V. You never realize what you have until. . .

3 3 0
                                    

'YOU NEVER REALIZE WHAT YOU HAVE UNTIL YOU LOSE IT'

- PLEASE PLAY THE MUSIC 'Your love is gone' by Dylan Mathew and Slander while reading this story.

"Oh Jeron, pupunta ka na kila Glaiza?"

Napatingin ako nang biglang magsalita si mama pagkalabas ko ng k'warto. Nagwawalis ito sa sala habang nakatingin sa'kin. Umiling ako.

"Hindi po, 'ma. Gagala po kami kasama sila Jason," sagot ko saka mabilis na inayos ang buhok sa harap ng salamin sa sala.

"Anong gagala?" Nakakunot noong tanong ni mama. "Anong araw ba ngayon? 'Di ba ngayon ang birthday ni Glaiza?"

Nangunot ang noo ko sa tanong ni mama at wala sa sariling napatingin sa calendar. April, 1. Napailing ako nang mapagtanto.

"Nakalimutan ko, 'ma. Invited daw ba tayo?" Tanong ko't bumalik sa k'warto.

"Jeron, anong nangyayari sa'yo? Ayos lang ba kayo ni Glaiza?" Sumunod ito sa'kin sa k'warto. Umiwas ako ng tingin sakan'ya.

"Happy birthday, babe," saad ko nang makarating sa bahay nila Glaiza. She's wearing a white beautiful and elegant simple dress. She looks stunning, yes.

"Thankyou, baaabe! Thankyou for coming, I love youuuu! Sobrang saya ko kasi kasama na naman kitang mag celabrate ng birthday ko, sana next year ulit!" She cheerfully said and hugged me tightly.

"Jeron, busy ka ba mamaya?"

Glaiza asked. Nandito kami ngayon sa classroom namin at palabas na ng room. I quickly nooded.

"Maglalaro kami nila Jason ng basketball mamaya," nalungkot ang mukha nito pero kaagad din itong ngumiti.

"Okaaay, goodluck sa laro mo mamaya. I love youuu!" She said and kissed me on the lips.

"Kumusta kayo ni Glaiza, pre?"

Magkatabi kaming umupo sa bleachers ni Jason pagkatapos ng laro. Panalo kami. Uminom ako ng tubig bago sumagot.

"Ayos lang," walang gana kong tugon na tinawanan niya.

"Parang hindi mo na mahal si Glaiza ah? Matagal na kayo 'di ba?" Natigilan ako sa tanong nito.

Mahal? Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay nasanay na akong nariyan siya't palaging nangungulit sa'kin.

"Babe!" Napalingon ako at nakitang nakangiting tumatakbo papalapit sa'kin si Glaiza. "Sabay na tayo pumasok!"

Naglalakad na kami ng sabay ngayon papunta sa aming classroom. Napatingin ako sakan'ya na nakangiti habang tahimik na naglalakad lang sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit parang wala na akong gana sa relas'yon namin ni Glaiza. Hindi ko talaga alam.

"Babe! Kumain ka na ba? Ang pawis mo naman, may panyo akong dala. Wait lang!"

Bigla nalang sumulpot si Glaiza sa kung saan habang nakaupo ako sa may garden. Kinuha niya ang panyong dala niya at kaagad na pinunas sa pawis sa noo ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito sa'kin. Umiwas ako ng tingin.

"Ayos lang," mahina kong saad. Tumango lang ito bago ako hinalikan sa labi.

"Ilang buwan ka ng nanlalamig sa'kin," napatingin ako kay Glaiza na naglilinis ng mga damit sa k'warto ko. Bumuntong-hininga ako.

"Ako na maglilinis diyan, umuwi ka nalang sainyo,"

"Jeron, sinusubukan ko naman intindihin ka," saad nito habang nakatalikod parin sa'kin at nagtutupi ng kung an-anong damit ko. "Pero p'wede bang itanong kung bakit pakiramdam ko'y sobrang layo mo na sa'kin?" Humarap ito sa'kin at nakitang may butil na ng luhang tumutulo sa kan'yang mukha. Umiwas ako ng tingin.

Blues (ONE-SHOT STORIES COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon