<VII>

5 0 0
                                    

7

“Since when, Marcus? Kailan ka pa may signal? Kailan ka pa may access sa labas?”

Natulala siya, ang kamay niya na may hawak na radio ay dahan-dahang bumagsak. Kitang-kita ko ang gulat doon at ang takot. Habang ang nararamdaman ko ay ang labis na disappointment at sakit dahil pakiramdam ko ay niloko ako.

“You let them die, and you didn’t do a single thing! Hindi ka tumawag ng rescue? Hindi ka tumawag ng pulis? Hindi ka tumawag ng ambulance? Hindi mo tinawagan ‘yong driver ng van? ‘Yong bangkero? Si Papa? What the heck, Marcus?!” I blurted out. “Namatay na sila at lahat-lahat, hindi ka pa rin umaksyon? May access ka pala sa mga taga-labas eh! Sana ginawan mo ng paraan!" patuloy kong paninisi.

“Darselle, please, let me explain---“ agad kong pinutol ang sinasabi niya.

“Oh, sige! Anong explanation? You wanted to save yourself? You wanted to go out alone? Para mamatay kami rito isa-isa?!” Hindi ko mapigilang mainis dahil doon. Sa lahat ng pinsan ko, siya ang pinakapinagkatiwalaan ko simula nang mawala si Roxy. And now, I am starting to question him.

I hate the feeling of having trust issue. I hate the feeling na dumadating ako sa puntong kailangan kong kwestyunin ang isang tao dahil sa nabunyag ko.

“No!” he answered. “Kanina lang ako nakahanap ng signal, Darselle. I was calling the driver of the van and he told me na may byahe pa raw sila mula kahapon hanggang mamaya. Bukas pa raw sila makakarating. While the boat cannot sail, may bagyo raw... I may not be able to promise you anything. I may not be able to save their lives dahil takot din ako. But I had a contact from the owner of this island… May Bangka d’yan sa tabing-dagat, Dars, and we will make a way out of this shit.” His voice is filled with hope and fear. His eyes were almost crying just to please me.

“But why didn’t you tell us earlier?” bulong ko. Galit pa rin sa katotohanan na may contact siya sa labas at nagtangka siyang iligtas ang sarili niya lamang. Ang selfish niya! Sobra! 

“What if you’re the killer?” tanong niya hindi ko mapigilang mainis pa lalo, pero at some point naiintindihan ko ang trust issues niya.

“I am not! Furies ako!” I answered. Natigilan siya dahil doon.

“What if you tell the killer what I can do?” Tinitigan ko ang mga mata ni Marcus, kitang-kita ko ang pag-aalinlangan at takot doon.

“So you’re really planning to leave us behind? Marcus naman!” I exclaimed. “Marcus, wasn’t this enough? Wasn’t this enough na isa-isa na tayong namamatay? Bakit kailangan mo kaming iwan dito?”

“If I can I will carry you all out of here! But my life is at stake as well, Darselle,” bulong niya pa. “Now, promise me… promise that you won’t tell anyone about this. Promise me.” Alanganin akong tumingin sa kaniya. “I will get the boat, Darselle, habang lahat sila ay nagsye-syesta. I will test it, I promise, if hindi ikaw ang killer, I will bring you with me.”

Pumayag naman ako.

I know why he cannot get rid of the trust issues. Mahirap magtiwala sa panahong ito. Mahirap ipagkatiwala ang buhay mo dahil nakasalalay ito.

Run Away, VienosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon