<IV>

7 1 0
                                    

4
Trigger warning: Self-harm, violence





'Epiales- spirit and personification of nightmares'

After Daisy woke up, inihatid ko siya sa baba kasama nina Leigh, pinainom din siya ng tubig doon, habang kami naman ni Darren ay pumasok sa kwarto ni Jack. May taklob na ito ngayong kumot.

"Isn't it the one he had picked in the game last night? Epiales?" tanong ni Terrence na nakatingin sa note na nasa sahig. Pulang lipstick ang ginamit doon na panulat.

"Bumaba na muna tayo. Inilipat na rin namin ang gamit ni Daisy sa maleta, sa kwarto ninyo muna siya tutulog." Iniabot sa akin ni Marcus ang maleta. Nagpasalamat ako bago pumunta sa kwarto namin, nagmamadali rin akong bumaba agad.

"This is disturbing! What is happening ba?" tanong ni Nicole. Sinulyapan lamang siya ni Darren bago umiling.

"Kung alam ko, baka ako na rin ang maghiganti," sagot niya.

"Hindi ba may galit ka sa kaniya?" tanong ni Terrence kay Darren habang nakahalukipkip. Iritado naman siyang hinarap ni Darren.

"Are you saying na ako ang may gawa noon?" Darren asked aggressively.

"I wasn't saying that---"

"Pero 'yan ang ipinapahiwatig mo!"

"Bro, stop it," sumingit na si Marcus at Kio sa dalawa.

"Hindi ba ikaw ang may mas malaking galit sa kaniya kasi muntikan niya nang ma-rape 'yong girlfriend mo?!" sigaw ni Darren.

"It's not about how huge the grudge is, it is about the mindset," mahinahong sagot ni Terrence. "I heard you cussing him last night about calling a friend. And the fact that you don't like him from the beginning because he's a red flag for your sister? Kinda suspicious, bro!"

"Wag mong binabaliktad ang kwento, Terrence!"

"Aren't you going to stop?" saway ni Kio. Natahimik na ang dalawa kaya kinuha na nina Kio at Marcus ang chance para paghiwalayin sila.

"So meron akong theory kung paano namatay si Jack," sabi ni Lourens. "'Di ba sabi, masama raw naso-sobrahan sa pagja---"

"Hey!" saway ni Patrice at bahagyang sinamaan ng tingin si Lourens na napaawang ang labi.

"So ayon, what if ginagawa niya 'yon kaya siya hubo't-hubad?" nasabi na lamang ni Lourens.

"It could be, but it's not harmful," sabi ni Darren na isang MedTech student.

"What if bangungot?" mahina at nanginginig na tanong ni Daisy. Hindi pa rin tumitigil kakaiyak.

"Let's take a rest," sabi ni Kio at tumayo na. "We're too emotional to solve this problem, kaya kailangan muna nating magpahinga."

"Ihahatid na namin kayo sa rooms ninyo to make sure that you are all safe," sabi ko na tinanguan nila.

On the first floor, there are two rooms. Ang isang room, ino-occupy nina Sanjie at Krislyn. Ang isa, kay Francis alone. Sa second floor, nangunguna ang kwarto ni Jack. Sa katapat na kwarto ay kina Daisy at Leigh. Sa katabi ay kina Nicole at Patrice, sa tapat naman ay kina Darren at Lourens. At amin ni Kio ang nasa pinakadulo, katapat ay kina Marcus at Terrence.

"Kuya Kio? Okay lang ba kung dito muna ako?" tanong ni Daisy.

"It's fine with me, may kutson pa naman kaya dito na lang muna ako sa baba," sabi ni Kio at ginulo ang buhok ni Daisy.

Run Away, VienosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon