CHAPTER THREE
Nag-aabang na ako ng sasakyan sa labas ng bar ng biglang may umakbay na naman sakin.
Naku naman! Itong si Evander talaga, oo.. Hindi marunong tumupad sa usapan! Akala ko ba bukas pa magsisimula ang pagpapanggap namin?!
Siniko ko siya sa gilid sabay saway, "Hoi Evand-!" hindi ko na natapos ang sinabi ko ng biglang nagsalita ang umakbay sakin.
"Pare, looks like ikaw ang gusto ng chick na 'to!" tumawa ang kung sino man na kabarkada ni Evander habang naka mosyon ito sa kanya na lapitan kami.
"Hayaan mo nalang siya." mahinang sabi ni Evander. Patuloy pa rin ang pagtawa at pangangatyaw nila.
"Pare, di ba siya yung babae sa building niyo kanina?" tanong ng isa.
"Oo nga! Sa Archi building right? Yung bumangga sayo kanina?" sabi naman ng naka-akbay sa akin. Ang gulo naman ng lalakeng to! Batukan ko na kaya? Deh joke, tinanggal ko lang yung mabigat niyang braso :P
"Yeah! But, hey, I didn't know she is a singer and that she looks damn hot!" nanunukso na yung isa pang kabarkada niya.
Okay, Evander! Baka gusto mo ako ipalapa sa mga kabarkada mo ha! Gago talaga! -_-
"Stop it, Ice." malamig ang tono ng boses ni Evander at seryusong naglakad at hinagit ako.
"Defensive, Pare?" sagot nung Ice. Teka, baka lasing na to!
"As a matter of fact, yes. She's off limits because she's my girlfriend" Anak ng tokwa! Anu raw?! Bakit starting ngayon na?! Akala ko pa bukas pa! Hindi pa nga handa ang mga pagpapanggap skills ko eh. TCH.
Napakamot at ginulo ko ang buhok ko. Heeeee!
"What?" nagtatakang tanong ng lahat. Aba, sabay! Nice.
"You heard it right."
"Since when pare? Akala ko you're still on the brink of moving on from your breakup with Chesca three weeks ago?" tanong ni Ice.
"I fell inlove." yun lang sagot niya. Napalunok tuloy ako
Yuuucks ang corny niya pakinggan dun ah!
"Seryoso?" tanong naman nung isang kabarkada niya na sumabat rin kanina. Hindi na ako nagsalita, I made him do the talking, este, lying pala.
"Look, guys. I don't owe you an explanation. I told you, I fell inlove with Shell, bahala na kayo kung maniniwala kayo o hindi.. Doesn't matter anyway." nagkibit-balikat ito.
Wow. He's one good liar.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ginabayan niya ako patungo sa parking lot ng bar.
Hindi siya umimik habang binubuksan niya ang pinto ng sasakyan.
Taray, ang ganda! Sosyal na sosyal ang kotse niya! Naka tunganga lang tuloy ako.
"Get in." he said through gritted teeth. Dali dali naman akong sumunod at pumasok na rin sa front seat ng kotse.
Hmmm, ang bango! Amoy mayaman tulad niya!
Pinaandar na niya ang sasakyan, umatras at humarurot na paalis ng bar.
"Bakit-?!" magtatanong na sana ako nang ilagay niya sa mga labi ko ang kanyang daliri upang pigilan ako sa pagsasalita.
"Save it, Shell."
"Pa save it save it ka pa dyan eh! Ano yun ha? Akala ko ba bukas pa magsisimula ang pagpapanggap na ito?" sabi ko.
Wala namang problema sa pagpapanggap eh. Hindi ko lang talaga matanggap na napaaga ang pagkatali ng pangalan ko sa pangalan ng loko na 'to! Binigyan niya man lang sana ako nang kahit ilang oras man lang para ma feel na wala akong fake dyowa!
"Mabuti na at alam na ng mga kabarkada ko."
"Ano nalang iisipin ng mga tao sa akin? Napaka marangal ko pa namang tao! Baka anong isipin nila" Huhuhuhu nai-imagine ko na ngayon ang mga mukha ng mga kaibigan ko, schoolmates at pati na rin ng mga professors, lalong lalo na si Maam Rivera na kanina lang sinaway kami dahil akala niya ay nakikipaglandian ako sa lalakeng 'to :(
"Ang OA mo. You call yourself marangal?" nagbibiro ito habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nice ka talaga! He's giving me the onceover! -_-
"Oo, marangal ako." giit ko sa kanya.
"Hindi ganyan ang damit ng mga taong marangal." komento nito habang patuloy sa pagmamaneho.
Aba! Sinasaway pa ako Kapal rin ng mukha eh! Ngudngurin ko kaya sa putik, tingnan ko kung maka imik. *evil laugh
"Okay. Go find yourself a decent girl who can pretend to be your girlfriend."
"Hey, I was just kidding." tumatawa na ito. You better be! Sayang rin yung 50K a month eh
"Subukan mo pang awayin ako at aayaw na talaga ako."
"Is that a threat? Pwes, hindi ako natatakot. I know how much you need money." Lord, nagmamakaawa po ako.. Sana ay mahulugan siya ng isang malaking meteor ngayon agad-agad.. Akala mo po kasi kung sino. Porke't mayaman iba na kung umasta.
"Alam ko na mayaman ka. Pero pwede ba? Wag mong ipamukha sa akin kung gaano ako kababa. Ang tanging rason lang naman kung bakit ako napapayag sa kasunduan na ito ay dahil kailangan namin ng pamilya ko ang pera. Pero kung ganito ka rin pala umasta, ay wag nalang. Mas gugustuhin ko pang patayin ang katawan ko sa kakabalanse ng pagtatatrabaho at pag-aaral kaysa naman tiisin yang ugali mong mata-pobre."
Natameme siya sa sinabi ko. Buti nga sayo!
Sa sobrang inis ko ay hindi ko na siya tiningnan at hindi ko na rin namalayan na lumagpas na pala kami sa kanto papasok sa bahay ko.
"Ihinto mo ang kotse." biglang sabi ko. Sumunod naman ito.
Bumaba na ako ng kotse at isinarado ng napakalakas ang pintuan ng front seat niya, pakiramdam ko ay masisira ko na.
Nagsimula na ako sa paglalakad, medyo malayo kasi ang inilagpas niya. Hindi na rin ako tumingin pa ulit sa sasakyan at hindi ko na rin alam kung nakaalis na ba ito.
Naku, ang dilim! Alas dos na kaya ng hating gabi.
Sumipol ang isang grupo ng mga tambay na nag iinuman sa gilid ng kalye nang napadaan ako.
Jusme, exposed pala ang legs ko -_-
Buti nalang at walang ni isa sa kanila ang sumunod sa akin. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad at kumalma na ng konti.
Tamang tama naman nung nasa maliit na eskinita na ako sa kanto namin ay may bigla akong naramdaman na sumusunod sa akin. Huminto ako at tumingin.
Letche, yung lasing pala kanina! At take note, may hawak pa siyang botelya ng Red Horse na kalahati nalang ang laman.
Napalunok na ako sa sobrang takot. Sanay naman ako dito sa lugar na ito eh, kilala ko na halos lahat. Pero sa pagkaka-alala ko, mukhang hindi taga rito ang lasing na ito (mas bihis kasi siya tingnan at naiiba sa mga kasama niyang walang suot na pang taas kanina)..
"H-hi, Miss... Ang ganda mo naman..." nanginig na ng sobra sobra ang buong katawan ko sa sobrang takot.
Lord, kayo na po bahala sa akin.
"Meeeeez... pa-p-patikim ha!" huminga ng malalim ang lasing at nakangiti sa legs ko habang papalapit na papalapit ito.. Mukhang demonyo na kakainin ako ng buhay.
Parang napipi ako sa mga sandaling iyon. Gusto kong sumigaw pero para bang hinigop ang lahat ng boses ko.
Umiyak nalang ako at dahan-dahang umatras hanggang sa hindi ko namalayan na may bato pala sa gilid at bigla nalang ako natumba at nauntog sa sobrang tigas na semento.
Huli kong nakita ang lasing na naka ngisi at papalapit sa akin.. Wala akong kalaban-laban.
Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip si Mama.
BINABASA MO ANG
Where the Road Leads
RomanceKasing haba ng pangalan ni Ma. Anna Krishell Antoinette "Shell" Esguerra ang mga problema niya ; pantubos sa renta ng bahay nila, gamot ng kanyang kapatid na may sakit, pagpapa-aral sa iba pa niyang mga kapatid, pambayad sa kuryente, at marami pang...