<I>

20 3 0
                                    

Run Away, Vienos- I

Run Away, Vienos- I

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

16 months ago...

"Hoy, Darren! Akin na nga 'yan!"

"Ayoko nga! Akin na lamang 'to!"

"Darren, ibigay mo sabi sa akin 'yan! Isa!" Pinapanood ko silang magkulitan pero agad din akong napaiwas ng tingin dahil naalala kong nagre-review pala ako.

"Hoy, Marcus! Tulungan mo nga ako rito, puro ka tulala ngayon, ah?" Darren shouted.

"Oh, so you're calling for a backup now, huh? Akin na kasi 'yang tshirt ko!" Pilit inabot ni Roxy ang tshirt niya na itinataas naman ni Darren. Roxy wasn't that tall, palagi na lamang pinagtutulungan nina Darren at Marcus. Katulad na lamang ngayon.

"Roxy-Gloxi, bilisan mo ang pagtakbo!" sigaw ni Darren na pilit itinatakbo ang tshirt ni Roxy na malaki naman sa kaniya kaya pilit ina-arbor ni Darren. Mukhang nagkaka-interes na rin si Marcus dahil nakikitakbo na rin. "Catch, Marcus!" Darren tossed the shirt over Marcus' direction.

"Ibigay ninyo na lang kasi sabi! Kapag ibinigay ninyo 'yan, ibibili ko kayo ng tig-isa. Basta 'wag 'yan," sabi niya at umirap, napipikon na.

"Ibigay ninyo na lang kasi!" Napatigil sila sa paghaharutan nang dumating si Lourens, may bitbit na gitara. Nakasuot pa ito ng pantulog kaya alam naming hindi siya pumasok kanina.

"Kuya Lou, ayaw ibigay sa akin, oh!" sumbong ni Roxy at sinamaan ng tingin sina Darren at Marcus.

"Ibibigay naman namin, basta abutin mo," pang-aasar pa ni Marcus kaya lalong napikon si Roxy.

"Kay Terrence kasi 'yan, mga gago talaga kayo! So give that to me before it stinks in your hands. I still want to smell his cologne there, 'no?"

"Oh, ayon naman pala, eh. Kay Terrence pala, bakit nasa 'yo?" tanong ni Marcus at humalukipkip. Kinuhang opportunity 'yon ni Roxy para makuha.

"'Wag mo nga isipit sa kilikili mo, baka mamaho!"

"Hoy, grabe ka!"

"HA-HA-HA shuta ka, Francis!" Napalingon kaming lahat nang marinig ang malakas na tawa ni Daisy sa may pintuan. Kasunod nito sina Francis, Leigh, at si Krislyn. Napairap tuloy ako.

Si Krislyn ang asawa ni Sanjie, kapatid ni France. Nakakainis kaya siya! Ayoko sa kaniya, malinaw sa aming dalawa na hindi ko siya gusto. Pero ang nakakainis ay pinipilit niya pang ipagsiksikan ang sarili niya sa aming magpipinsan at heto pa... she's recruiting my siblings and France to hate me as well. Sabi niya, kung ayaw ko sa kaniya, ayaw niya rin sa akin. I swear, lalo naman ako!

"Tunay naman, eh! Mukha siyang tanga."

"Daisy, France!" bati ni Roxy sa kapatid ko. Ngumiti naman si Daisy at agad na yumakap kay Roxy. Si France naman ay tinapik si Roxy sa balikat niya.

Run Away, VienosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon