SPECIAL CHAPTER FOR MIN YEON - XIUMIN'S GF

235 19 1
  • Dedicated kay Cheng Dee
                                    

Min Yeon’s POV:

Hi I’m Min Yeon, 22 years old and a pure Korean. Curious kayo kung sino ako anoh? Hmmm,,. Girl friend po ako ni Xiumin Oppa magfo 4 years na yung relation namin although nagkahiwalay kami ng 1 year and 8 months dahil po sa nangyaring aksidente.

Start ko yung story ng life ko ng pagpapakilala pa ng sarili ko po. Ako po ay isang adapted child ng kinilala kong mama at ng kapatid nya na syang kinilala kong ama. In short ampon po ako ng magkapatid. Regarding my real parents naman, wag po kayong mag alala hindi po sila biglang susulpot sa story na to kasi matagal na po silang patay, sanggol pa lang po ako.

Flashback:

Maayos at maalaga ang mama ko, kaya naging maayos ang buhay ko sa loob 16 na taon.. yup 16 years lang po, kasi nagkaron sya ng malubhang sakit na naging dahilan na din ng kanyang pagkamatay.. Dahil minor di edad padin ako, kinailangan kong sumama sa pamilya ng papa ko.  Doon na nagbago ang buhay ko. As in!

Sa hindi ko malamang dahilan galit na galit sakin ang asawa at ang mga anak ni Papa. Araw araw akong napapagalit, nasisisi sa mga bagay na hindi ko naman ginawa at madalas din nila akong iwanan sa pagpasok, kahit may sasakyan hindi nila ako pinapasabay.

Isang umaga na iniwan na naman ako ng mga panget na yun.  Kaya ata ayaw akong isabay nagmumukha silang muchacha ko..Naglalakad lang papunta sa bus station ng may bigla na lang bumanggang lalaki sakin galing sa likuran ko.

Aray koh!!! .. Yah!! di kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo!” – taray ko sa kanya.. abah! di biro ang laki mo kuya para banggain ako noh..

“Sorry Miss malelate na kasi kami.”

Kami? Tsaka ko lang napansin yung mga paparating pang higante na kasama pala nito. Uso din ba ang Milo Marathon dito sa korea.. yung totoo?! kailangan lahat tumatakbo.

yah! hyung bakit ka tumigil baka malampasan tayo ng bus. 15 minutes na lang

“ha!....hingal… min…hingal ulit…seok, anong nangyari dito.?”

Ayan lahat sila kanya kanyang tanong paglapit samin. Teka sinong Min yung tinatanong ng tomboy na to. Ako ba?

Sasagot pa sana tong tabachingching na to ng mapansin kong padaan na yung bus na kailangan kong sakyan kaya napasigaw ako..

Yung Bus ko!!!” – sabay karipas na ako ng takbo ulit. Maya maya kasabay ko na din silang tumatakbo.

???????? teka…. Bakit natakbo din sila?

Miss akin na yang bag mo ako na magbibitbit kesa maiwan ka jan dahil sa kabagalan mo tumakbo

Sino kayang may kasalanan kung bakit ako maiiwan ng bus ngayon.  Dahil malaki naman ang katawan nya ibigay ko nga sa kanya ang bag ko na punong puno ng mga libro ko.

wow! Anong laman nito bato?.. Yixing, pabitbit muna ng bag ko. Ambigat ng bag netong babaeng to, parang pasan ko ang mundo..”

In Time EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon