IV. Mvp

3 3 0
                                    

"'Nak, tama na. . ."

Mas lalo lang akong napahagulhol sa sinabi ni mama na sinabayan pa ng paghimas sa likod ko. Katulad ko'y umiiyak din ito habang nakaupo sa tabi ko sa aking kama.

"B-Baka mamamatay na'ko  m-ma," natatakot kong saad habang mas binibilisan pa ang pagsulat ko sa aking notebook. 

"Huwag mong sabihin 'yan, gagaling ka 'nak," tumigil siya sa pagsasalita nang pumiyok siya.

"G-Gagaling ka ha, nandito kami ng family mo," nahihirapan niyang saad na mas lalong nagpabigat ng dibdib ko.

Nanlalabo man ang mga mata'y tinuldukan ko ang aking isinusulat, palatandaan na ito'y tapos na at oras na para ito'y ayusin at basahin. Kaagad kong pinunasan ang aking mga luha bago sinimulang magbasa.

Dear Jaren,
              Hi love! Alam kong wala na akong karapatang tawagin ka pa sa endearment natin dati pero alam ko namang hindi ka madamot kaya pagbigyan mo nalang ako, ha! Gusto sana kitang kumustahin sa personal pero hindi ko pa magagawa 'yan sa nganong and hopefully soon ay magawa ko pa. So ayon nga, kumusta ka na? Balita ko'y sikat na sikat ka na, ah? Naaks, nakaka proud ka alam mo ba 'yun? Pero nakakalungkot lang isipin na hindi ko na alam kung magiging masaya ka ba kapag maging proud ako sa'yo pagkatapos ng ginawa ko.
Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala, it was when we're having a big event in our school and I was able to watch your game. Nasa unahan ako nakaupo, papunta sana sa'kin yung bola but you quickly stopped it using your big hands. And that's when I started supporting you. Pagkatapos ng game that time ay napuno ng mukha mo ang gallery ko, haha! Oo nagka crush ako sa'yo dahil doon at doon ako nagsimulang humanga sa'yo. Unexpectedly, nahuli mo'ko one time na kinukuhaan ka ng litrato kaya tumawa ka at sinabing naka on flash ng cam mo. Jusko, love. Sobrang nakakahiya, 'yun! Hahaha pero ayos lang kasi roon tayo nagsimula. Binigay mo sa'kin ang fb account mo kasi gusto mo magpa send ng mga ninakaw kong pictures sa'yo hahahahaha taas talaga ng confidence mo ano? Kunwari ka pa e, alam ko namang crush mo lang ako charot hahaha! At doon na nga, binanat-banatan mo na ako palagi at nagagalit ka na tuwing hindi ako kumain. Sobrang saya ko kasi nakilala kita at minahal kita, love. Huwag mo 'yun kakalimutan.

Naalala mo pa ba, love yung mga panahon na alas 5 pa lang ng umaga ay sinusundo mo na ako sa bahay kasi mag ppractice ka sa court ng basketball? Tinuturuan mo pa ako, naglaro tayo at kung sino ang matalo'y sasayaw ng sexy dance sa harap ng panalo. Hahahahaha, naalala ko pa kung gaano mo kaayaw sumayaw love pero nagpatalo ka para lang sabihing marunong na akong maglaro at proud ka sa'kin! Sobrang tuwa at saya ko noong sinikap mong mag sexy dance sa harap ko kahit na sobrang tigas talaga ng katawan mo, haha!
Kasi ganoon ka love, handa mong gawin ang lahat para sa akin, para mapasaya ako. Ganoon ka ka responsableng boyfriend. Hindi mo ako pinapabayaan. Busy ka man palagi dahil sa basketball ay hindi mo hinahayaang mawalan ng oras sa'kin kasi lagi mong sinasabing ako ang lakas mo. At kung wala ako, baka gumuho ang mundo mo. Lagi mong sinasabi sa'kin kung gaano ako kahalaga sa'yo at gaano mo'ko ka mahal. Mapa sa bahay, iskwelahan man o sa court pa. Maraming nakakakilala at humahanga sa'yo mapa sa paaralan natin o ibang paaralan at sobrang masaya at proud ako para sa'yo. My boyfriend is a basketball player, naks. Varsity player and is one of the best player. And for me you are the best among the best! Supportive girlfriend, hahahaha!

I am your number one fan and will always be your number one fan no matter what happen. Naalala ko tuloy noong isang beses na may lumapit sa iyo na isang fan at gusto magpakuha ng litrato. Nasa tabi mo lang ako nun, nakangiti kahit deep inside ay medyo nagseselos na. May bitbit pa naman akong mineral bottled water nun para sa'yo buti nalang at napigilan kong ihampas 'yun sakan'ya, charot! Hahahaha. Akala ko talaga'y papayag ka na kayo lang dalawa pero hindi, love, tinawag mo'ko and there sinama mo ako sa picture, ako pa yung nilagay mo sa gitna haha! Ayaw mong magselos ako, ayaw mong masaktan ako at dahil doon ay mas lalo kitang minahal,  love. Sobra.

Blues (ONE-SHOT STORIES COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon