"Mister Monteverde and Miss Esguerra bakit late kayo?! And to think, magkasabay pa kayong dumating! This will be your final warning, Ma. Anna Krishelle Antoinette kung hindi papatawan na talaga kita ng parusa!" bulaslas ni Maam Rivera sa amin pagkadating namin sa klase.
Panay ang tingin ng mga kaklase namin, para bang nakakita sila ng multo o di kaya yung mga bold stars sa movies, halos malaglag na kasi mga panga nila sa kaka nga-nga sakin... Pakiramdam ko tuloy ay nababastos ako.
Sa palagay ko, dahil to sa damit na suot ko. Napasinghap nalang ako at tinuon ang atensyon ko sa harap.
Nagsalita si Evander at nagsabi, "Maam wag niyo po parusahan si Shell. Ang totoo po niyan, kaya po siya nahuhuli sa klase ay dahil puyat po siya because of her late night shifts. Shell is the perfect example of a hardworking student. She's not like most of us. Scholar siya dito and she puts others first before herself kaya di bale na mapagod siya sa kakatrabaho."
Wow, answeet nman ni Vann! Bwehehehe. Kumapal mukha ko dun ah.
Nanahimik si Maam Rivera at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Aba, at bihis na bihis pa si Miss Esguerra." Dugtong nito.
Putek! Yung suot ko, kabaligtaran sa kung ano man ang pinagsasabi ni Evander kanina.
Hindi ako mukhang kawawa tulad ng parati kong mukha tuwing pumapasok dito sa university. Ngayon, mukha akong mayaman... Oh no.
"You have to thank me for that, Maam Rivera. I gave Shell a makeover." Sabi nito
Huh? Ibig sabihin ba nito, araw-araw magiging ganto ang porma ko?
"Go to your seats. You're both wasting my time." Sagot nalang nito.
Uupo na sana ako sa dati kong upuan sa likod ng bigla akong hinatak ni Evander at itinabi sa upuan niya sa harap.
Heh. Grabe pala ang trip ng damuhong 'to. Akalain niyo ba naman, sa layo ng pagitan ng mga upuan naming ay nagagawa niya pang asarin ako, eh kung madalas nga nakaupo yan sa harapan ko para lang pag-trippan ako.
"Uy, ano 'to? Wala sa usapan na pati sa seats sa klase kailangan magkatabi tayo." Untag ko.
"Stop being so ridiculous. I'm not fighting with you over some stupid seating arrangement. I'm the boss, do as I say. You sit beside me from now on."
Haaaaaaay, kung maka English naman!
Natapos ang first period ko kay Maam Rivera ng matiwasay, maliban nalang sa mga walang tigil na titig ng mga kaklase ko. Mabilis na umalis si Evander at sinabihan nalang ako na magkikita kami mamaya sa canteen at sabay na kakain.
Naglalakad ako sa hallway ng biglang may humagit sa akin, halos matumba ako sa sobrang lakas.
Grrrrrrrr! Bwiset na sapatos ito! Mukhang mapapaaga kamatayan ko sa sobrang taas at talim ng mga 'to. Sino ba naman ang hindi?
"Ano ba!" naiinis kong sigaw. Eh kasi naman, ka muntik ba naman mangudngod ang mukha sa paghagit ng isang to.
Natulala ako, or rather si Iris ng mag-abot ang aming mga tingin.
"Oh.My.God." ang tanging sabi nito.
"No way!" dugtong niya pa, nakangisi.
"It's not what you think." Sabi ko.
"Wow! For the first time in forever, you look amazing! I mean, no... Wrong word. You look so hot!" natutuwang sabi ni Iris halatang aliw na aliw siya sa anyo ko ngayon.
"Ew. 'Wag nga. Napilitan lang naman ako." Pagrarason ko.
"I must say, whoever made you look this beautiful deserves some credit. Look how you turned out to be! Para kang one of those girls from the magazines." Pumapalakpak na siya. Haaay nako, Iris.
BINABASA MO ANG
Where the Road Leads
RomanceKasing haba ng pangalan ni Ma. Anna Krishell Antoinette "Shell" Esguerra ang mga problema niya ; pantubos sa renta ng bahay nila, gamot ng kanyang kapatid na may sakit, pagpapa-aral sa iba pa niyang mga kapatid, pambayad sa kuryente, at marami pang...