Chapter 23

105 11 0
                                    

Redj POV:

"Wooohhhh!!!! Go TSpices!!! TSpices... TSpices!!!!!!"

Maingay na sigaw ng mga customer ng Aspire. Anniversay ngayon ng banda namin at para sa mga loyal na fans namin dito sa Korea sagot namin lahat ng performance ng banda dito sa Aspire.

Enjoy naman ang gabing to. May mga dumalo ding kilalang banda tulad ng BAP as usual, at ng Shinee at EXO.. Andito din nga pala ang 4minute na katatapos lang ng schedule galing sa comeback nila.

"Redj Congrats.. And happy Anniversary!.. Grabe ang energy nyo ngayon ah.. talagang pinaghandaan nyo to ah.." – Salubong sakin nila Baekhyun, DO at Chanyeol ng makababa ako ng stage..

"Syempre noh! eto ang first anniversary ng banda na kasama ako.. at ngayon lang din sila nagcelebrate ng anniversary sa Korea. Kaya dapat maganda ang kalabasan.." – nakangiting sagot ko s kanila

"Congrats Redj.. Happy Anniversary..."  - singit nila Key at Onew samin at binati din nila sila D at ang iba pang member ng TSpices.

"Nag Eenjoy ba naman kayo?"  - Nakangiting tanong sa kanila ni kuya Dindz

"Oo naman.. Pero mas enjoy sana kung libre din ang inumin..."  - nakangiti ring hirit nila Chanyeol.

"hahaha!!! Sya sige, kung wala kayong schedule bukas.. mag cecelebrate kami mamya sa rooftop ng Dorm ng TSEnt. Invited kayo.. Libre na dun ang inumin.."  - mataktikang sagot ni kuya D sa kanila..

"Sige bah!!!" –masiglang sagot nila. At tsaka bumalik sa kanikanilang grupo..

Habang ako naman papunta na sa bar counter para magpahinga saglit.

"Redj.."  - mahinang tawag nya sakin mula sa likuran.. Naman kahit gano pa kahina ang boses nya. Makikilala at makikilala ko sya.. Adik talaga tong taong to.

"Yes Luhan?" – Nakangiting lingon ko sa kanya..

"Happy Anniversary!!!"

"Thanks.."

"Ganyan ba talaga pag nagcecelebrate ng anniversary?"

"alin?"

"Ikaw."

"Akoh?"  - nagtatakang tanong ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad papuntang counter.

"Somobra kasi ang ganda mo ngayong gabi.. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang.."

"Ah.. kasi mas maganda ako sayo ngayon. Ganun ba?"  -

"Hindi noh!! Gwapo ako at Maganda ka.. kaya nga bagay tayong partner ngayong gabi e."

Buti nalang at pang disco ang ilaw dito, naitago ko ang pamumula ko sa kilig.. Noh bayan.. parang kelan lang tulo laway ako sa panonood sa EXO na to sa Laptop ko tas ngayon eto partner ko na ang isa sa kanila..

Tinalikuran ko na sya at umupo sa tapat ng counter, naupo din naman sya sa tabi ko. Tahimik ko minasdan ang mga customer na andun.. At kaya naman pala ako ang pinagbobobola ng Luhan na to dahil sya lang ang walang kapartner sa table nila.

Andun sila Grenadette at Suho, sila Minyeon at Xiumin (buti naman at mukhang ayos na silang dalawa.. isang buwan nadin mula nung makausap ko si Xiumin tungkol sa problema nila ni MinYeon.) at Andun din si Jerica na bagong dating from Philippines at si Tao Yung iba naman nagkakasayahan sa pakikipag kulitan sa ibang mga kakilala nilang andun..

"Oh! Uminom ka muna.. Juice lang yan kasi sabi ni Dinds may party pa daw kayo mamyas rooftop ng TSDorm kaya hindi ka pa pede malasing.."  -  pag bawi ni Luhan sa atensyon ko..

In Time EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon