*Yawns* Umaga na. Ginawa ko na ang daily routine ko. Ligo, toothbrush, kain, at.. hay, di na pala ako pwedeng manood ng anime, dito na pala ako sa anime world at naging anime na din.
Joke, hindi pa ako kumakain, punta muna ako sa guild at doon na lang kumain. Libre eh.
Nandito na ngayon ako sa harapan ng Fairy Tail Guild at kumakatok. Hinay-hinay lang ang pagbukas ng pinto para hindi na maulit ang kahapon.
Itutulak ko na ang pinto.....nagbukas ng dahan-dahan at salamat. Nabuksan ko rin... Pero may mesang lumipad at papunta sa akin.....
Haaaah! Papunta sa akin! Mas malala pa 'to kaysa sa upuan! Shinield ko ang kamay ko sa ulo ko at sinarado ang mata ko.
Booogsh! Huh? Di man lang ako tinamaan. Tinanggal ko na kamay ko at nung minulat ko na.. Huh? Ba't parang lumiit ang mga tao..
Ehhhh!? Lumipad na pala ako?! Kailan pa ba ako natutong lumipad? Ah, baka sa magic ko.. Umandar siguro yung adrenaline ko at lumipad.. Makababa na nga, parang expert na ako sa magic ko ah.
"Oh! Diba si Shair yun? Pasok ka!" pinapapasok ba talaga ako ni Natsu? Kahapon, parang tinataboy niya ako at ngayon, papasukin na? Hindi ko talaga maintindihan ang abnormal na 'to.
Pumasok na ako at pumunta kay Mirajane.
"Shair, Kumain ka na ba? Halika ka, anung gusto mo? Pili lang." tanong ni Mirajane.
"Kahit ano lang basta ang nakakabusog." sagot ko.
"Sige.. Ramen na lang. Yan ang mas nakakabusog ngayon."
Binigyan niya ako ng Ramen at kain lang ng kain. Dumating na Lucy at tumabi sa akin.
"Magandang umaga, Shair at Mirajane., Mira, bigyan mo din ako ng Ramen please." demand ni Lucy kay Mirajane.
"Magandang Umaga din. Oh, eto na," bigay ni Mirajane.
"Salamat," sabay kuha at kain ni Lucy.
" Ah,, eh,,, Lucy, pwede ba akong sumali sa Team niyo nina Natsu?" tanong ko kay Lucy.
"Teka lang tawagin ko lang sila."
"Oi!! Natsu, Erza, at Gray! punta muna kayo dito." Tawag ni Lucy sa kanila.
Natigil ang pag-aaway ni Natsu at ni Gray nung inawat sila ni Erza at dinala papunta dito.
"Anong kailangan mo?" Tanong ni Erza. Napakatapang talaga ng boses niya. Si Natsu at Gray naman, halatang natatakot sila kay Erza. Nanginginig. Hahahaha. Nakayakap pa sa isa't isa.
"Sa.. sasali daw si Shair sa Team natin. Payag kayo? Ako payag eh." Natatakot din si Lucy kay Erza.
"Pwede... Hoy! kayong dalawa, papayag ba kayo?" tanong ni Erza kay Natsu at Gray.
"Opo Ma'am!" saby nilang sagot.. natatakot talaga sila.. hehehehehe..
"Ako din payag!" dagdag ni Happy. Di naman tinatanong.
Pero at least may grupo na ngayon ako.
Nagsasayahan ang lahat ng bigla nalang natumba at nakatulog silang lahat. Weird. Si Master Makarov at Laxus lang ang gising maliban sa akin.
Nakakatawa mukha ng mga tao dito. May mga geass sa mata (muta) at may mahinang water gun (laway) na lumalabas sa bibig nila.. Hahahahaha!
May pumasok na misteryosong lalake at balut na balut ang mukha at katawan. Si Mystogan 'to ah...
Paano ba 'to nakabalik dito eh, wala ng power ang Edolas? O di kaya, bumalik ito sa episode na ano? Nakalimutan ko na.
Mahihinang mage lng ang natumtumba dahil sa magic na 'to.
So it means, malakas ako? Awoo hoo!

BINABASA MO ANG
-->Fairy Tail<--
FanfictionTo Fairy Tail- A teenage girl really loves Fairy Tail. She has all the collections- figures, manga, DVDs, cosplay costumes, bags, clothes, et cetera. She's an avid fan of the anime. She always wishes that someday, they'll come true albeit she knows...