VI. Pinagtagpo pero hindi itinadhana

3 3 0
                                    

I was sitting alone in the long chair inside the church when someone sat beside me. I glanced at him and smile as he smiled.

"Happy Valentine's Day," he greeted formally. Like the usual.

"Happy Valentine's Day," with my smile widen I respond before looking back to the priest standing in front.

It's February 14 at eksaktong araw ng linggo kaya marami ang mga taong nagsimba. Kadalasan sa kanila'y may ka partner talaga at kitang kita ang saya sa kanilang mga mukha.

I smiled. Seeing a couple wearing their happy faces made my heart happy and sad at the same time.

Mabilis na nagsipasukan ang ibang mga nasa labas pa nang nagsimulang magsalita si Father, tanda na magsisimula na ang misa.

The whole mass was quite except kapag nagbibiro si Father. Hindi ako inaantok at nakapag focus ako dahil magaling si Father makipag communicate.

"Father! Dahil araw ng mga puso, p'wede ba kaming magtanong? Naranasan n'yo na rin po ba ang magkaroon ng babaeng minamahal dati?"

Kaagad na nawala ang ngiti sa labi ng pari nang marinig iyon mula sa isang taong nakaupo sa unahan.

Napailing nalang ako nang marinig ang pagsang-ayon ng karamihan. For me kasi it's too personal since pari na si Father.

Kita ko ang pagdadalawang-isip sa mukha ni father pero wala rin itong nagawa sa dulo dahil pinipilit talaga siya ng karamihan na mag kuwento.

I stayed quite even though I can feel the stare of the man beside me. Mas lalo ko lang itinuon ang atens'yon ko kay father.

"Oo naman, meron. Anong akala n'yo sa'kin, walang puso? Saging nga meron, e,"

Nagtawanan ang mga tao nang marinig ang sinabi ni father.

"I once fell in love with the woman I promised to love until I die..."

Rinig ko ang panghinayang, bulungan at iba't-ibang tanong ng mga tao.

"I met her way back 1990, she is my first love and will definitely my last. Noong nakilala ko siya, nasabi ko sa sarili ko na siya ang una at huling babaeng mamahalin ko sa tanang buhay ko..." He smiled sadly.

"Ano pong nangyari, Father? Nakahanap po ba ng iba?"

Natatawang umiling si Father nang may magtanong ulit.

"Sa pogi kong ito'y tiyak na mahihirapan 'yung maghanap ng ipapalit sa'kin," nagtawanan ang mga tao. "Biro lang, pero nangako rin siyang ako lang ang lalaking mamahalin niya. Alam n'yo mga anak, sobrang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag may nagsabing gano'n sa'yo. Oo, med'yo corny ngang talaga pero kung makikita mo sa mga mata ng taong nagsabi nun sa'yo na seryoso at totoo ang sinasabi niya'y para kang lumilipad sa sarap sa pakiramdam, saya at tuwa,"

"Eh kung ganoon, ano po ang nangyari?" Makulit na tanong nung teenager sa may bandang gitna ng simbahan.

"Kung mayroong mga taong pinagtagpo dahil itinadhana, mayroon ding mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana,"

Natahimik ang buong simbahan nang makita naming lahat ang pasimpleng pagpunas ni Father ng kan'yang luha sa mata.

I don't know yet the whole story pero sa huling sinabi ni father ay alam kong masasaktan ang lahat ng makakarinig nito.

"Noong nakilala ko siya, nakalimutan ko ang pinakauna kong pangarap sa buhay. Hindi dahil iyon ang gusto niya, or nilalayo niya ako sa pangarap kong iyon kundi dahil ang pangarap kong iyon ay siyang hahadlang sa aming pagmamahalan na sa isa't-isa namin natagpuan,"

Blues (ONE-SHOT STORIES COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon