"ANONG oras daw ba ang simula?" Tanong ko kay lenser pagkatapos naming magpasa ng mga outputs sa mga professors. Ngayon ay papunta kami sa pavilion ng university namin para manood ng basketball. May dala kaming mga pagkain para habang nanonood ay kumakain kami.
Ngayon lang ako makakapanood ng mga labang pang sports dahil dati naman ay hindi ako interesado sa mga gan'to. Inaya rin kasi ako ni Lenser, hindi ko naman mahindian dahil baka maiyak pa kapag hindi ko sinamahan.
Bitbit niya ang bag ko sa kanang bahagi ng balikat niya at ang kanya naman ay nasa kaliwa. At'saka pumayag din pala akong sumama dahil sa libre niya. Sinuhulan ako, e. Kahinaan ko ang pagkain.
"Second game na 'to ng basketball, ilang minuto na rin yata at magsisimula na," turan naman niya. Pagpasok pa lamang namin sa entrance ay ang dami na ng mga estudyante na naka upo sa sariling mga upuan. Malawak ang pavilion rito, marami pang okupadong mga upuan at halos ay puro sa harapan.
"Tara do'n tayo," aniya, sabay agarang paghila sa kamay ko at tinungo ang panglimang hanay ng mga chairs cad blocks. Ibig sabihin ay nasa harapan kami, kaya paniguradong kitang-kita namin ang laro mamaya. May iba ring mga estudyanteng taga ibang private school. Halatang mga mayayaman pa dahil sa mga naglalakasang datingan.
"Malakas ba makakalaban ng university na'tin?" kuryus kong tanong. Agaran naman siyang tumango at inginuso ang mga nasa kabilang bahagi ng bleachers na kaharap namin. Nando'n ang mga estudyanteng mga nakakulay Green ang mga T-shirt na suot. Iyon yata ang kulay ng basketball team ng university nila.
Samantalang ang kulay naman ng amin ay pula. Nagsisimula na ring mag-ingayan ang mga tao nang dumating ang mga Iba't ibang cheering squad.
Nagpakitang gilas ang mga 'yon na nagpapakita ng pagsuporta sa mga manlalaro. Nakisabay din kami ni Lenser sa hiyawan ng iba.
"Gago pare, akala ko hindi masasalo!" Hiyaw ko nang mapanood ang baghagis ng mga babae sa ere at ikinahiyaw ng lahat. Abot langit ang kaba ko dahil kung ano-anong circus ang ginagawa nila na para bang hindi sila mababalian.
Rinig ko naman ang pagtawa ng katabi ko na mukhang nasisiyahan naman sa panonood. Ako yata ang nininerbyos sa pinaggagawa ng mga 'to.
"Hanep 'no? Try kaya na'tin 'yon?" parang timang na aya ni Lenser. Nalalaking mga mata kong kinurot ang braso niya.
"Ugok!Kung gusto mong mamatay, 'wag mo 'kong idamay, ha? Mahirap na kapag nabalian ng buto!" iling-iling kong binuksan ang pagkain nahawak dahil tila bigla akong nagutom habang nanonood.
"Mahina kamo ang sikmura mo, masaya kaya 'yon! Ang kill joy mo masyado, Moy!" Nagsisimulang magtunog pagtatampo ang tono ng pananalita nito. Nangiwi naman ako sa biglaang pagkabeast mode neto, kala mo'y may dalaw kung makaarte.
"Mahal ko lang ang buhay ko, tuleg! Pwede namang ibang bagay ang subukan mo, punta ka lang sa mataas na building at do'n ka tumalon, 'di ba mas exciting 'yon?" Sininghalan niya ako nang tingin at kalaunan ay dumako ang tingin niya sa kinakain ko. Malisyoso kong sinusundan ang bawat tingin niya at nang aakmang kukunin ang pagkain ay agad ko iyong isinalampak sa bibig ko.
"Joker ka na pala ngayon?" Singhal nito. Halatang naaasar na.
" 'Di mo sure," asar ko at sinundan ng halakhak.
Nagsimula na rin ang laro kaya mas nakafocus ang mga atensyon namin sa maiinit na labanan. Ang mga mata ko ay halos maningkit na dahil mukhang nahuhuli ang university namin. Mabibilis at matatalino ang mga players sa kabila nahalos lamunin na ang buong espasyo ng kanila at ng sa pambato namin.

BINABASA MO ANG
Until it's Over (On-going)
Romansa' He knew the joy of love's sweet pain, While she watched, from a distance, in vain. He felt the rush of emotions so true, While she wondered what she could do. Now he's moved on, with a heart that's whole, While she's left to lament, with a broken...