CHAPTER 13

208 19 2
                                    

Kilig moments with BangYG

Redj’s POV:

Andito padin kami ngayon sa Aspire, Inaantay namin dumating si Ms Kim Kae-yin, may mahalaga daw kasi syang sasabihin samin. Sa mga nakalimot po. Sya po yung boss ng TSpices at Mermaids.

Well andito padin pala   ang BAP. Anjan lang sila pakalat kalat nakikipag kwentuhan at kulitan sa ibang celebrities, habang eto namang si manong BangYG ay nakaglue sakin.

Nakaupo lang kami dito habang pinapanood yung kulitan ng mga customer. At etong katabi ko, kanina pa kung ano ano sinusulat sa likod ko. 

(yung ginagawa natin sa school, sa likod ng nakaupo sa unahan natin, nagsusulat tayo sa likod nila gamit yung daliri natin taz ipapabasa natin sa kanila bawat letra.)

LoVE?”- hula ko sa sinulat nya.

Yes?” – nakangising sagot naman nya.

Tinaasan ko sya ng kilay, “sabi ko love yung sinulat mo. di kita tinatawag ng love”

At tinawanan nya lang ako.

Nang mabagot na sya sa ginagawa nya, isinandal nya yung ulo nya sa balikat ko at nagsimula syang kumanta.

Bang Yungguk:  Would you dance

If I asked you to dance?

Would you run

And never look back? 

Sino bang babae ang tatakbo at tatanggi sa isang BanYG? Sweet, responsible and very matured. Idagdag mo pa yung itsura at talent nya.

Napaka lalim at napaka sarap pakinggan ng boses nya. Parang syang nagbibigay na pangako na sigurado mong tutupadin nya.

At nakikanta na din ako sa kanya. 

Redj:      Would you cry

If you saw me crying?

And would you save my soul, tonight?

Dalawang tao ang pumasok sa isip ko sa mga linyang yun, si Jay at si Kim, Yung mga pangako nila na naglahong parang bula.

Naramdaman kong umalis sya sa pagkakasandal sa balikat ko, at ipinaling nya yung mukha ko paharap sa kanya. 3 inch lang ang pagitan ng mga mukha namin. Naiilang ako pero di ako makaiwas dahil seryoso yung mukha nya.

BangYG: Would you tremble

 If I touched your lips?

Sabay titig nya sa mga labi ko.. oh shit!! Ramdam na ramdam ko na ang pag iinit nga pisngi ko. Hindi ako makahinga at nakatulala lang ako sa kanya.. Pinipigilan ko yung mga mata kong tumingin din sa mga labi nya.. Naku po wag ka pong tukso..

Redj:     Would you laugh?

Oh please tell me this

Sinundan ko agad yung kanta nya, sabay iwas ng mukha ko, mahirap na noh baka di ako makapagpigil marape ko to.

Redj:     Now would you die

For the one you loved?

Nilingon ko sya na parang nang hahamon. Niyakap naman nya ako sa bewang bilang sagot.

Hold me in your arms, tonight.

Sumandal ako sa kanya, habang nakayakap padin sya sakin.

In Time EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon