Chapter 39 : Quality Time

100 6 0
                                    

--

DAY 3 OUT OF 7

Nakahiga lang ako sa tummy ni simon habang nagbabasa ng libro. Pareho kami maaga nagising siguro naninibago pa ako sa kuwarto nasanay kasi ako sa kuwarto ko sa korea

Pero hindi sya dito natulog ha, Sa guess room sya natulog medyo nakainom kasi sya kagabi. Dumalaw sila anna at charles nagkayayaan sila na uminom then yun sya nag suggest na sa ibang kuwarto matulog baka daw kasi may mangyari sa amin yung respect talaga nya ramdam na ramdam ko kaya naman patay na patay ako dito e.!

"Bakit ka tumatawa tawa dyan?" napa tingala ako sa kanya

"Wala! Sa binabasa ko lang" bumangon agad ako tsaka ako tumabi ng higa sa kanya

"Kailan ka babalik sa Manila?"

Binaba nya phone nya tsaka nya niyakap ulo ko kaya binaba ko rin hawak kong libro para mayakap sya pabalik

"Kailan mo ba gusto?"

"Dito ka muna kaya hanggang makaalis ako gusto ko lang kasi sulitin leave ko pero if marami ka gagawin okay lan--"

"No, its okay sasabihin ko na lang kay max linisin ko schedule ko this week"

"Sigurado ka?"

He nod nag cuddle lang kami dito ng napansin ko na nakatulog sya. Unti unti ko tinanggal kamay nya na nakayakap sa akin tsaka ako bumangon. Ayoko rin sya gisingin mukang hindi sya nakatulog kagabi e bumaha na rin ako tsaka ko hinanap si manang rosa

"Manang Rosa!" tawag ko pero walang sumasagot kaya lumabas na ako

Aha! Tama hinala ko! Pagpunta ko kasi sa kusina binuksan na pala nila yung box na binigay ko kaya pala walang tao sa bahay hahaha. Halos magkagulo sila habang naghahalungkat kanya kanya silang hanap ng pangalan nila

"Hayy nako! Turuan mo nga ako dito ine sa cellphone na toh puro di keypad lang naman kasi alam ko gamitin" stress na sabi ni manang rosa kay althea

"Nako ho madali lang yan katuald lang sa keyboard pero touchscreen naman po yan teka po akin na" si althea

Ganito pala feeling na magbigay noh? Yung feeling na ako yung dahilan bakit sila masaya ngayon

"Hala! Ma'am andiyan po pala kayo, Kanina pa po ba kayo dyan?" tanong ni axel

Lumapit ako. "Kakarating ko lang ano nagustuhan niyo ba sorry ha hindi ko kasi alam mga size niyo"

"Ma'am! Sobra sobra na po toh e halos buwan buwan may padala kayo sa para sa amin" si ate carmina

"Nagustuhan po namin lalo yung sapatos kasyang kasya!" masaya namang usal ni johnny

Napangiti naman ako. "Oh sya maiwan ko muna kayo maglilibot lang ako"

Nakayakap ako sa sarili oo habang naglilibot dito actually sa linalakaran ko nagbabalak ako gawing park or pasyalan marami din kasi nagsasabi na mala park or amusement park yung dating. Pero pinag iisipan pa naman namin if ever itutuloy namin

Dito kasi marami kang malilibutan pwede ka mag pictures lalo na ang gaganda ng bulaklak dito. Pwede mo rin maranasan yung mag alaga ng hayop katulad ng kabayo, cow, kambing at iba pa if ever matutuloy plano namin gusto ko sana ipangalan kay hiro sya kasi unang nag bigay sa akin ng idea

--throwback--

"Hello po! Welcome to our farm!" salubong sa akin ni hiro paglabas ko ng bahay

"Ginagawa mo?" natatawa kong tanong

Agad nya hinila kamay ko. "Tara ate kunware ikaw una kong visitor sa farm ko ililibot kita!"

More Than Friends (COMPLETE) Where stories live. Discover now