TROW 08| House of Geisha

4.2K 338 117
                                        

Xiomara

Napahinga ako nang malalim bago lumabas ng karuwahe na naghatid sa akin patungo sa Ashfell. Here I am in front of the Flamma Archon's eastern manor. It's not his main residence as well. As far as I can remember, this place was given by his late grandfather. This is where he spent his childhood memories and it was his favorite place. 

Pagbaba ko ay kaagad akong sinalubong ng mga kawal sa bukana ng tarangkahan. As soon as they opened and we entered the gates, I heard a loud explosion. Napaatras ako nang makita ang makapal na usok sa bandang likuran ng bahay. 

Napakamot naman sa batok ang isang kawal, ang kasama naman nito'y napailing na lang na para bang alam na kung ano ang nangyari. 

"Ilang taon na ba ang nakakalipas simula nang subukan niyang magluto?" Aniya ng kawal at umaktong parang may inaalala ito.

"Huling alala ko'y dalawang taon na ang nakakalipas." Tumango-tango naman ito sa naging sagot ng kasama.

"Bakit kaya naisipang magluto?" 

"Malamang may bisita siya gusto niya ipagluto." Tahimik akong sumunod habang nakikinig sa pinaguusapan nilang dalawa.

"Kung ako sa bisita niya hindi ako kakain baka mapaaga pagpunta niya sa langit." Mabilis naman siyang binatukan ng kasama nito.

"Manahimik ka nga. Kapag ikaw marinig ng kamahalan, paniguradong buong linggo ka na naman magbabantay at wala kang pahinga." Ngumiwi naman ito. 

"Huwag niyo na lang pansinin ang sinabi ng kasama ko, mahal na Arkon." Alanganin nitong wika bago kurutin sa tagiliran ang kasama nito. 

Hearing them talk, it appears that they are close with the Flamma Archon. If I'm not mistaken, the man who sounds gullible was Haran and the other one who reminded me na huwag pansinin ang sinabi ni Haran ay si Leo. That explains why they had the guts to talk behind the Flamma Archon.

The two of them are his childhood friends and his personal guards. They do errands for him most of the time. You could say they are his most trusted and loyal friends who assisted him until he ascended as an Archon.

"Hoy Kane-" Tumikhim naman si Haran bago ayusin ang tono ng pananalita niya. 

"Kamahalan! Narito na ang inyong panauhin!" I saw Leo face palmed. Lihim akong natawa. 

Matapos iyong sabihin ni Haran ay nakarinig kami ng mga bagay na nagsihulugan. Sa tingin ko'y mga gamit pangluto ang mga 'yon. After a few seconds the door of his house opened. 

A chestnut browned hair man appeared in between the doors. Medyo magulo ang buhok nito't may nakita pa akong bahid ng uling sa bandang pisngi niya. Lihim akong natawa sa isipan ko. I remembered making him bad at cooking. Lahat ng niluluto niya ay palaging sunog. I feel bad for him somehow. 

"The two of you may leave." Aniya sa dalawa niyang kababata. 

Umalis na si Leo pero nanatili roon si Haran habang kamot-kamot ang batok nito. "Kan-" He bit his lower lip and awkwardly smile. 

"Kamahalan ang pisngi mo may-" Bago niya pa matapos ang sasabihin niya'y binalikan na siya ni Leo upang kaladkarin palayo. 

Pagbalik ko ng tingin kay Kane ay wala na ito sa pinto. Mukhang pumasok na ito sa loob ng bahay niya nang hindi man lang ako binabati o pinapapapasok. How unwelcoming of him, but then, who am I to complain when I'm the one who wrote him that way?

Napahinga ako nang malalim. Kane Amadeo is known for being arrogant and proud bastard. He hates dense and ignorant people, and those were exactly the personalities I'm trying to play for him today para mawalan siya ng interes sa akin. 

The Ruler of WesteriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon