Nagising ako at nung minulat ko ang mga mata ko... -_-
o_o
O_o
o_O
>__<
O_O
Boom! Asan ba ako? Bakit parang naging animated ang paligid... Ang pamilyar ng lugar na ito. Para bang nakapunta na ako dito. Naglibot-libot ang mata ko na parang si Detective Conan (astig lng :). In-obserbahan ko ang paligid at nakita ko sa harapan ko ang napakalaking bahay.. teka lang, bahay ba talaga to? Baka castle? May nakasulat pa na Fairy Tail. Napaisip na lang ako.
Loading... OMG!
Kung di ako nagkakamali nandito ngayon ako sa harapan ng Fairy Tail guild. Naalala ko na ang nangyari. Nagteleport pala ako dito.
Nung nakita ko kamay ko..
Waaah! pati pala ako naging animated din! Tinaas ko kamay ko at binaba.. wala lang, trip ko lang. pero may lumabas na invisible screen. Parang sa Sword Art Online. Ito ang nakalagay.
Language : Japanese
Pinindot ko ito at pinalitan ng Filipino. Pagkatapos nun.. bigla nalang nawala. SAO nga.
Pumasok ako sa Fairy Tail guild. At nung binuksan ko ang pinto..
Boom! Nagliliparan ang mga upuan, mesa at kung anu ano pa! Hulaan ko nga.. baka si Gray at Natsu ay nag-aaway nanaman.
Boogsh!!! "Aray!" Sana di ko nalang hinulaan. Nag-aksaya patuloy ako ng oras. Naka-ilag pa siguro ako.
At yun na nga...natamaan ako ng upuan.. at naku! ano ba to? ba't may yelo na nakabalot sa akin! grrrr! ang lamig lamig... daig ko pa ang patay neto eh! buti na lang at nag-crack agad.
May nakita akong lalaki na walang pang-taas.. Sigurado ako si Gray toh.. Gray Fullbuster. Lumapit siya sakin.
"Miss, ok ka lang ba?.. Pasensya na natamaan kita." tanong niya.
"Sa tingin mo? Natamaan na nga ako ng upuan at napabalutan ng yelo tapos magiging ok pa ako?" Nagmukang matandang uugod ugod na ako. Ikaw kaya tamaan ng upuan at balutin ng yelo! Sa tingin mo magiging ok ka ba?! Pero ok na lang ang yelo kay sa sa Apoy, baka maging abo pa ako niyan eh.
Inalayan niya ako hanggang maka-upo sa upuan. Nakahiga na pala ako. Mukang boss lang.
"Pasensiya na Miss." sabi ni Gray.
"Ok lang." sabi ko
Napalibutan na ngayon ako ng lahat ng Fairy Tail members. Hay naku... =_=
Umupo na lang ako. Tinanong nila ako ng mga tanong, natural.
"Anong pangalan mo?" tanong ng babaeng yellow ang buhok.. Si Lucy Heartfilia to' ah!
"Shair po, Shair Cruz po." sagot ko..
"Bakit ka ba nandito?" tanong nang nakapink na buhok... Si Natsu toh, Natsu Dragneel.
Oo nga noh... Ba't naman ako nandito? At sa dinami dami ng pwedeng pag teleportan, ba't dito? Kasi nga paborito ko ang anime na toh...
Bahala na!
"Gusto ko pong sumali sa guild ninyo." sagot ko. Makatanong si Natsu para bang pinapaalis ako.. =_= Pero yan talaga magtanong si Natsu eh.. Intindihin ko na lang.
"Ahhhemmm.. Ako ang guild master dito at bukas ang guild na ito sa lahat." sabi ni dagul... Si Makarov pala!
"Salamat po." sagot ko.
"Pumunta ka lang kay Mirajane para magpalagay ng mark namin." dagdag niya pa.
''Opo" sagot ko uli.
Pinuntahan ko si Mirajane. Si Mirajane naman ay may hawak na stamp.
"Shair, Saan mo ba gusto ilagay ang mark?" tanong niya.
"Dito na lang sa likod ko.. Sa bandang kanan lang." sagot ko.
I-Stinamp na niya ang mark ng FT. Yes! Member na ako! woohooo!
"Shair, ako pala si Lucy Heartfilia. Lucy na lang itawag mo sakin."
"Ako naman si Natsu Dragneel, Bahala ka na kung anong gusto itawag mo sakin."
"Ako si Gray Fullbuster!"
"Levy Mcgarden ang pangalan ko! Nice to meet you!"
"Ako si Erza Scarlet, Titania." parang sasabog ang mundo di ko naman sila tinanong kung anong pangalan nila eh.
at lahat ng tao sa guild ay nagpakilala kahit kilala ko naman sila. hay ewan ko lang... =_=
"Shair, saan ka ba nakatira?" tanong ni Levy.
"Ahhhh, ehhh,,.. errrr... ummm...."
"Ahhh, ehhh,,..errrr...ummm" mukha nila" ---> O_o o_O at nakanganga pa sila habang ginagaya nila sinasabi ko.
***
Aba may nagvote agad XD
Eto na chap 1
sa susunod na lng yung iba haha

BINABASA MO ANG
-->Fairy Tail<--
Fiksi PenggemarTo Fairy Tail- A teenage girl really loves Fairy Tail. She has all the collections- figures, manga, DVDs, cosplay costumes, bags, clothes, et cetera. She's an avid fan of the anime. She always wishes that someday, they'll come true albeit she knows...