CHAPTER FOUR
Nagising ako sa isang di ko inaasahan na lugar.
Ito na ba yun? Ito na ba ang sinasabi nilang heaven?
Infairness ha, mabango! At malambot ang kama!
Teka! Anong sabi ko?! BAKIT AKO NAKAHIGA?!
So buhay pa ako, ganon?! HA HA HA HA HA HA HA!
Idinilat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang isang anghel, este, nilalang pala!
P@#$%^& I@#! Anong nangyari?! Bakit nakayakap si Evander Monteverde sa akin?! At bakit ako nasa kama niya?! Papaano ako nakarating dito?!
"AAAAAAAAAAAAHHHH!" malakas na sigaw ko habang tinatakpan ko ang sarili ko na nakasuot ng blouse na may spaghetti straps at isang super maikling shorts.
"What the f@#k, Shell?!" bulaslas ni Evander sa akin na walang suot pang itaas, dahilan para ma expose ang magandang hubog ng kanyang katawan.
Binato ko nalang siya ng unan at pinagsisipa. Ayun, nahulog tuloy siya. HA HA HA!
"Bwiset naman, Shell! Ikaw pa itong tinulungan ikaw pa ang may ganang magalit!" naiinis na sabi nito.
"Sino bang hindi magagalit eh iba na ang suot ko, tapos idinikit mo pa yung sarili ko sa akin!"
"If you think may nangyari sa atin kagabi, well, you're wrong." sagot nito habang sinubukan niyang tumayo. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkakainis.
Natameme ako! 'Wag kang assuming, bakla!' sabi ko sa sarili ko.
"I saved you from that damn drunkard."
Anu daw?
"I saved you from that damn drunkard."
"I saved you from that damn drunkard."
"I saved you from that damn drunkard."
Parang sirang plaka na nagre-replay ang sinabi niya sa akin kanina.
Ang galing. Ngayon may utang na loob na talaga ako sa kanya. Great! -_-
"Alam mo kasi, dapat hindi ka nagsususuot ng mga revealing na damit." mapanuksong sabi niya sa gilid ng tainga ko at nararamdaman ko ang pagporma ng mga labi niya sa isang mapaglarong ngiti. Bakit ang bilis niya makarating dito sa gilid ko?
Nanlamig ang buong kaluluwa ko. Damn!
Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Napakalapit ng mukha ko sa mukha niya! Naaamoy ko ang bango ng hininga niya. Bakit ganun? Ang daya naman! Ganyan ba ang mga mayayaman? Hindi ba bumabaho mga hininga nila kapag bagong gising?
Napatitig nalang ako sa mga mata niya na para bang kumikislap habang mapanukso ang kanyang ngiti.
Ganun ang naging setup namin sa isang minuto. Hindi niya inaalis ang tingin niya sakin.
Finally, he stopped smiling.
"Get dressed, Shell." tumayo na ito upang kunin ang tualya na nakasabit sa upuan na nasa gilid ng
kama
Agad ko namang ibinaling ang atensyon ko sa paghahanap ng damit ko at ang backpack na parati kong dala.
San kaya nilagay ng kumag na 'to ang mga gamit ko?
Tiningnan ko ang paligid. Wow! Ang ganda ng bahay niya! Halatang sa isang sosyal na condominium tower ito nakatira. Tanaw na tanaw ko sa malaking bintana niya ang halos buong Metro Manila. Dark blue ang kulay ng pintura ng kwarto nito, carpeted ang sahig at may banyo ito na parte mismo ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Where the Road Leads
RomanceKasing haba ng pangalan ni Ma. Anna Krishell Antoinette "Shell" Esguerra ang mga problema niya ; pantubos sa renta ng bahay nila, gamot ng kanyang kapatid na may sakit, pagpapa-aral sa iba pa niyang mga kapatid, pambayad sa kuryente, at marami pang...