Chapter 15 : Double Date

123 10 3
                                    

--

Kakatapos lang ng grand rally nila sir bong sa nueva ecija actually hindi na talaga ako pinayagan sumama ni simon dahil nga sa mga gasgas na natamo ko nung nahulog ako sa hagdan kaso wala sya nagawa

Andito ako sa may gilid habang tinutulungan mag linis yung mga street sweepers

Nagpalit ako ng damit dahil nabasa ako kanina may mga loko kasi na nagsaboy ng tubig sa amin buti na lang may polo blouse akong extra tinuck in ko lang toh sa fit jeans ko tinali ko rin yung buhok ko gamit clamp ko tinaas ko rin ng kaunti yung polo sleeve ko masyado kasi mainit

Lumipat ako sa mas may maraming kalat doon sinimulan ko mag walis iniipon ipon namin lahat toh sa isang lugar tsaka namin linalagay sa sako

"Sipag naman ng babaeng yan"

Bigla naman ako nagulat sa nagsalita habang pinupulot ko yung mga plastic bottle ng liningon ko toh si keith lang pala

"Hindi ako nagsisisi na ikaw yung pinili kong babae na makasama habang buhay kailan mo ba kasi ako balak na sasagutin?"

Napapikit naman ako sa sinabi nya linagay ko muna mga napulot kong plastic bottle sa sako tsaka ako bumalik sa kanya

"Aba sir ipapaalala ko lang po ilang linggo ka palang naman nangliligaw sa akin kung naiinip ka na pwede ka naman na huminto ano?"

Bumalik ako sa paglilinis kinuha ko yung walis tsaka yung dustpan grabe ang laki naman nito habang nagwawalis ako dito bigla na lang kinuha ni keith yung mga hawak ko

"At sino nagsabi na naiinip ako? Diba sabi ko sayo im willing to wait ako na dito umupo ka na lang dyan"

"Huwag na ako na"

Aagawin ko sana yung walis sa kanya kaso linalayo nya sa akin toh tinuro nya yung bench na malapit may nakalagay din doon na paper bag ng jollibee sakto bigla naman kumulo tyan ko

"I brought a food for you alam ko gutom ka na bilis na ang prinsesa hindi dapat pinapagod"

Napangiti naman ako sa sinabi nya aaminin ko kinilig ako sa ginawa nya kaya naman inirapan ko na lamg sya pero deep inside kilig na kilig ako umupo ako sa bench tsaka ko binuklat kung ano binili nya

Meron lang syang dalawang hamburger meron ding fries at drinks kaso tig iisa lang hindi nya binili sarili nya hay bahala na titiran na ko na lang sya

Pinapanood ko lang sya mula dito habang kumakagat ako sa hamburger na binili nya tingnan na lang natin if tatagal sya mayaman si keith hindi sya gaano ka spoiled pero laki sa yaman toh for sure never pa sya nagwalis sa dami ba naman ng yaya nila sa bahay nila

"Ano kaya pa ba?" pasigaw kong tanong sa kanya kitang kita naman na nangangawit na sya at hingal na hingal pa

"Oo naman anything for you!" sigaw nito tsaka sya bumalik sa pagwawalis

Habang pinapanood ko sya bigla na lang ako napapasmile grabe kaya nya talaga gawin lahat para sa akin mahal ko din naman sya eh kaso mas napagtutuunan ko ng pansin si simon siguro time na toh para naman ibaling ko sa kanya lahat

Tumayo ako tsaka ko kinuha yung drinks tsaka isang hamburger tsaka ako lumapit sa kanya napansin ko rin na ang bilis nya pagpawisan kaya kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko tsaka ko pinang punas sa kanya

"Sinasagot mo na ako?" tanong nya habang pinupunasan ko tumutulong pawis sa noo nya agad ko naman sya tinulak ng kaunti gamit dalwang daliri ko

"Gaga ano ka sinuswerte?"

Inabot ko sa kanya yung hamburger tsaka yung drinks kaso bigla nya binuka bibig nya mukang gusto pa ata nito subuan ko pa sya ano sya sinuswerte ulit?

"May kamay ka diba?"

More Than Friends (COMPLETE) Where stories live. Discover now