06

22 5 0
                                    

MOY'S POV


    " WALA ka ba talagang balak na tulungan ako rito?" Inis kong tanong sa lalaki. Papasok kami ngayon sa sinasabi niyang orpanage at masasabi kong ang lawak at ang ganda ng lugar.


"Of course yes, that's your job, I payed you so do what I commanded." Kibit balikat na aniya nito sabay suot ng shades niya na halata namang mamahalin. Ngiwing pasiring ko siyang inirapan at sumunod na lang sa kaniya. Baka mabalian ko siya ng buto 'pag nagkataon sa sobrang inis.




Nag-iinit na rin ang mga palad ko dahil sa gumagasgas ang mga plastic na dala-dala ko na laman ay isdang tilapia. Kapal-kapal talaga ng mukha netong mokong na to. Habang nasa likod ako nito na nakasunod lang sa paglalakad niya ay nagmemake face ako.




"Dalian mong maglakad." Identa nito.


"Heto na nga dadalian na."

"Anzo, Hijo! Aba'y akala ko hindi ka na babalik pa rito," salubong ng isang manong sa lalaking napatigil sa paglalakad at gano'n na rin ako.


"Busy po sa kolehiyo kaya hindi ho ako nakakabisita rito, ngayon na lang ulit." sagot niya.



"Gano'n ba? O' siya pumasok ka at, sino ang magandang babaeng kasama mo?" Tanong ni manong. Nagpalingon-lingon naman ako kung sinong babaeng maganda ang tinutukoy nito, wala naman akong makitang babae kundi ay ako lang ang babaeng nandito sa likuran ni Anzo.




Uyyy si manong, napansin niya yatang nandito ako. Shrrkkk.



" Well, she's Monica, my maid." Halos nakapa yata ng lupa ang panga kong nahulog dahil sa narinig ko.



Putcha, mukha ba akong katulong niya? Sa ganda kong to? Totoo ba?!



" Anong—"




"Kay gandang bata, akala ko pa naman ay nobya mo na," hagikgik ng matanda. Pinanlisikan ko nang tingin ang nakakainis na lalaki na ngayon ay nakangisi na parang adik lang sa kanto. Iniinis talaga ako nang sobra e, konti na lang talaga makikita niya na sarili niya sa hospital nakaratay habang nakataas mga paa.


"Kapal nito, mukha namang scrotum." angil na bulong ko.



"What the fuck did you just say?" Bineletan ko na lang ang mokong.



Kung ano-ano pa ang pinagkuwentuhan ng dalawa kaya ang ending ay inip na inip at pulang-pula ang mga kamay ko dahil hindi ko naman pwedeng ilapag lang sa lupa basta-basta ang mga isda, baka mapagalitan pa ako nitong asungot na to. Mahirap na, baka bawiin yung binayad, sayang.



"Ah kailan niyo ho balak pumasok sa loob? Nangangalay na ko rito oh," singit ko sa dalawang nagtatawanan. Nginitian ako ni manong at tinanguhan.



"S'ya pumasok na kayo, mainit na rin dito."


Ay sa wakasssssssss naman, akala ko maghihintay pa ako ng ilang taon bago makapasok. Psh.


"Tabe." Nauna akong sumunod sa matanda. " Sa'n ho ba banda ang kusina para malagay ko na 'tong mga isda?"


"Ah gano'n ba? Sa may pinakaloob, akin na ang ibang plastic mukhang pagod ka na kakabuhat niyang mga 'yan." Inabot ko naman, papabebe pa ba ako kung pagod na talaga ako sa mga bitbit ko.



"Bakit nga pala hindi mo manlang tinulungan si Monica sa pagbubuhat, Anzo?"




"She can handle that naman Mang Agustin—"




Until it's Over (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon