Special Chapter for Luhan: What is Love

105 9 0
                                    

Luhan's POV:

"Luhan..."

Nagulat ako nang marinig ang boses ni Yi Fan. Akala ko namali lang ako dahil sa halo halong nararamdaman ko ngayon.. Pero nang lumingon ako nandun nga sya.. at hindi lang sya. Andun ang buong EXO.

"Tara na Luhan.. uwi na tayo, kanina ka pa namin hinahanap, kailangan na tayo nila manager." - pag aaya sakin ni Xiumin..

Alam ko.. nararamdaman kong alam nila ang nangyayari... at gusto ko magalit.. pero hindi ko magawa.. hindi kay Xiumin,,. At hindi din kay Redj.. mas nagagalit ako sa sarili ko..

"Teka hyung kanina pa natin hinahanap si Luhan hyung.. andito nadin lang tayo sa park baka naman pede mag relax na muna din tayo.. total konti nalang din naman yung tao." - suhestyon ni Baekhyun.. ahh. Mukhang yung iba hindi alam..

Tahimik lang akong natingin sa kanila habang sila Sehun, Baekhyun, Chen at Chanyeol nagkanya kanya ng ikot sa park.

"Anong ginagawa mo dito?" - seryoso tanong ko kay Yi Fan

"Woah?! Bawal ba ako dito? Tsk tsk... sinadya ko pa naman kayo dito kasi nabalitaan kong magpeperform kayo sa opera house."

Nagdududang tiningnan ko sya.. kilala ko sya at alam kong hindi lang yun ang dahilan at andito sya..

"Haha... at nagphoto shoot nadin ako ng konti.. Konti lang naman. Para sa isang Chinese magazine na icocover ko next month.. hehe.. dito kasi sa Sydney yung settings.."

Sinasabi ko na nga ba.

"Lu-ge.. ok ka lang ba? Gusto mo kumaen.. tara kaen tayo.. sagot ko." - ramdam ko pag aalala ni Xiumin.. kaya alam kong may alam sya..

Masakit mang aminin.. hindi kami nagkausap ni Redj ngayon.. at eto ang EXO nagpapakita ng suporta sakin ngayon..Walang nakaka alam sa kanila sa mga ginawa kong plano mula sa mga bulaklak hanggang sa pag punta dito sa park.

Kaya alam kong si Redj ang nasa likod ng pagdating nila dito ngayon. Hindi naman ako bulag.. nakita ko sya kanina.. antagal kong inantay na lapitan nya ako.. Ayoko syang magkamali ng disisyon kaya hinayaan ko sya..

Pero nung nakita ko syang umiiyak.. Nadoble yung karuwagan ko.. hindi ko na sya lalo nalapitan hanggang sa tuluyan na syang umalis...

"Minseok?" - seryosong tawag ko sa kanya

"huh?"

"Si Redj ba ang nagsabi sayo na andito ako?"

"Hindi sa kanya, Luhan,. Sakin sya tumawag.. ako ang tumawag kina Suho para dalhin nadin silang lahat dito." - agaw na sagot ni Yi Fan..

Nagtatakang napalingon ako sa kanya..

"One week na ako dito at alam ni Redj na andito ko. May hinahanap akong tao kaya ako nandito."

Bukod sa photo shoot at sa panonood ng performances namin. At may iba pang dahilan kaya andito sa Australia ang taong to.. Ibang klase talaga..

Nilingon ko muli si Xiumin. Bakit parang gulat sya?

"Xiumin?"

"Ok ka lang? bakit ganyan ka makatingin kay Kris?"

"huh? Wala masyado kasi syang malaki. Tapos nakaharang pa sa harap ko."

Ano daw?

"Tumawag sakin si Redj, may emergency daw kasi sila sa grupo kaya hindi sya nakapunta dito. Kaya nakiusap sya na puntahan kita.. at yun nga naisip ko na isama na silang lahat." - pagpapatuloy na paliwanag ni Yi Fan.

In Time EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon