Chapter Two :

228 10 3
                                    

Chapter Two: Forgotten

Binilhan ko si Rui ng mga gamit na kakailangan nya sa pang araw araw. (Ah. Natandaan ko yung name nya. Nice.) Pasalamat din sya’t may tatlong kwarto ang bahay ko kaya pwede syang tumira dun. Tsaka buti na lang din’t marunong talagang siyang magluto. Medyo palpak kasi ako sa kusina eh. Pagbi-bake lang ang kaya kong gawin ng maayos.

And good thing din na marunong ng gumalang ‘to sa mas nakatatanda sakanya. Hula ko may ate o di kaya kuya ‘to sa bahay nila. Ang pinagtataka ko lang talaga eh ba’t kailangan nyang mag-layas? Gustuhin ko mang tanungin sya eh baka natatakot ako na baka magalit lang sya. Tsaka feeling ko nasa rebellion stage lang sya. Normal lang naman siguro yun sa mga kabataan yun ngayon diba? For sure darating din ang araw na magbabago sya. Siguro?

“What? Nakakuha ka agad ng trabaho sa isang Café? Tinanggap ka nila? Underage ka pa ah!” bulalas ko agad sakanya habang nagluluto sya ng hapunan.

“Yep. Kailangan siguro nila ng gwapo para lumakas yung kita ng Café nila. Ayos diba? Kumikitang kabuhayan na ko.” masayang sagot naman niya sakin.

“Kahit na. Underage ka pa nga. Tsaka disidido ka talagang maging independent ha?”

“Okay lang yun. Sabi naman ni Manager, Part time lang naman 'to kaya okay lang. Tsaka Oo. Sure na ko kasi kung di ako magtatrabaho, wala akong ipangbabayad sayo.” sabay smirk niya sakin.

“Baliw! Hindi naman mahalaga yung bayad no. Pero tutal mukhang ginusto mo na yan sige. Push.” bumalik na ko sa pag susuklay ng balahibo ni Petunia.

“Bakit ka nga pala nag-apply sa school namin?” natanong nya bigla.

“Paki mo. Eh dun malapit eh.” sagot ko naman.

“Tsk. Ayokong makita ka dun. ” naiiritang sagot naman nya.

“Ha. Tigilan mo ko sa pag-iinarte mo bata ha. Baka gusto mo unang araw palang sa school eh ibagsak na agad kita.” pagbabanta ko naman sakaniya.

“Tss. As if namang magiging adviser kita.” he rolled his eyes at me.

“Ah ganun? Tignan lang natin.” paghahamon ko naman. Akala niya papatalo ako ha!

***

Makalipas ng ilang buwan. June na. Fast Forward para isang pasada na lang. Hehehe

“WHAT THE FUCK!?” rinig kong napasigaw agad ni Rui ng makita nya kong nakatayo sa harapan sa loob ng classroom nya.

“Uulitin ko mga 4th years, Ako nga pala si Catalina Natividad. Bago lang ako dito at ako ang magiging adviser nyo sa buong taon. And ako din nga pala ang magiging Physics teacher nyo kaya ako ang teacher nyo sa unang period. Nice to meet you all. May mga tanong ba pa kayo? ” sabi ko lang sa buong klase sabay ngiti ng sarcastic kay Rui na ang sama pa rin ng tingin sakin.

“Ma’am! Ba’t po ang ganda nyo?” tanong naman bigla nung isang lalakeng estudyante ko sabay naghiwayan silang lahat.

“Well. Hindi ko rin alam pero salamat.” nahihiyang sagot ko naman sabay ngiti sakanya.

“Ma’am! May boyfriend ka na po ba? Pag wala, Ako na lang.” sigaw naman nung isa at naghiyawan na naman sila.

Natigilan ako bigla nung narinig ko yung word na 'Boyfriend'. Oh no, heto na naman sya. Umaatake na naman yung depression ko na hindi ko naman alam kung san nagmula.

“No. Wala pa kong boyfriend and I’m pretty sure na bawal ang Student-Teacher relationship. So sorry.” kampanteng sagot ko naman sabay ngiti sakaniya.

“Aww sayang naman~” tapos nagtawanan lang sila.

“Okay. Masyado nyo na kong dini-distract. Let’s start our first lesson shall we? ” tapos nagturo na ko.

White InkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon