Chapter 7

782 54 12
                                    

Chapter 7

Kazimir Treyton Del Bellevue

Walang pasubaling kinaladkad niya ako palabas ng cafeteria. Bago pa ako tuluyan nakalabas kita ko na nalaglag ang mga panga sa mga nakasaksi na wari hindi makapaniwala at gulat na gulat sa kanilang nakita.

Sino ba naman hindi magugulat 'di ba?

S'yempre si Kazimir Treyton Del Bellevue ang pinag uusapan dito, the cold-hearted prince of Feros Kingdom and the famous top 1 of elite groups.

Tumigil si gagu sa paglalakad nang makarating kami sa hindi mataong parte ng school ground.

Piniksi ko naman ang aking kamay. Piste ang sakit ng palapulsuhan ko kita ko pa ang pamumula nito.

Naiinis kong binalingan si Treyton.

"What's wrong with you? Why did you drag me here?" I asked him in gritted teeth.

Walang emosyon siyang tumingin sa akin. Nanunuot sa buto ang titig niya na parang sinusuri ang kaluluwa ko. Napalunok ako sa kaba.

"Who are you?" He said coldly.

Hinawakan niya ang balikat ko ng mahigpit. Napaigik ako sa sakit. Binitawan niya naman nang mapansin niyang nasasaktan ako.

Wait? Ba't siya nagtatanong? Crush niya ba ako?

HAHAHA masyado na akong assuming. ಥ‿ಥ

"Ako si Natoy, na mahal na mahal ka," Natatawang saad ko sa kanya.

Nandilim ang mukha niya sa sinabi ko.

May gana pa kasi akong mag joke tuloy mukhang papatayin niya na ako.

"K-kidding aside. I'm Phoebe," saad ko na hindi pinahalata ang kaba.

Pinanganak ata itong may tuyo sa sobrang sama ng mukha este pogi sana kaso daig pa ang babae pag may regla. ಥ‿ಥ

Mukhang papatayin na niya ako. Help me here Sylvia!!
Nilingon ko ang likuran ko.

Ngayon ko lang napansin na hindi pala sumunod sa amin ang bruha.

"Who are you? How did you know the ancient words?" He asked.

Napalunok ako dahil sa malamig nitong boses na mas lalong nagpadagdag sa kanyang sex appeal. Jusko po ang hot.

Kung pwede sanang tumili dito titili na ako.

Hay nako maghunos dila ka Belle, siraulo iyang lalaking 'yan kaya tumigil ka na kakapantasya mo diyan.

Napailing nalang ako sa aking naisip. Mukhang mababaliw ata ako dito.

Napatikhim nalang ako at saka sumagot sa tanong niyang hindi ko naintindihan.

"What do you mean?" Naguguluhan kong sagot sa kanya.

Mukhang nabaliw na rin ang lalaking ito ah.
Seriously, anong ancient pinagsasabi nito?

"Huwag ka ng mag maang maangan pa narinig ko ang sinabi mo kahapon," sabi niya na may pagka slang.

Napanganga akong tumingin sa kanya.
Potek marunong pala 'to magtagalog e pinahirapan pa ako.

"So you know how to speak tagalog?"

"What's tagalog?" Tumaas kilay niya halatang wala talagang alam.

Napakunot naman ang noo ko.

"Yung sinabi mo kanina," I said.

Naging straight na ang mukha nito.

He frowned and asked.

The Uncrown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon