"Oh Shair, ang aga aga ba't nakasimangot ka na agad?" salubong ni Gray sa 'kin ng makapasok na kami sa guild.
"Ha? Napasama lang ang gising ko.." sagot ko tapos nakita ko si Jake na nakatingin kaya inirapan ko na lang.
"Bakit naman?" Kumunot ang noo ni Lucy. Walang hiya talaga 'tong si Lucy, alam niya namang kasalanan niya kung bakit ganito gising ko!
Ganito kasi 'yon.
"Hmm..." Nagising ako sa liwanag ng araw kaya sumakit ang mga mata ko at binaon ko 'yong ulo ko sa unan kong yinayakap. Inaantok pa ako kaya mas hinigpitan ko pa 'yong yakap. Hmmm.. ba't parang iba ang amoy. Inamoy amoy ko 'to at iba nga! Pero bakit ang bango? Isa pa nga. Naramdaman ko naman na hindi na ito malambot at nagkalaman laman na.
Hala. Unan ko ba 'to- teka.. Unan ba 'to?!
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nanlaki ito nung nakita ko kung ano at sino ang niyayakap ko!
"GAAAAAAAHHH!!!" sigaw ko at dahil nagulat ako nang todo ay nahulog ako sa kama. J-JAKE?!
"Ang aga aga tapos ang ingay mo na. Tss." sabi niya at tinabunan ang ulo niya ng unan.
"B-ba't ka nand'yan?!" sa sobrang gulat ko 'yan na lang ang natanong ko at nautal pa.
"Kailangan ba talagang isigaw?" tinanggal niya yung unan at inayos yung posisyon niya sa kama ko saka pumikit. "Syempre dito ako natulog, baliw."
"H-ha?! 'Di ba sinabi ko na doon ka sa sala matulog?!" sigaw ko at tinuro ko pa 'yong pinto.
"Hindi ako komportable doon at ba't ko ba pahihirapan sarili ko kung may higaan ka naman dito? Tss." nakapikit pa din ang mata niya habang nagsasalita. "Napakahimbing pa nga ng tulog mo kagabi na hindi na ako makahinga ng mabuti sa higpit ng yakap mo. Pfft."
°°°Loading
Naramdaman kong uminit na ang pisngi ko. I-ibig sabihin siya 'yong niyakap kong unan kagabi?! At grabe lang ha, nakuha pa niyang matulog!
"Hoy ibalik mo ya- Araay!" Kinuha ko 'yong unan niya at pinaghahampas sa kanya. "Nakakabwisit ka!!"
Lumayo siya pero hindi ko akalain na kumuha din siya ng unan at binato ito sa'kin ng napakalakas. "Revenge!"
"Aray! Ang sakit nun ah! Aba papatol ka?!" at nag-pillow fight kami hanggang sa napagod kaming dalawa. Edi syempre, panalo siya. Uggh! (-_-#)
_
"Hoy Shair okay ka lang?" yinugyog ako ni Lucy. 'Di ko namalayan na nakatulala ako.
"H-ha? Oo naman.. Haha." kahit hindi sige lang.
Patayin ko nga si Lucy at Jake? At 'yon pinatay ko silang dalawa sa utak ko gamit ang tricks na natutunan ko sa Detective Conan. Hmp. Mabuti nga. Bwahahaha! *Evil Aura*
"Hoy tingnan mo oh nakakatakot mukha ni Shair." narinig kong bulong galing kay Jet.
"Oo nga. Parang demonya." pabulong rin na sabi ni Droy.
Binaling ko ang atensyon ko sa kanilang dalawa at sinabing "Narinig ko 'yon." tapos binigyan ko sila ng isa sa mga ngiti ko. Ngiting pamatay.
"IIIIIIIEEEH!" Nagyakapan ang dalawang abnormal na nanginginig na ngayon sa takot. Masama na nga gising ko dinagdagan pa nila. Tsk. Kung gusto nila ng demonyita, edi pagbigyan!
Bahala na nga sila diyan at baka tuluyang masira araw ko nito eh. Dagdagan mo pa ng mga tanong ko tungkol kay Jake. Kung paano siya nakapunta din dito? Anong ginagawa niya dito? At bakit siya nabaliw? XD 'Di kasi kami close sa reality tapos maka-pillow fight kanina wagas! Aahh! Tama na nga, nakakastress. Enjoy-in ko na nga lang pagkain ko.
"Shair pinatawag ka ni Master." sabi sa'kin ni Mirajane nang matapos na akong kumain.
"Ah.. Sige salamat." Nginitian ko na lang si Mirajane at pinuntahan si Master na kausap si Jake. Napatigil sila sa pag-uusap nung napansin nila ako.
"Ah Shair, 'yong tungkol sa job... Jake ang papel." agad namang pinakita sa'kin ni Jake ang binigay ni Master na job.
"Ano?! 1,500,000 jewels ang premyo?! Napakalaki naman ata 'to ah!" sigaw ko at tumingin silang lahat sa akin. "Ah wala 'wag niyo akong pansinin." :D
"Baliw. Tingnan mo muna kasi kung ano ang job!" binatukan ako ni Jake kaya napahimas nalang ako sa batok ko. Tiningnan ko siya ng masama bago ibaling ang tingin ko sa papel. Hmp. May araw ka din Jake.
"F-Finding Nemo?! Niloloko mo ba ako Jake?" tiningnan ko siya nang masama bago tingnan si Master.
"Alam mo Shair, pareho talaga kayo ni Jake. Ganyan na ganyan din reaksyon niya nung una kong pinakita sa kanya yan." tumango tango pa si Master habang nakapikit.
"Ano ba naman 'yan Master pinagloloko mo ba kami? Bakit naman namin hahanapin yung isdang 'yon e masayang namumuhay na 'yon sa dagat?" Naabnoy na 'to si Master eh. Ano 'to bagong movie at kami ang kontrabida?
"Aray!!" binatukan nanaman ako ng pesteng Jake na 'to! Mabatukan din nga.
"Ouch!" sosyal na pagsigaw ni Jake."Nakadalawa ka na ha!"
"That. is. my. line!" nahawa na ako sa English niya. "Binalik ko lang 'yan sa'yo!"
"Hay mga bata.." huminga ng malalim si Master. "Pareho talaga kayong baliw at isda pa ang naisip ninyong pagtripan! Tao 'yan at anak ng isang negosyante! Big deal ba 'yon?" at sabay kaming binatukan ni Master. *Pak* Teka, ganun din reaksyon ni Jake pala? Haha!
"E paa-"
"Shair, nasa Fairy Tail tayo." paalala sa'kin ni Jake. "'Di mo kasi binasa lahat e."
"Oo na pareho tayo, di natin binasa ng mabuti." dinilaan ko siya. Blee. Hmp, siya rin naman eh. Pareho lang kaming praning.
Oo nga no. Tsk, ba't ko ba nakalimutan? Coincidence. (=_=)
Binasa ko na lahat na nasa papel at ayon daw dito, hahanapin namin ang anak na si Nemo ng napakayamang negosyante. Pfft. Finding Nemo nga talaga 'to. Mukhang isdang clown! Note: Babae si Nemo. Ooh. Ang kapal ng make-up niya!
"Pack your things. Aalis tayo after lunch."
"Yeah yeah." At umalis na ako para mag-impake.
***
Woo! Sa wakas humaba haba na compare mo sa mga dating chaps! XD At higit sa lahat, naka-update ako lol. Matagal tagal pa bago madugtungan to. Masyadong busy na kasi ako sa school at ang marami rami ang bagong hobbies na umusbong. Sowweeee XD
//will be inactive again for a long time//sige bye love lots
BINABASA MO ANG
-->Fairy Tail<--
FanficTo Fairy Tail- A teenage girl really loves Fairy Tail. She has all the collections- figures, manga, DVDs, cosplay costumes, bags, clothes, et cetera. She's an avid fan of the anime. She always wishes that someday, they'll come true albeit she knows...