ikaw Ma'am Catalina? Di ka pa ba uuwi?" tanong naman niya sakin.
Umiling lang ako't ngumiti sakaniya sabay balik ulit ng tingin sa lesson plan ko. "Tatapusin ko lang siguro muna 'to."
"Ah Sige. Una na ko. Bye " paalam niya.
"Bye din."
Wait. Death Anniversary? Oo nga pala, Never ko pang nadadalaw yung puntod ni Dean ever since nung nilibing sya. Puntahan ko kaya? Tutal naman maaga pa para umuwi sa bahay. Pero kailangan ko munang bumili ng bulaklak.
Dumaan muna ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak nang bigla ko na lang mapansin yung dalawang estudyante nakasuot ng uniform kung san ako nagtuturo. Aw. Mukha silang couple kasi ang cute ng aura nila eh. Nakakatuwa.
Medyo nagulat lang ako nang mapansin kong si Rui pala yung lalake at kasama naman nya yung classmate nyang si Tessa na sa pagkakaalam ko eh matagal ng may gusto sakanya.
Nice. I knew it. That kid is really just playing with me. Buti na lang at di ko sineryoso yung confession nya. What a Child's play. At least, mas bagay naman sila nitong si Tessa kesa sakin na Teacher nya. Wala kaming pag-asa kahit kelan.
BINABASA MO ANG
White Ink
ChickLit[Mild R-18] One rainy afternoon of the summer month of April, I met a guy who looks like a stray dog and a lost child. He was there, sitting outside my house like a homeless. He's pretty hopeless so I helped him out. But i never thought that, meet...