Chapter 6

201 14 2
                                    

Haaaalllaaaa si Jake nga!!

Alam ko nagtataka kayo kung sino siya pero nakks!! Si Jake nga!! Pwede bang magwala?!?!  -_-

Okay pasensya na ha? Haha

"J-jake? Ikaw ba talaga 'yan?" Pagsisigurado ko. Malay niyo magkamukha lang at magkaboses no? O di kaya magka-height at pareho lang ang pangalan?

"Yup. Jake Gomez, ako yun."

SILENCE~

Teka patingin nga ng DNA...

"O Shair,  mukhang di ka makapaniwala ah.. Bakit namatay na ba 'to at nabuhay lang muli?" Pagbabasag ni Natsu ng katahimikan.

"Tangek! Ano siya zombie?!" Binatukan ni Lucy si Natsu.

Hayy.. Kung wala sila 'di ko alam kung anong gagawin..

"H-hindi.. Na-nabigla lang ako."

"Yun lang pala eh." Sabi ni Master. "Lucy, pwede mo bang tulungan si Jake makahanap ng apartment? Galing siya kasi sa ibang bayan at bago rin dito."

"Okay po, master. Halika ka na Jake." Sabi ni Lucy at lumabas ng guild habang si Jake naman ay nakasunod.

"Shair, bukas ng alas otso dapat nandito na kayo. Ibibigay ko na yung misyon niyo. Sige, ingat!" Pagpapaalam ni master at nauna na kami.

***

"Hah? Wala kayong mahanap na apartment o kahit ano lang diyan na pwedeng rentahan? Ah...

"AAAAHHHH!!"

"Kalma lang, Shair. Kalma." Sabi ni Lucy sabay hawak sa balikat ko.

"Eeeehh? Pero ba't kayo nandito?" Paano ba kasi, malalaman mo talaga kung ba't sila dito pumunta.

"Hehe, alam mo na yan." Sabay kindat ni Lucy. "Pwede ba na diyan muna si Jake ngayong wala pa siyang matutuluyan?" Tanong niya sabay tingin kay Jake na nakahood at nakayuko.

Inhale. Exhale.

"Hin-"

"Ay! Oo nga pala! Diyan na lang si Jake para mas makatipid ka! Hati kayo sa upa! Tsaka may job din naman si Master na ibibigay sa inyo bukas! Paalam!" Sabay takbo ni Lucy pauwi sa kanila. Kapitbahay ko nga pala siya, kaya sinaraduhan niya ako ng pasigabong.

"Hoy! Pesteng babae 'wag mo akong pagdesisyunan! Hoy-- ppmmm"

"Huwag ka ngang maingay. Tss. Let's go." Tinakpan ni Jake yung bibig ko kaya natigil at kumalma ako. Pagkatapos nun, binitawan niya ako at pasimpleng pumasok sa bahay. Aba!

"Hoy, dito ka talaga matutulog? Seryoso? Hoy!" Tanong ko sa kanya at sumunod na din na pumasok.

"Of course, san pa ba?  At huwag mo akong tawaging 'hoy'. May pangalan ako, bobo." Tsaka siya umakyat papuntang kwarto.

"ABA, 'wag mo din akong tawaging 'bobo' may pangalan din ako." Sumunod din ako sa kanya.

"Tsk, oo na, Shair." Sabi niya at tinapon ang katawan niya sa kama. "Ang lambot~"

"Teka, 'wag mong sabihin na diyan ka matutulog? Sa sala ka nga matulog. Shoo. Shoo." Taboy ko sa kanya.

Nakalimutan ko pala sabihin kung sino siya. Siya lang naman ang classmate ko na mahilig mang-asar at manggulo ng  buhay mo, pero hindi mo magulo buhay niya. Sikat siya sa mga fan girls niya at isang magaling na basketball at football player (dalawa talaga). At oo, may fan girls 'yang mukhang 'yan kung nagtataka kayo. Matangkad, maputi, matangos ilong, may mala-anime na buhok na medyo spiky pero ang lambot tingnan (maganda ang pagka-sway) , may magandang katawan, may nakakatunaw na mata, manipis na labi, pantay-pantay na ngipin at--

"Tama na 'yan, matutunaw na ako." Sabi niya at nag-smirk pa.

Shocks! Di ko man lang namalayan na tinitingnan ko siya ng maiigi! Uggghh!

"'Wag ka ngang assuming! Lumabas ka nga!" Hinampas hampas ko siya hanggang sa nahulog siya sa kama. Hmp. Karma mo 'yan. Blee.

"Ouch." Tapos hinihimas himas niya pa yung pwet niya. Binato ko na rin ng unan at kumot. Cute. Isa pa ngang ouch? Wha--- Tsk.

Humiga na ako ng tuluyan sa kama at pumikit. Grabe Nakaka-stress! Nakakabwisit!

"Jake pakipatay nalang ng ilaw! Salamat! Paki-lock na rin pinto paglabas mo."

Mabuti na rin at sinunod na niyang pinatay ang ilaw dahil mas lalong naging madilim na kahit nakapikit ako. Pati 'yong pagkalock narinig ko rin. Aba, dapat lang! Nakikitulog lang siya!

At dahil pagod na pagod na nga naman ako (napagod ako sa nangyari ayaw mag sink in), habang nakapikit ay hinanap ng kamay ko yung unan, at nang may nahawakan ito, hinablot ko na rin. Pero ang bigat eh. Kaya ako nalang ang lumapit at niyakap.

Bakit bumigat? Bakit kaya ang init ng unang 'to? At bakit hindi na ito kasing lambot kahapon? Bahala na nga! Napagod na nga katawan ko pati utak ko napagod na din kaya pinabayaan ko na lang at natulog.

***
Natripan ko mag-update dahil may nag comment XD Salamat! (mukha akong loko) Pati sa boredom salamat na din. Ilang buwan na pala akong 'di naka-update. (Ayan screenshot sa multimedia ahaha) Wooh Achievement! Jaa~

-->Fairy Tail<--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon