"Takbo!"
Sabay kaming tumakbo ni Papa nang hinabol kami ni Mama. May bitbit itong pamalo.
"Kayong dalawa! Mga pasaway talaga kayo!"
Nagtawanan kami ng tumigil kami sa sofa para umupo habang pinapalo kami ni Mama.
"Honey, come on. Sorry na, kasalanan ni Tope!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Papa. Ako pa ang sinisi!
"Hindi ako 'Ma, si Papa po! He said it's okay lang daw po kasi wala ka raw po!" Turo ko kay Papa.
Agad na nanlaki ang mga mata nito saka tumakbo ng tinignan ito ng masama ni Mama. Tumatawa ko silang pinapanood ng maghabulan sila. Hinalikan ni Papa si Mama sa noo para tumigil ito saka ako binelatan.
"Ano ba, Jaren?! Lagi ka nalang umuuwing lasing! Gusto mo bang mamatay, ha?!"
Napatigil ako sa pagbabalik tanaw ng marinig ang sigaw na 'yun ni Mama. Lumabas ako ng kwarto.
"Ano bang pakialam mo ha, Lisa?!"
"Asawa mo'ko, Jaren! Asawa mo'ko!"
"Pagod ako, p'wede ba?! Bukas mo na ako sermunan t-ngina!"
Mabilis akong tumakbo pabalik ng kwarto saka hinayaan ang sariling umiyak sa kama. Hindi ko na kilala si Mama at Papa.
Pinunasan ko ang mga luha ko sa mata saka kinagat ang labi para pigilan ang paghikbi.
We used to be happy, we used to be called a perfect family...
We used to laugh together, we used to smile together, and we used to love each other...
But everything changed, everything faded.
Nagsigawan, nag-aaway, nagbabatuhan ng kung ano-ano at higit sa lahat, nagbabatuhan ng masasakit na salita. Hindi ito ang kilala kong pamilya.
Hindi ko ma mapigilan ang paghikbi ko habang inaaalala ang mga masasaya naming memories, 'yung hindi magulo, nagtatawanan lang at masaya.
Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko pero mas lalo lang silang lumalandas sa pisngi ko! Sinubukan kong tumigil pero mas lalo lang lumalabas ang hikbi sa mga labi ko. Pinipilit kong kalimutan muna kahit saglit at matulog pero mas lalo lang bumibigat at sumasakit ang dibdib ko.
I smiled bitterly while wiping my tears endlessly. "Totoo nga, lahat ng bagay nagbabago. Walang permanente sa mundo maliban sa pagbabago," pinikit ko ng mariin ang mata ko hoping na titigil ang mga luha ko sa pag-agos.
The sun will set, the rain will stop, wet floor will dry, the untidy wind will calm, even your brand new shirt will fade.
Because everything change, only memories remains.
LESSON: Everything will change, everything has its limits. Maaaring ngayon mahal ka pa niya pero gigising ka nalang isang araw ay hindi ka na niya maalala. Maaaring masaya ka ngayon, pero kinabukasan gigising ka nalang habang pinupunasan ang 'yung mga luha. Maaaring ngayon malungkot ka, pero gigising ka nalang isang araw na nakangiti na at masaya. Because change is undeclinable.

BINABASA MO ANG
Blues (ONE-SHOT STORIES COMPILATION)
NouvellesThere's no such thing is permanent in this world except changes.