CHAPTER 20

146 16 0
  • Dedicated kay Jenelyn Ting Cang
                                    

“Stop crying Redj, alam mo sa sarili mo na hindi totoo ang mga naiisip mo ngayon. Humahanap ka lang ng reason, para makaiyak ka.. hindi pa ba sapat na dahilan ang lahat ng nangyari ngayong araw na eto?”

Napalingon ako sa sinabi nya. Seryoso syang nakatingin sakin. Yunggok pati ba ikaw manenermon din? Tumingin sya sa langit at bumuntong hininga at isinandal ang kanyang likod sa upuan. Minamasdan ko lang sya habang tahimik naman nya akong pinakikiramdaman.

“Alam mo walang mali sa mga sinabi ni Dindz. Malaki ang ipekto mo sa kanila. Hindi lang bilang kagrupo kundi bilang bunsong kapatid. Lumalaban sila para sayo, hindi ba dapat lumaban ka din para sa kanila? Nasa sayo din naman yan. Pabalik balik ka sa nakaraan kaya paulit ulit din sakit na nararamdaman mo.”

Wala akong maisagot sa kanya. Lahat ng sinasabi nya may katotohanan. Nang mapansin nyang hindi na ako umiiyak niyaya nya akong sumama sa kanya. Sumakay kami ng bus papunta sa Hongdae Street. As usual matao sa lugar na eto.. at marami ang nakakakilala samin. 

Pinalibutan agad kami ng mga kadalagahan at panay nadin ang kuha nila ng litrato samin..  Habang sya naman, nanadyang hinawakan pa ako sa kamay habang naglalakad. Dahilan para lalong mag kagulo yung mga nasunod samin.

“Bang, anong ginagawa natin dito? Baka mapagalitan ka ng manager mo.”

“Hindi yun magagalit. At isa pa nagutom ako sa pagdadrama mo kanina.. at ikaw din alam ko gutom na.. kaya halika na at kumaen. Tapos pag uwi tsaka mo harapin yung mga kuya mo..”

At hinila na nya ako papasok sa isang kubol doon na may tindang maraming klase ng noodles soup.. Hinayaan nya lang akong pumili ng gusto ko, at dahil karamihan sa mga pang lahok dun ay hindi ko kilala tinulungan nya ako sa pagpili, bukod kay Kim at sa pamilya ko, alam din ni Bang ang pagkapihikan ko.

“No beef, No oily toppings and no kimchi..”  - pagbibilin nya sa tindera na nag aayos ng order ko.. Samantalang yung sa kanya normal na noodles lang with all the available toppings. Hindi na din sya umorder ng kimchi dahil alam nyang hindi ko kaya ang amoy nun.

Habang inaantay ang order namin. Ipinagpatuloy nya ang panenermon sakin.

“So balik tayo dun sa pinag uusapan natin kanina. Kung ako ang tatanungin mo mas gusto ko din na ipahinga mo muna yung katawan mo. kahit mga 2 weeks lang para naman makabawi bawi ka ng lakas..”

“Di ba kagagaling ko lang sa sick leave ng kulang kulang 1 buwan nung maaksidente ako sa studio 8?”

“Iba yun, kasi may sakit ka noon. Ngayon ang gusto ko at gusto din ng kuya mo is makapag relax ka with friends and family.. Yung makapagbakasyon ka muna. Para mawala yang stress sa mukha mo..”

“So, gusto nyo talagang umuwi ako ng Pilipinas?”

“Yup, but not for good ha.. aba! Subukan mong wag bumalik lagot ka sakin.”

Napatawa naman ako sa huling sinabi nya.. Ngayon ako naliwanagan sa gusto nila mangyari para sakin. At tama sya walang mali dun. Kahit ako, bigla kong naramdaman ang pagkamiss sa buhay ko sa Pilipinas.

“ahhmm… Redj, hindi ko sasabihing antayin mo ako, o ako na lang ang mahalin mo ngayon.. Dahil alam kong sa ngayon hindi ako ang nararapat na lalaki para sayo. Pero sana pag dumating ang panahon na alam kong karapat dapat na ako, sana hindi pa huli ang lahat.”

Mataman akong napatitig sa kanya sa mga salitang binitawan nya. Alam ko at nararamdaman ko ang totoong damdamin nya para sakin. Pero dahil sa sitwasyon namin at sa bigat ng responsibilidad na meron kami pareho. Wala kaming lakas ng loob na panindigan kung ano man yung nararamdaman namin.

In Time EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon