<IX>

5 0 0
                                    

9






Daisy's Point of View

Kanina pa akong nakikiramdam sa paligid. Kanina ko pang napapansin na may kakaiba sa kilos ni Ate, kanina ko pa rin nahahalatang may nakasunod sa amin.

At tama ang hinala ko!

Tama nga sila, once a traitor, always a traitor.

I shouldn't have just trusted Darselle. Masyado ng basura ang history niya, hindi ko na sana binigyan ng chance.

Isa pa si Terrence. I don't believe that he's innocent. I witnessed how he loves Roxanne. Mahal na mahal niya ang babae, at sa aming lahat, siya ang pinakaapektado sa pagkawala ng pinsan ko. Kaya siya rin ang may pinakamalaking motibo sa amin.

"Terrence! May traydor!" sigaw ko nang tuluyang mahuli si Kuya Kio na nakasunod sa amin. Agad kong itinulak si Darselle sa hukay na nakita ko kasi gusto kong mapalabas si Kio at mahuli siya ni Terrence.

Pero sa halip, napasigaw si Terrence at tumalon din sa hukay para sagipin si Darselle.

Damn it!

Lumingon ako sa likod at nakita si Kuya Kio, galit na galit na habang naglalakad papunta sa direksyon ko kaya agad akong tumakbo papasok sa isang maliit na kwebang nakita ko.

At that moment, I knew I am next.

Tinakluban ko ng isang malaking bato ang daanan para hindi niya na ako masundan pa.

Damn! That was close!

I was panting real hard when I heard some tiny footsteps. Agad akong kinabahan dahil doon.

Si Kuya Kio na ba 'yon? Papatayin niya ba ako?

I held my phone tightly and covered my mouth using my hands to avoid making a sound.

Ayaw kong mamatay, alam ko 'yon sa sarili ko!

Hindi pa ako handa, gusto ko munang makarating ng Japan at Thailand. If I will be given a chance, gusto kong makapag-asawa at magka-anak. Gusto kong maging teacher. Gusto kong yumaman.

I heard the footsteps coming closer. Hindi ko maintindihan kung saan ako susuot, wala naman kasing ibang p'wedeng pagtaguan sa isang maliit na kweba. Isa pa ay namamawis na ako sa sobrang init dito sa loob. Parang sumisikip na ang dibdib ko dahil sa sobrang dilim at alam kong hindi ko gusto ito. Ayoko sa dilim. Takot ako.

Hanggang sa maaninag ko na ang isang pares ng mga paa at isang pamilyar na tsinelas.

"Boo!"

"AHHH!" sigaw ko nang hawakan niya ang buhok ko. Tiningnan ko siya at inilawan sa mukha, bahagya pa siyang nasilaw sa liwanag. Unti-unti ring nag-adjust ang paningin ko at doon ko siya nakilala. "You're alive?" tanong ko, gustong mapaiyak nang makita ang ngiti niya.

"You really think I'm dead, Daisy?" tanong niya. Nagkatitigan pa kami hanggang sa nayakap ko na lamang siya nang mahigpit.

 Nagkatitigan pa kami hanggang sa nayakap ko na lamang siya nang mahigpit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Run Away, VienosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon