CHAPTER ONE
"Ma. Ana Krishell Antoinette Esguerra!" sigaw ni Maam Rivera sa classroom.
Ayy putek, nakatulog ako!
"O-o-opo! Present po, Maam" sagot ko naman.
Nagtinginan ang lahat sa klase. Ano kayang problema ng mga ito? Kung makatingin akala mo naman kung may putik na mukha ko. Excuse me! Ang ganda ko kaya!
"Miss Esguerra! Buti naman at naisip mo pang magising at sabihin na present ka! Alam mo bang ilang beses ko nang inuulit ang pagtawag ko sa pangalan mo?! Hindi ka na nahiya, kay haba haba pa naman at nakakapagod bigkasin!" napipikon na sabi ni Maam.
Naku po! Lagot ako!
"Pasensya na po talaga, Maam! Di na po mauulit. Napuyat po kasi ako sa night shift ko kagabi." pagrarason ko naman.
"Eh di mag quit ka!" pasigaw naman na sagot ni Maam.
Aba! Eto ah! Kung hindi lang siguro ako naghihikahos sa pera eh hindi naman talaga ako magtatrabaho ng ganun. Kailangan na kailangan kasi naman. HUUU! :'(
"Pasalamat ka mataas grado mo sa subject ko na ito, kundi palalayasin na kita. Hmph!" pahabol niya pang sabi.
Ibinaling ko nalang atensyon ko sa librong naka buklat na sa armchair ko. Teka! Wala ito dito kanina ah! At pano naman ako nagkalibro? Eh wala naman akong pambili!
"Kanino?" nagtataka kong sabi. Lumingon ang taong nasa harap ko, sabay tingin at kidhat sa akin.
"Akin." naka ngiti niyang sabi. Ay pakshet! Si Evander na mokong pala!
Sinarado ko ang libro at akmang iuuwi ko na sa kanya nang bigla niyang pigilan at hawakan ang aking mga kamay, tas bigla nalang akong tinitigan ng sobrang malalim. Anong ginagawa ng gagong 'to? Una niya akong tinitigan sa mata, tapos sa ilong hanggang sa umabot na ang tingin niya sa mga labi ko.
Naka ngisi ito sabay sabi, "Just so you know.. Tumulo laway mo. Dito oh!" at tinuro ang ibaba ng mga labi ko tas tumawa ng napakalakas! Aba ang lokong 'to!
*PAAAAAAKKKK*
Hinampas ko ng napakalakas sa kanya ang librong inilatag niya sa upuan ko kanina. Napatayo si Maam Rivera sa desk niya at nagsimulang naglakad patungo sa amin. Dali dali ko namang binuksan ang bag ko, kumuha ng tissue at saka binuhusan ng kaunting tubig mula sa maliit na botelya ng tubig na lalagyan ko. Ipinahid ko ito sa bandang baba ng mukha ko. Kaya pala kung makatingin ang mga blockmates ko ay parang ang panget ko! Ano ba naman kasi yan!
Kakahiya!!!!
Kakatapos ko lang ng marating kami ni Maam Rivera.
"Ano na namang kalokohan 'to Miss Esguerra at Mr. Monteverde?" seryoso niyang sabi.
"Si Shell po kasi.. Ewan ko po ba dito, pinahiram ko pa ng libro pero hahampasin lang pala ako." pagpapaliwanag nito. Duh! Napaka plastik pakinggan! Ang drama, akala mo kung sinong mabait, yun pala pinagtitripan lang pala ako! Ulol!
"Hindi po yan totoo, Maam! Pinipikon niya po ako!" giit ko naman.
Kumunot ang noo ni Maam Rivera at halos nandidiri ang mukha. Shet, baka meron pang bakas ng tulo laway sa mukha ko! Agad ko namang idinampi ang basang tissue.
"Kayo talaga mga kabataan ngayon! Ang lalandi niyo talaga kahit kelan!" Sandali! Landi?! Seryoso siya?! Kahit kailan hinding-hindi ako makikipaglandian sa panget na ito! Ano siya? High?! Ewwww!

BINABASA MO ANG
Where the Road Leads
RomanceKasing haba ng pangalan ni Ma. Anna Krishell Antoinette "Shell" Esguerra ang mga problema niya ; pantubos sa renta ng bahay nila, gamot ng kanyang kapatid na may sakit, pagpapa-aral sa iba pa niyang mga kapatid, pambayad sa kuryente, at marami pang...