Chapter 6

705 36 4
                                    

Chapter 6

The Elite

Lunchbreak na, papunta ako ngayon sa cafeteria para doon na kumain. Nagmamadali na rin akong maglakad dahil nag rereklamo na ang mga bituka ko sa tiyan. Hindi kasi ako kumakain ng umagahan hehe medyo na excite lang akong pumasok ng maaga.

"Pst Phoebe, wait up!"

Lumingon ako nang marinig ko na may tumawag sa akin. Nakita ko ang babaeng short hair na may bangs parang si Dora charot lang maganda po siya.

Hiningal ito ng makalapit na sa akin.

"Thanks God I was able to catch up with you," she said sabay punas ng pawis sa kanyang noo.

She's Sylvia, my seatmate. She introduced herself kanina nung history subject namin. Taga Ice Quiv, bunso daw siya at may apat pang kapatid na puro lalaki. Ayon sa kanya kaya siya nakapasok dito kasi ini enroll daw siya ng mga kuya niya para matuto siya kumontrol sa elemento niya which is Ice. Medyo nasasakal na raw siya mga kuya sa sobrang protective kulang nalang daw magtalaga ng personal guard dito sa loob ng school premise pero malas lang nila kasi bawal pala yun. Sa sobrang daldal niya halos alam ko na buhay niya. Kahit nag discuss si ma'am Rizzian wala pa rin siyang pake hanggang sa 2nd subject sige pa rin sa pag kwento. Pinilit ko tuloy mag double tasking.

Sumabay na siya sa akin dahil patungo rin daw siya sa cafeteria.

Well, that's great. Atleast may kasabay na akong kumain hindi na ako lonely.

Pagkapasok namin sa cafeteria naghanap agad kami ng bakanteng lamesa. May nahagilap naman agad ako, malapit ito sa bintana. Agad akong pumunta doon habang si Sylvia naman ang pumila para bumili ng pagkain. Siya na daw ang umorder sa akin kaya wala akong magawa at sinabi nalang kung anong pagkain gusto ko.

Sobrang laki ng cafeteria nila dito may white and black motif kasya siguro ang half of the population ng Wrisian University students dito. And typical cafeteria na hindi mawawala ang maiingay na estudyante.

Kakain na nga lang ang ingay-ingay pa.

Napahinto naman ako sa pagmamasid nang nilagay na ni Sylvia ang tray ng pagkain sa aking harapan. May kasama siyang lalaking may dalang dalawang tray puno ng pagkain. Inilapag din nito ang pagkain sa harap ko sabay alis. Hindi ko agad napansin si Sylvia na tapos na pala siya mag order. Ang bilis ah.

"You can eat all of this?" Sylvia said then pointed my foods. Nasa tinig nito na 'di convince na mauubos ko nga ito.

Hindi talaga ito makapaniwala ikaw ba naman ang umorder ng 3 cups of rice, may pork steak, lasagna, tuna steak, kebab at salad pa for dessert. Samantalang sa kanya sandwich lang tsaka coke.

Well, samantalahin na ang libreng pagkain dito. *Insert evil laugh

Nagkibit-balikat nalang ako sa kanya. Saka nagsimulang lantakan ang pagkain ko.
Unang kagat sa lasagna napatingala pa ako sa taas dahil sa sarap.

"Grabe ito ang heaven pre, " I screamed in my own thoughts.

Sunod sunod na ang lunok ko sa pagkain kaya hindi nalang din nag ingay itong katabi ko at kumain nalang sa kanya.

*BLURPP

Napadighay nalang ako nang maubos ko na ang pagkain saka uminom ng tubig.

Grabe ang sarap ng pagkain nila dito.

"I didn't know that you eat a lot, Phoebe." Sylvia amusingly said.

Napangisi nalang ako sa kanya.

Syempre gutom ako eh hindi pa naman ako kumain ng umagahan. Bumabawi lang sa nag albutaryong bituka sa tiyan ko. Saka kahit malakas ako kumain hindi pa rin tumataba itong katawan na ito parehong pareho sa katawan ko sa past life.

The Uncrown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon