"SSSHHAAIIRRR!!!!"
Pssh ang sakit na ng tenga ko, parang nawala na sa posisyon yung mga luga ko.
"Natsu?" Nabigla nalang si master ng biglang siyang pumasok. (=_=)
"Shair! Kanina pa kita hinihintay sa bahay mo di ka pa dumadating!"
"Ah, nag-uusap pa kami ni master-- teka, pinasok mo bahay ko ng walang paalam?" Kalmado kong tanong. Tsk, nakalimutan ko si Natsu 'to pala. (=_=)
"Oo." Sagot niya na parang wala lang at ang ngiti ay abot tenga! Hayy..
"Bakit, ano bang kailangan mo kay Shair?"
"Ah, andito pala si Master! 'Di ko nakita. Ahehehe" Napakamot siya sa ulo niya. "Ano kasi, may bago pala kaming job na nakita pero bata ka pa para sumunod.."
Huh bakit? Pinakita ng mukha ko yung tanong ko at agad naman ito ni Natsu nabasa.. Wow, achievement para sa kanya.
"May LPG kasi eh~." Bulong niya habang nilagay niya yung kamay niya sa gilid ng bibig at may black aura effect pa.
"Tanga, SPG hindi LPG. Anu yun, lutulutuan nalang tayo? Ay bobo." Nagulat nalang kami nung bigla na lang pumasok si Gray na nakahubad. Teka, hindi pa ako na-iimmune sa ganitong klaseng bagay.
"Hoy kayong dalawa! Anung SPG spg ba yung pinagsasabi niyo? Hindi yun yung problema no. Hindi siya pwedeng sumama kasi..." Pabitin effect pa ni Lucy nung bigla siyang sumunod sa likod ni Gray.
"Kasi?" Pati si Master e napatanong na din.
"Kasi nga, hindi pwede ang bata sa bar. Ang misyon kasi ay nakatuon sa paghahanap ng manager nun. May maduduming magic tricks siya kasing ginagamit para umatrak nang costumer sa bar at ginagamit niya rin ito sa tauhan niya na mahigpit na ipinagbabawal ng magic council." Muntik na akong mapatalon nung biglang sumulpot si Erza sa likuran ko.
Bakit ba ang hilig ng mga tao ngayon manggulat? Tss.
At grabe, kelan pa nagka-SPG ang Fairy Tail? Teka, paano naman ni Natsu nalaman ang term na SPG? Kala ko ba sa pinoy lang 'yon?
"Eh ba't di nalang yung tauhan nung magic council ang gumawa?" Tanong ko.
"May kanya kanya kasi silang gawain para gawin yun kaya ginawa nalang nilang job. Sila rin naman magbabayad." Sagot ni Gray agad-agad.
"Ahh.." Napa 'ah' nalang ako. Anu bang magagawa ko kung gusto nilang makipagmingle dun sa bar?
"Di bale Shair, may ipagawa nalang ako sayong job."-Master. Whew, buti nalang nakalimutan Master tanong niya. Matanda na nga. (=_=)
"Anu po 'yon?"
"Bukas ko na lang sabihin. Gumagabi na din eh. Huwag kang mag-alala, may kasama ka."
"Sino?" Napakunot ako ng noo?
"Bagong miyembro din na kanina lang pumasok. Kilala mo raw siya."
"Kelan?" Napakasakit kong sagot. Duh, wala pa kayang may nakakakilala sa'kin dito sa Fairy Tail. Parang kahapon lang ako dito napasok at tapos bago pa siya.. Paano niya ako makikilala? Haha.
Ngek.
"Shair." Bigla akong napatingin sa pintuan nung may nakita akong tao na nakahood. Ang tangkad niya pero palagay ko magkaedad kami o malapit lang?
Natural, pandak ako eh.
Nakasandal siya doon at ako naman ay hinihitad ng hitad ang leeg ko para makita yung nakatagong niyang mukha. Tsk, sino ba siya? Hindi ko makilala sa boses. Napaka- uhh.. sexy(?) kaya pakinggan? Tse.
"Sino ka?" Tanong ko.
Tumayo siya ng maayos at nahulog yung hood niya.
"Jake?" Hindi pwede. Si Jake ang itsura at ngayon ko lang din naalala ang boses niya. Teka kung siya si Jake, paano ba siya nakapasok dito? Sa loob kaya ako ng anime world at alam kong hindi ito panaginip.
Patay.
Di kaya, kagaya ko siya? Natamaan din nung bola chu chu na 'yon at nagteleport?
Aba, 'di 'to pwede. Gusto ko kaya solohin ang Fairy Tail.
Joke lang. Haha
***
Mukhang walang nagbabasa nito ah.. Huhuhu XD
Kung meron, pwedeng pa-comment na lang? O 'di kaya vote? XD bala kayo!! ;)

BINABASA MO ANG
-->Fairy Tail<--
Fiksi PenggemarTo Fairy Tail- A teenage girl really loves Fairy Tail. She has all the collections- figures, manga, DVDs, cosplay costumes, bags, clothes, et cetera. She's an avid fan of the anime. She always wishes that someday, they'll come true albeit she knows...