6
Lourens’ Point of View
Bitbit ang pakete ng sigarilyo ay lumabas ako ng bahay, pero napaatras din agad nang makita sina Darselle, Darren, at Daisy roon.Mas maganda silang tingnan kapag maayos sila.
Kaya sa likod na lamang ako pumunta para manigarilyo. Hindi ko pa rin ma-proseso ang pagkawala ni Ate.
Kung tutuusin, napakabuti niyang tao. Puro lamang siya tawa sa buhay kahit namomroblema, maayos siya makisama, maayos din makitungo. ‘Yon nga lang, nabulag din ng inggit.
Kasi palagi siyang ikinukumpara kina Darselle at Roxanne. Alam ko ‘yon dahil naririnig ko ang lahat. Kesyo bakit si Roxanne, nagawang makapasa sa UPCAT?! Bakit si Darselle, nakayang hindi mag-shift ng course at mapanindigan ang kinuha niya?
Kaya halos gabi-gabi siyang umiiyak sa kwarto niya. ‘Yon din ata ang nakapagpabago ng ugali niya.
Kaya hindi ako naniniwalang ang pagiging masama ay ginusto. Kasi walang may gustong maging masama, tanging ang mga nangyayari sa buhay natin at ang mga taong nakapaligid sa atin ang nagpapabago sa atin. Malakas ang hatak ng impluwensya at ng emosyon, sa totoo lamang.
Alam kong naging masama si Ate, alam kong hindi niya nagawang ipakita ang kabaitan niya, madaldal din ‘yan, oo… pero bakit kailangang patayin?
Hindi… Hindi ako naniniwalang si Roxanne ‘yon, hindi ako naniniwala kasi kilala ko si Roxanne. May pagka-maldita ‘yon, pero hindi siya marunong magalit at magtanim ng sama ng loob. At isa pa, paano magagawa ng isang patay ay pumatay?
Nang maubos ang sigarilyo ay napatigil ako sa narinig na iyak ng kung sino galing sa banyo.
Nakita ko si Nicole at si…
Siya? P-Paano… bakit siya narito?
Run Away, Vienos - VI
Nicole’s Point of View
I was humming Terrence's favorite song when I left the shower room. I immediately proceeded to the sink and looked myself in the mirror. I am just wearing a bathrobe, pero undeniable naman ang beauty ko.
I took my skincare from the frosted ziplock na I bought from the online. Tonight, I am planning to visit Terrence there sa basement. Alam ko naman na Darren didn’t really tied him. And if ever he is, it would be nice for a night, right?
BINABASA MO ANG
Run Away, Vienos
Misterio / SuspensoVieno family, a respectable and high-end family, was put in a real chaos right after the third Vieno's daughter, Roxanne, got killed to prevent the whistle to be blown. And before she died, she left a threat to her cousins which was just ignored. Ju...