"SHINAVIE Moy T. Lapia po, Miss, " magiliw kong pagpapakilala sa isang volunteer professor na galing sa ibang university. Kanina kasi ay tinulungan ko siyang buhatid ang mga dala niyang gamit dahil mukhang mabibigat ang mga 'yon. Hindi naman siya katandaan pero sigurado akong may anak na siya. O, 'di ba? Sipsip lang, Moy?
At dahil raw sa taglay kong ganda-este kabaitan ay e-lilibre niya raw ako ng pananghalian ngayon. Naks, Nakatipid din.
"You have a unique name, Hija," papuri niya. Pabebe naman akong kunwaring yumuko pero ang totoo ay para bang lumaki tainga ko sa narinig. Sino ba'ng hindi kikiligin?
Pati professor ng ibang university ay napapansin kung gaano kaganda ang pangalan ko. Gano'n din kasi ang may-ari. Angal ka?
"Nako, salamat po, alam ko naman po 'yon." Tumawa ako na ikinatawa niya rin.
"Buy all you want to eat, its on me." Iminuwestra niya ang line kung saan bibili ng mga pagkain. Naalala ko ang sarili ko tuwing break time namin, hindi ako bumibili sa cafeteria dahil mahal ang mga pagkain at ang tanging perang dala ko lang ay minsan singkwenta o hindi kaya ay isang daan. May baon naman akong kanin kaya hindi rin ako gugutumin.
Sinunod ko ang sinabi niya, iniabot niya sa akin ang dalawang libo kaya laking gulat kong ibinalik ang isang libo sa kanya at ang isa naman ay akin. Oo, buraot ako.
"Ayos na ho ako sa perang 'to, Miss, " sinseryong turan ko. Pinagkatitigan niya pa ako bago ngimiting tinanguhan.
"I owe you, Shienavi..." mahinhin ang pagkakasabi niya. Napanguso naman ako na ikinataka niya.
"Bakit po hindi 'I love you'?" tanong ko habang in-emphasize ko ang salitang mahal kita sa ingles. She laughed. English yan oh.
"Who funny?" parang tanga kong anas. Inilingan niya ang kashungahan ko.
"Ang batang 'to, sige na bumili ka na." mahina niya akong tinulak.
"Hindi ho ba kayo magpapabili ng kakainin niyo ngayon?"
"Hindi na. Aalis na rin ako ngayon, hija," aniya.
"Sigurado ho kayo? Baka gutumin kayo mamaya?" pangunulit kong muli. E, sa gusto ko lang magmalasakit at mamburaot. Psh. Char.
"Nako, 'wag nang makulit katatanong Ms. Lapia. Ikaw ang mag lunch na bata ka. Malapit-lapit na ang major subject mo hindi ba?" nakangiting litanya niya. Pansin ko lang na maganda pala siya kapag tititigan. Kung ako ang naging anak niya ay sigurado akong mala dyosa na ang kagandahan ko, pero okay na rin dahil maganda na ako simula sanggol pa lang.
"Pero-"
" 'Wag nang makulit bata." K'onti na lang ay parang maiinis na siya. Umatras na lang ako at ngiting tumango..
"Miss, hindi na ho ako bata, big gurl na ho ako, big gurl!" hirit ko. Tatawa-tawa niya lang tinanguhan. Tinungo ko na ang cashier.
S'ya nga pala nandito kami sa cafeteria ng school. Hanep university namin 'no? Sa katunayan nga niyan ay private ang pinapasukan ko at dahil sa may pagkadukha ako ay isa rin akong skolar kaya nakapag-aral ako rito. Magdadalawang taon na akong tinutustusan ng mga nagbigay sa'kin ng skolar kaya naman nagpapasalamat ako ro'n.
Mahirap lang kami, ang bahay namin ay nakatayo sa baranggay ng mga maiingay, may pagka squater dahil tabi-tabi ang mga nabubulok ng bahay. Ang mga magulang ko ay may tindahan sa palengke, ako ang nakatokang magbantay tuwing pagkatapos ng aking klase.
May kapatid ako, dalawa lang kami pero kahit maliit lang ang pamilya namin ay lubos pa rin kaming nagkukumahog para mabuhay sa pangaraw-araw. Kaya simula nang humantong ako ng first year college ay itinatak at ipinangako ko na sa sarili ko na ang pamilya ko muna ang uunahin ko, wala akong oras para sa kung anong makasasayang na panahon ko.

BINABASA MO ANG
Until it's Over (On-going)
Romansa' He knew the joy of love's sweet pain, While she watched, from a distance, in vain. He felt the rush of emotions so true, While she wondered what she could do. Now he's moved on, with a heart that's whole, While she's left to lament, with a broken...