Chapter Two

19 1 1
                                    

CHAPTER TWO

Limang minutong late na ako pagdating ko sa bar at naliligo pa ako sa sarili kong pawis. 

Bwiset, grabe ata ang malas ko sa araw na ito. Eh papaano? Sa buong araw na pamamasada ni Manong Jeepney Driver ay ngayon pa naisip ng jeep niya na pumalya at masiraan nang gulong. 

Tsugitats na naman ako nito sa boss ko na si Miss K... Ayaw pa naman nun nang late kahit isang minuto lang ang lamang. 

"Sheeeeeeeeeeeeell! Ano ang tinatanga tanga mo dyan at bakit hindi ka pa dumeretso sa likod?! Jusme, ilang minuto ka ng late at tingnan mo nga yang ayos mo! Ang chaka mo tingnan! Mag makeup ka na nga!" galit na pananaway ni Miss K habang pinapatpat ang mukha ko na para bang nakakadiri. 

"Opo! Heto na po at dederetso na ako sa likod." nagmamadali na akong nagtungo sa likod kung saan hinihintay na ako ng banda. Inilabas ko kaagad ang maliit na makeup pouch at nagsimula nang mag-apply ng foundation sa mukha ko nang biglang lumapit si Vonn, ang gwapong guitar player nang bandang "Glory" na siyang makakasama ko na tumugtog ngayong gabing ito.

"You look beautiful tonight, Shell." biglang sabi nito. Hayop! Ang gwapo niya talaga grabe! At na appreciate niya pa ang beauty ko ngayon ha! Awww! Answeet te! Nag blush tuloy ako.

"Bolero. Gwapo ka rin naman ngayon, Vonn." ganti ko sa kanya habang naglalagay na ako nang eyeliner.

Truelala sa lahat nang truelala naman ang sinabi ko.. Gwapo naman talaga siya ngayon at kahit anu pang araw, bagay na bagay kasi sa mukha at buhok niya ang parating suot niyang itim na leather jacket. *swoon*

" HA HA HA! Sige na, bilisan mo na dyan at naghihintay na ang mga tao sa labas." 

"Oo na.. Nagmamadali na po." sagot ko habang naglalagay ng lipstick. 

Tapos na rin ako sa wakas at sumunod na sa kanila sa stage. Tinetest na nila ang instruments nila, pumwesto na rin ako sa may tapat nang microphone, pumikit at nagsalita nang isang mabilis na silent prayer, isang mabilis na seremonyang ginagawa ko tuwing bago ako kumanta. 

"Check.. Sound check.. Check.. Sound check.. Hey.. Hey.." nagstrum na si Vonn ng electric guitar niya, hudyat na limang segundo nalang ay magsisimula na kami. 

Huminga ako nang malalim.

"Good Evening Ladies and Gentlemen and welcome to Cycles Bar. Tonight's live band is Glory and we will be keeping you company until 3 AM. So sit back, drink and enjoy the rest of your evening." panimulang bati ko. 

I sighed, this is going to be a long night.

Nagsimula na ako na kumanta. Endlessly ang titulo nang unang kanta.

There's a shop down the street,

where they sell plastic rings,

for a quarter a piece, I swear it.

Yeah, I know that it's cheap,

not like gold in your dreams,

but I hope that you'll still wear it.

Yeah, the ink may stain my skin,

and my jeans may all be ripped.

I'm not perfect, but I swear,

I'm perfect for you.

..and there's no guarantee,

that this will be easy.

Where the Road LeadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon