Chapter 4

197 12 0
                                    

Pumasok si Mystogan habang nakatulog ang lahat samantalang ako naman ay hindi mapakali dahil alam ko hindi naman ako malakas o di kaya naaabnormal lang ako. Si Laxus ay nanatiling gising sa ikalawang palapag at si Master ay nakapikit lamang.

"Mystogan, ikaw pala," sabi ni Master at unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata.

"Master."

At nag bulung bulungan na sila doon, di ko man lang narinig. Hayy.. Pero sana pansinin din nila ako. Duh, malakas ako hello? Okay joke lng.

'Tao ka, anime sila, natural na mas malakas ka.'

Teka may narinig- este nabasa ba kayo sa utak ko na hindi sa style? Guni-guni ko lang ata yun. Malakas ako no! ahehehe ;)

At dahil pasikat akong klase,

"Mystogan. Ay hindi, Jellal Farnandes ng Edolas." Bulong ko sa sarili pero sinadyang pinalakasan ko ng konti para marinig ni Mystogan bago pa siya umalis. ha! Ako lang ata ang nakakaalam ng tunay na pagkatao ni Mystogan. Mwahaha.

Lumingon agad siya na parang lalabas na ang mga mata niya sa mga socket nito. Hahahahaha! Pfft- Mystogan? Hahaha!

Pagkatapos niya akong titigan mula ulo hanggang paa (wait what?), bumalik siya sa paglalakad at binilisan hanggang mawala siya sa paningin ko. Astig, ako na talaga!

--

"Shair, I saw what you did there." Sabi ni master  ng nakakaloko. Eeeh?! Master?!

--

Okay joke haha. Isniwitch ko nga 'to from Japanese to Tagalog nga diba? Ano si Master, pasosyal? XD

Eto na talaga:

"Shair, mag-usap tayo." Biglang sabi ni Master at napalunok nalang ako ng sarili kong laway. "Mamaya bago ka umuwi."

"Ah.. Hehehe."

Gumising na ang mga zomb- este ang mga tao na mukhang zombie. Pfft. Hahahaha!! Anung bang nangyari sa kanila?! Nawalan lang ng malay eh may bed hair na agad? Wow!

"Peste na Mystogan yun ah. Ba't ba kailangan niya pang patulugin and lahat kapag kukuha siya ng job?" Pagtataka Ni Erza habang pinapagpagpag niya ang damit niya.

"Oo nga no? Akala niya kung sinong siyang gwapo. Pa-mysterious effect pa siya." sabi ni Gray habang kinakamot niya yung ulo niya. Haha unggoy. Joke.

"Baka away gusto niya!? Mystogan lumabas ka at mag rambol tayo!!" Biglang bangon ni Natsu na wala namang pakialam kung anung nangyari.

"Shhhhh Natsu. Ang ingay mo. Baka masira yung guild pag nagkataon na narinig niya 'yon." Saway ni Lucy habang inaayos niya sarili niya.

"Oo nga! Aba kung maghihikayat kang mang away e isama mo naman ako!- Aray! Anu ba-- ayy..." Napatigil si Gray nung hinampas siya ni Erza sa ulo. Abnormal din 'tong si Gray e no.

Hayy.. Bakit ba ako napadpad sa mga abnormal?

"Kasi, abnormal ka din.'

Teka may nabasa nanaman ba kayo? Tsk tsk utak ko ba 'yon? Hayy.. Wala wala, wala akong narinig. Bow.

Patuloy pa kaming nag usap usap para mas makilala pa raw nila ako.. Pagkatapos ay kumain kami ng tanghalian habang nagliliparan ang mga mesa at upuan. Nanuod na din kami sa labas nang showdown nina Natsu at Gray kung saan mag show off sila gamit ang magic nila ngunit  nauwi sa awayan sa huli. Face palm.

"Paalam, Lucy, Erza! Mauna na kami ni Happy!" Aalis na sana si Natsu pero lumingon agad na parang may nakalimutan. Huh? "Paalam din sa'yo Shair! Bukas ulit! Haha paalam din talunan!" Sabay takbo ni Natsu bitbit si Happy nung sinabi niya yung 'talunan'.

"PSST HOY BUMALIK KA DITO!" sigaw ni Gray at binato niya si Natsu ng bato. Pero sa kasamaa-- este kabutihang palad, hindi natamaan haha. Ang bilis kaya ni Natsu tumakbo.

Sus, akala ko di na ako maaala ni Natsu ah.

"Sige Shair, uwi na kami." Paalam ni Gray sabay hubad.

"Gray damit mo!" Binato ni Lucy yung damit niya sa kanya.

"Ayy sorry." Ngumiti si Gray at tumakbo na pauwi. Nagpaalam din si Erza at sumunod din.

"Ah Lucy, mauna ka na." Sabi ko bago pa ako hatakin ni Lucy pauwi.

"Ha? Bakit? Mag kapitbahay lang naman tayo kaya sabay na lang tayo."

"Hindi. Ah eh.. Mag uusap pa kami ni Master eh."

"Ano bang pag-uusapan niyo? Matagal pa ba 'yan? Pwede kitang hintayin."

"Wala.. Ewan ko, syempre bago ako dito no. Mehehe at 'wag na, matatagalan pa. Sige na, 'wag ka nang magalala. Okay lng ako." Sabi ko pa.

Hindi pa rin sana papayag si Lucy pero pinilit ko siya at nauna na lang.

"Master, ano po 'yong pag-uusapan natin? Ahehehe.." Painosente kong tanong kay master na naghihintay sa loob. ;)

"Paano mo nakilala si Mystogan? At parang may sinabi ka dun na 'di ko maintindihan. Diba  first time mo dito?" Tanong niya habang nakatalikod siya sa akin.

"Ah.. Narinig niyo po 'yon? Hehe ano kasi eh, parang namukhaan ko lang," sagot ko sabay kamot ng ulo. Patay!!

"Namukhaan? Nakita mo na mukha niya?" Humarap na si Master na nakakunot ang noo.

"Ah oo.. Nakita ko na kasi siya noong unang panahon!! Oo! At nang humarap siya sa akin ay dun ko na nalaman na tama ako! Hahaha!" Peke ko pang tawa para matabunan ang napaka-epic fail kong sagot.

"Unang panahon? Anong ibig mong sabihin? Teka nga lang, sino ka ba talaga?"

Silence..

Asdfghjkl anu nanaman ba ang ipapalusot ko dito! Tulong!! Ah ehh

"..."

"Shair?"

Blagadum!!!

"Shair!!!!" Sigaw ni Natsu pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto.

Mukhang ligtas ako ngayon ah.

***

OA na sound effects XD

Ayan hinabaan ko na nang onti.

Pero sana may nagbabasa pa nito.. Huhuhu

-->Fairy Tail<--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon