CHAPTER 11

222 18 0
                                    

REDJ’s POV:

“Rr, eto isuot mo oh. Para terno jan sa t-shirt mo.” –si Yongguk, habang inaabot sakin ang isang cap.

Andito kami ngayon sa TS Entertainment building ang The Spices at ang BAP. 3months na ang nakakalipas mula ng nagdebut ako sa banda ng The Spices.

Nagtataka kayo kung bakit asa TSEnt kami. Ganto po yun, ang chairman ng TSEnt na si Mr. Kim Tae-song at ang big boss ng Indi band na The Spices and Mermaids na si Ms. Kim Kae-yin ay magkapatid. Nakababatang kapatid ni Mr. Tae-song si Ms Kae-yin.

So sa TSEnt din kami madalas nag eensayo ng banda at sayaw at dun nga namin naka close ang BAP. Na pabor na pabor sakin bilang isa sa mga fans nila..

At yun nga po, andito kami ngayon sa Korea, para mag guest sa isang TV program, ngayong gabi.. First TV show ko to kasama ang banda, dahil ako ang pinaka huling member na nakasama nila.

Nasabihan nadin ako, na ako ang highlight ng interview.. Kaya eto todo suporta sakin ng mga lalaking eto.

shit! Teka, naiihi ako.. masakit din ang tyan ko..” – ano ba eto.. kung ano ano nararamdaman ko habang palapit ng palapit yung oras ng pagsalang namin.

“huy Rr, kumalma ka nga.. wag ka masyadong kabahan..” – Si E -joey

“Oo nga, wag ka mag alala sasaluhin namin yung mga tanong na di mo kaya” – si D -Dindz

“hay salamat naman kung ganun.. alam nyo naman na kahinaan ko talaga yang mga interview interview na yan.”

“hahahahah… alam naman namin lahat yun, sa ilang beses naba natin nakatanggap ng invitation sa mga TV guesting and interviews lagi kang wala.”  - sila M at H po yan..  Mark and Hester

“kaya dapat galingan mo ngayon, dahil sa mga fans madalas yan first impression last. Kaya wag ka magtataray ha.” ­– si Himchan po yan..

“iwan mo mula katarayan mo dito noona, at dalhin mo etong kacutetan ko.. hehehe” – si Zelo naman po.

“ hoy ano ba kayo.. hindi lang naman ako yung guest dun ah.. bakit kung magsalita kayo parang ako lang yung lalabas dun..”

“hahahaha… oo nga noh?” at nagtawanan kaming lahat. Nawala na din ang kaba ko..

Sa 3 months na papeperform namin ng grupo, ni minsan di pa naman kami nag kita ng EXO, ang Mermaids oo, nakaharap ko na sila at si Jay nung ipakilala ako bilang bagong member ng TSpices.

1st time namin magkaron ng tv guesting dito sa korea, unlike kasi ng Mermaids na dito na talaga sumikat,, madalas magperform ang T Spices sa LA at sa Pilipinas.. oh diba sosyal.. pero di po kami ganun kasikat. Dun lang po talaga kami madalas makatanggap ng invitations.

Wala po kaming pinipiling pagpeperforman kahit po sa kalye ay pede.. wag lang po umuulan..

Pero sa tunay, madalas sa Aspire Bar (Resto-Bar po ng family nila Brukes) kami natugtog pag andito kami sa Korea o di kaya guest kami sa mga concert or performances ng mga artist ng TSEnt.

Ganun ganun lang po wala masyado pressure at stress, di katulad ng mga sikat na artist ng TSEnt at ng iba pang Ent.companies na talagang pinagkakaguluhan na fans.

May fans di pala kami, yung ilang babies na tinanggap kami bilang bestfriend band ng BAP. At may mga shippers din kami.. yun nga lang ginawa nila akong lalakerong bata… dahil ako lang ang babae sa grupo.

“The Spices ready na daw po.. sasalang na kayo”- stuff

waahhhhh…. Parang ayaw ko ng lumabas dun….”

In Time EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon