"I WILL buy this bangus fish, Miss," wikang sabi ng lalaki. Matalim ko siyang tinignan nang lumingon siya sa akin ay bakas sa kanya ang pagtataka. Tinignan ko ang hawak niyang isda. Hindi naman kasi bangus 'yon. Mayaman nga naman, pati uri ng isda ay hindi pa alam.
Muli kong ibinalik ang paningin sa lalaki na ngayon ay seryosong nakatingin na rin sa 'kin. Hindi ko masyado makita ang buong mukha niya at tanging mga mata lang dahil nakasuot siya ng itim na facemask. Mahahalataan na mayaman ito dahil sa suotan niya at ang mga balat niyang mapuputi na halos kuminang na sa kakinisan. Napako ang tingin ko sa gitna niya kaya naman madiing kong ipinikit ang mga mata bago mag-iwas ng tingin.
Bwisit, baket ang lake niya do'n?
Kinagat ko ang ibabang labi at lumapit sa isdang sinasabi niya. Inalis ko sa isipan ang parte niyang 'yon. Pakiramdam ko ay nagiging manyakis na ang mga mata ko nang hindi ko namamalayan.
"Hinde 'yan bangus, Mister," pagpuna ko. Pinalandas ko ang hintuturo kung nasaan ang isdang nais niyang bilhin. Tinabingi ko ang ulo ko at lumingon sa kanya na hanggang ngayon ay nakatingin sa akin ng mariin. Tinapik ko ang isdang gusto niyang bilhin.
"Heto ang bangus, at 'yang hawak mo naman ay tilapia," mababakasan ang pagkasuplada kong sabi. Kunot noo naman niyang inalis ang facemask na siyang ikinabigla ko. Napaawang ang labing pinagkatitigan ang buong mukha niya.
Mula sa mga seryoso at mamumungay niyang mga mata papunta sa matangos niyang ilong na kapag nakipag halikan ito ay siguradong tatama sa pisngi ng sino mang babae at sa maninipis naman niyang mga labi na may pagkakulay pula at natural dahil mapaghahalataan itong walang kolorete at dahil laway niya lamang ang nagsisilbing lip gloss niya. Ang gwapo niyang tignan.
Napa-iling ako sa iniisip. Hindi—hindi siya gwapo. Eww!
Binalik ko ang mataray kong tingin sa kanya. Mariin din siyang nakikipag patagalan ng titigan sa'kin. Kapansin-pansin ang pagkagat niya sa sariling labi. Parang ang sarap kagatin—hinde!
"Bibile ka o makikipag titigan ka lang sa 'kin?" maangas kong tanong. Tinaasan niya ako ng kilay bago magsalita. Nakapamulsa siyang humarap ng ayos. Hindi rin ako nagpatalo.
"Itong bangus ang bibilhin ko." malalim ang boses na sambit niya. Napalunok ako dahil parang bago sa pandinig ko ang gano'ng kalalim na tono ng pananalita na mula pa rito sa lalaking mukhang dayo lamang sa palengke.
"Hindi nga sabe bangus 'yan," giit ko.
"I know this is the bangus, Miss." pakikipaglaban niya. Nangitngit ang ngipin ko siyang hinarap ng ayos. Ngayon ay medyo magkalapit ang mga mukha namin bagaman masyado siyang mataas para sa tangkad ko. Itinukod ko ang mga kamay sa kahoy na pinaglalagyan ng mga paninda kong isda. Bahagyang niyuko ng lakaki ang tingin niya sa 'kin. Naglaban kami ng titigan sa isa't isa.
"Hindi nga bangus 'yan."
"Yes it is," Pagpupumilit pa nito lalo. Nakapikit akong bumutong hininga dahil sa namumuong inis sa lalaki.
"Hinde sabe!" Tuluyan na akong napatampal sa noo. Bakit ba ang kukulit ng mga lalake?
"I know what's bangus is, Miss I don't know who you are."
" H'wag mo 'kong maingles-ingles. Bakit nagmamagaling ka, ako ang tindera kaya alam ko kung ano ang bangus sa hinde!" gigil kong saad. Tumaas ang gilid ng kanyang labi na para bang nasisiyahan siya sa nakikita. Sa inis ay winisikan ko siya ng tubig na galing sa mga isda. Malansa ang tubig na 'yon dahil pinagbabaran.
Bahagya siyang napaatras at gulat akong tinignan. Nandidiri ang mga matang pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan niya. Bagaman hindi naman gaanong karami ang tubig na winisik ko sa kanya ay sakto na 'yon para mairita siya.

BINABASA MO ANG
Until it's Over (On-going)
Romance' He knew the joy of love's sweet pain, While she watched, from a distance, in vain. He felt the rush of emotions so true, While she wondered what she could do. Now he's moved on, with a heart that's whole, While she's left to lament, with a broken...